LINGGO, DISYEMBRE 3, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,896 total views

Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B)

Isaias 63, 16b-17. 19b; 64, 2b-7
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16. 18-19

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

1 Corinto 1, 3-9
Marcos 13, 33-37

First Sunday of Advent (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 63, 16b-17. 19b; 64, 2b-7

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ikaw lamang, Panginoon,
ang aming pag-asa’t Amang aasahan;
tanging ikaw lamang
yaong nagliligtas nitong aming buhay.
Bakit ba, Panginoon,
kami’y tinulutang maligaw ng landas,
at ang puso nami’y iyong binayaan
na maging matigas?
Balikan mo kami, iyong kaawaan,
ang mga lingkod mo na tanging iyo lamang.
Buksan mo ang langit
at ika’y bumaba sa mundong ibabaw,
at ang mga bundok
kapag nakita ka’y magsisipangatal.
Wala pang narinig na Diyos na tulad mo,
wala pang nakita ang sinumang tao;
pagkat ikaw lamang ang Diyos
na tumulong sa mga lingkod mo
na buong tiwalang nanalig sa iyo.
Iyong tinatanggap,
ang nagsisikap sa mabuting gawa,
at ang iyong aral at mga tuntunin ang ginugunita.
Nagagalit ka na’y tuloy pa rin kami sa pagkakasala,
ang ginawa nami’y talagang masama buhat pa nang una.
Ang lahat sa ami’y pawang nagkasala,
ang aming katulad
kahit anong gawin ay duming di hamak.
Ang nakakawangki ng sinapit nami’y
mga dahong lagas, sa simoy ng hangi’y
tinatangay ito at ipinapadpad.
Wala kahit isang dumulog sa iyo
upang dumalangin, wala kahit isang
lumapit sa iyo na tulong ay hingin;
kaya naman dahil sa aming sala’y
hindi mo kami pinansin.
Gayunman, Panginoon,
aming nalalamang ika’y aming Ama,
kami’y parang luwad at ikaw ang magpapalayok.
Ikaw ang lumikha
sa amin, Panginoon, at wala nang iba.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16. 18-19

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

Pastol ng Israel, kami ay pakinggan;
mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan.
Sa taglay mong lakas, kami ay iligtas,
at tubusin sa hirap!

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

Ika’y manumbalik,
O Diyos na Dakila! Pagmasdan mo kami mula sa itaas,
at ang punong ito’y muling pagyamanin, at iyong iligtas.
Lumapit ka sana,
ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,
yaong punong iyon na pinalago mo’t iyong pinalakas!

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

Ang lingkod mong mahal
ay iyong ingatan,
yamang hinirang mo ay iyong ipagsanggalang,
iyong palakasin bilang isang bansang makapangyarihan!
At kung magkagayon,
magbabalik kami’t di na magtataksil sa ‘yo kailanman,
kami’y pasiglahi’t aming pupurihin ang iyong pangalan.

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 1, 3-9

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.

Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapala niya sa inyo sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo’y umunlad sa lahat ng paraan, maging sa pananalita at kaalaman. Ang katotohanang ipinangaral namin tungkol kay Kristo ay malinaw na nakikita sa inyo anupa’t hindi kayo nagkulang sa anumang kaloob na espirituwal, habang hinihintay ninyong mahayag ang ating Panginoong Hesukristo. Kayo’y aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Hesukristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayo’y makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesukristong ating Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Salmo 84, 8

Aleluya! Aleluya!
Pag-ibig mo’y ipakita,
lingapin kami tuwina,
iligtas kami sa dusa!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 13, 33-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat kayo at maging handa sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang takdang oras. Katulad nito’y isang taong umalis upang maglakbay sa malayong lupain: ipinababahala ang kanyang tahanan sa mga alipin na binigyan ng kanya-kanyang gawain, at inuutusan ang bantay-pinto na maging laging handa sa kanyang pagdating. Gayon din naman, maging handa kayong lagi, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang puno ng sambahayan – maaaring sa pagdilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kaya’y sa umaga – baka sa kanyang biglang pagdating ay maratnan kayong natutulog. Ang sinasabi ko sa inyo’y sinasabi ko sa lahat: Maging handa kayo!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Adbiyento

Sa unang araw na ito ng Adbiyento, dumulog tayo sa Panginoon nang may buong pananalig at pagmimithing tanggapin siya sa ating buhay. Sama-sama tayong manalangin:

Halina, Panginoon iligtas mo kami!

