Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, DISYEMBRE 3, 2023

SHARE THE TRUTH

 6,224 total views

Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B)

Isaias 63, 16b-17. 19b; 64, 2b-7
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16. 18-19

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

1 Corinto 1, 3-9
Marcos 13, 33-37

First Sunday of Advent (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 63, 16b-17. 19b; 64, 2b-7

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ikaw lamang, Panginoon,
ang aming pag-asa’t Amang aasahan;
tanging ikaw lamang
yaong nagliligtas nitong aming buhay.
Bakit ba, Panginoon,
kami’y tinulutang maligaw ng landas,
at ang puso nami’y iyong binayaan
na maging matigas?
Balikan mo kami, iyong kaawaan,
ang mga lingkod mo na tanging iyo lamang.
Buksan mo ang langit
at ika’y bumaba sa mundong ibabaw,
at ang mga bundok
kapag nakita ka’y magsisipangatal.
Wala pang narinig na Diyos na tulad mo,
wala pang nakita ang sinumang tao;
pagkat ikaw lamang ang Diyos
na tumulong sa mga lingkod mo
na buong tiwalang nanalig sa iyo.
Iyong tinatanggap,
ang nagsisikap sa mabuting gawa,
at ang iyong aral at mga tuntunin ang ginugunita.
Nagagalit ka na’y tuloy pa rin kami sa pagkakasala,
ang ginawa nami’y talagang masama buhat pa nang una.
Ang lahat sa ami’y pawang nagkasala,
ang aming katulad
kahit anong gawin ay duming di hamak.
Ang nakakawangki ng sinapit nami’y
mga dahong lagas, sa simoy ng hangi’y
tinatangay ito at ipinapadpad.
Wala kahit isang dumulog sa iyo
upang dumalangin, wala kahit isang
lumapit sa iyo na tulong ay hingin;
kaya naman dahil sa aming sala’y
hindi mo kami pinansin.
Gayunman, Panginoon,
aming nalalamang ika’y aming Ama,
kami’y parang luwad at ikaw ang magpapalayok.
Ikaw ang lumikha
sa amin, Panginoon, at wala nang iba.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16. 18-19

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

Pastol ng Israel, kami ay pakinggan;
mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan.
Sa taglay mong lakas, kami ay iligtas,
at tubusin sa hirap!

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

Ika’y manumbalik,
O Diyos na Dakila! Pagmasdan mo kami mula sa itaas,
at ang punong ito’y muling pagyamanin, at iyong iligtas.
Lumapit ka sana,
ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,
yaong punong iyon na pinalago mo’t iyong pinalakas!

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

Ang lingkod mong mahal
ay iyong ingatan,
yamang hinirang mo ay iyong ipagsanggalang,
iyong palakasin bilang isang bansang makapangyarihan!
At kung magkagayon,
magbabalik kami’t di na magtataksil sa ‘yo kailanman,
kami’y pasiglahi’t aming pupurihin ang iyong pangalan.

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 1, 3-9

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.

Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapala niya sa inyo sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo’y umunlad sa lahat ng paraan, maging sa pananalita at kaalaman. Ang katotohanang ipinangaral namin tungkol kay Kristo ay malinaw na nakikita sa inyo anupa’t hindi kayo nagkulang sa anumang kaloob na espirituwal, habang hinihintay ninyong mahayag ang ating Panginoong Hesukristo. Kayo’y aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Hesukristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayo’y makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesukristong ating Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Salmo 84, 8

Aleluya! Aleluya!
Pag-ibig mo’y ipakita,
lingapin kami tuwina,
iligtas kami sa dusa!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 13, 33-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat kayo at maging handa sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang takdang oras. Katulad nito’y isang taong umalis upang maglakbay sa malayong lupain: ipinababahala ang kanyang tahanan sa mga alipin na binigyan ng kanya-kanyang gawain, at inuutusan ang bantay-pinto na maging laging handa sa kanyang pagdating. Gayon din naman, maging handa kayong lagi, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang puno ng sambahayan – maaaring sa pagdilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kaya’y sa umaga – baka sa kanyang biglang pagdating ay maratnan kayong natutulog. Ang sinasabi ko sa inyo’y sinasabi ko sa lahat: Maging handa kayo!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Adbiyento

Sa unang araw na ito ng Adbiyento, dumulog tayo sa Panginoon nang may buong pananalig at pagmimithing tanggapin siya sa ating buhay. Sama-sama tayong manalangin:

Halina, Panginoon iligtas mo kami!

Para sa buong pamayanang Kristiyano: Nawa’y ito ay maging maningning na halimbawa ng tapat na pagtalima sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, mga pari, at lahat ng mga konsagradong tao: Nawa’y matagpuan nila sa atin ang kasiyahang kanilang inaasahan habang pinagsisikapan nilang higit tayong mailapit sa Diyos. Manalangin tayo!

Para sa nahihirapang maglaan ng panahon sa mga bagay na espirituwal: Nawa’y makatagpo sila ng kakayahang mag-alay ng puwang at panahon para sa Diyos at maka-Diyos na gawain. Manalangin tayo!

Para sa mga may karamdamang wala nang lunas at malapit nang mamatay: Nawa’y maihanda sila ng Adbiyentong ito para sa kanilang mahalagang pakikipagtagpo sa Dakilang Hukom. Manalangin tayo!

Para sa mga di pa naaabot ng liwanag ng Ebanghelyo: Nawa’y matanggap nila si Hesus bilang kanilang Tagapagligtas. Manalangin tayo!

Para sa mga may HIV/AIDS: Nawa’y patuloy silang umasa kay Hesus, sa kabila ng kanilang karamdaman, at sila nawa ay bigyan ng pangangalagang tulad ng kay Kristo ng mga taong nagmamalasakit sa kanila. Manalangin tayo!

Para sa mga nanganganib magkaroon ng HIV dahilan sa uri ng kanilang pamumuhay na di naaayon sa turo ni Kristo: Nawa ay mapagtanto nila na ang mga utos ng Diyos ay hindi para sila ay paghigpitan kundi upang sila ay pangalagaan at bigyan ng buhay na tunay na malaya sa mga mapang-alipin at mapaglinlang na kaligayahan. Manalangin tayo!

Para sa mga taong may kapansanan. Maging sila nawa ang tampulan ng atensyon at pagkalinga ng lipunan. Manalangin tayo!

Panginoon, ipadama mo sa amin ang mapagpagaling na bisa ng Iyong pananahan sa aming piling. Mapaglingkuran Ka nawa namin nang buong kagalakan sa buong panahon ng Adbiyentong ito. Ikaw na nabubuhay at nagha- hari magpasawalang hanggan. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 29,044 total views

 29,044 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 37,144 total views

 37,144 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,111 total views

 55,111 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,142 total views

 84,142 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,719 total views

 104,719 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Watch Live

Related Post

Martes, Mayo 13, 2025

 256 total views

 256 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 11, 19-26 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Purihin ng tanang bansa ang

Read More »

Lunes, Mayo 12, 2025

 750 total views

 750 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kina San Nereo at San Achilles, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Linggo, Mayo 11, 2025

 1,197 total views

 1,197 total views Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 13, 14. 43-52 Salmo 99, 2. 3. 5 Lahat tayo’y kanyang bayan,

Read More »

Sabado, Mayo 10, 2025

 1,728 total views

 1,728 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 9,

Read More »

Biyernes, Mayo 9, 2025

 2,074 total views

 2,074 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Huwebes, Mayo 8, 2025

 2,624 total views

 2,624 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Miyerkules, Mayo 7, 2025

 2,036 total views

 2,036 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Martes, Mayo 6, 2025

 2,688 total views

 2,688 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a.

Read More »

Lunes, Mayo 5, 2025

 2,876 total views

 2,876 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Linggo, Mayo 4, 2025

 2,782 total views

 2,782 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 27b-32. 40b-41 Salmo 29, 2 at 4. 5 at 6. 11 at

Read More »

Sabado, Mayo 3, 2025

 3,624 total views

 3,624 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Read More »

Biyernes, Mayo 2, 2025

 3,841 total views

 3,841 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y

Read More »

Huwebes, Mayo 1, 2025

 1,511 total views

 1,511 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14

Read More »

Miyerkules, Abril 30, 2025

 5,090 total views

 5,090 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5.

Read More »

Martes, Abril 29, 2025

 5,473 total views

 5,473 total views Pagggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na!

Read More »
Scroll to Top