Para sa buong pamayanang Kristiyano: Nawa’y ito ay maging maningning na halimbawa ng tapat na pagtalima sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, mga pari, at lahat ng mga konsagradong tao: Nawa’y matagpuan nila sa atin ang kasiyahang kanilang inaasahan habang pinagsisikapan nilang higit tayong mailapit sa Diyos. Manalangin tayo!

Para sa nahihirapang maglaan ng panahon sa mga bagay na espirituwal: Nawa’y makatagpo sila ng kakayahang mag-alay ng puwang at panahon para sa Diyos at maka-Diyos na gawain. Manalangin tayo!

Para sa mga may karamdamang wala nang lunas at malapit nang mamatay: Nawa’y maihanda sila ng Adbiyentong ito para sa kanilang mahalagang pakikipagtagpo sa Dakilang Hukom. Manalangin tayo!

Para sa mga di pa naaabot ng liwanag ng Ebanghelyo: Nawa’y matanggap nila si Hesus bilang kanilang Tagapagligtas. Manalangin tayo!

Para sa mga may HIV/AIDS: Nawa’y patuloy silang umasa kay Hesus, sa kabila ng kanilang karamdaman, at sila nawa ay bigyan ng pangangalagang tulad ng kay Kristo ng mga taong nagmamalasakit sa kanila. Manalangin tayo!

Para sa mga nanganganib magkaroon ng HIV dahilan sa uri ng kanilang pamumuhay na di naaayon sa turo ni Kristo: Nawa ay mapagtanto nila na ang mga utos ng Diyos ay hindi para sila ay paghigpitan kundi upang sila ay pangalagaan at bigyan ng buhay na tunay na malaya sa mga mapang-alipin at mapaglinlang na kaligayahan. Manalangin tayo!

Para sa mga taong may kapansanan. Maging sila nawa ang tampulan ng atensyon at pagkalinga ng lipunan. Manalangin tayo!

Panginoon, ipadama mo sa amin ang mapagpagaling na bisa ng Iyong pananahan sa aming piling. Mapaglingkuran Ka nawa namin nang buong kagalakan sa buong panahon ng Adbiyentong ito. Ikaw na nabubuhay at nagha- hari magpasawalang hanggan. Amen!

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,485 total views

 75,485 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 87,131 total views

 87,131 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 96,378 total views

 96,378 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,175 total views

 102,175 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,563 total views

 114,563 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

Related Story

SABADO, MARSO 2, 2024

 838 total views

 838 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob. Lucas 15, 1-3. 11-32 Saturday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Mikas 7, 14-15. 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas Patnubayan mo ang iyong

Read More »

BIYERNES, MARSO 1, 2024

 1,817 total views

 1,817 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang dakilang gawa ng D’yos. Mateo 21, 33-43. 45-46 Friday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Mas mahal

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 29, 2024

 2,731 total views

 2,731 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 16, 19-31 Thursday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 17, 5-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Sinasabi ng Panginoon, “Parurusahan ko ang

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 28, 2024

 3,722 total views

 3,722 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y ‘yong sagipin. Mateo 20, 17-28 Wednesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 18, 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ang sabi ng mga tao: “Iligpit

Read More »

MARTES, PEBRERO 27, 2024

 4,456 total views

 4,456 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 23, 1-12 Tuesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 1, 10. 16-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Mga pinuno

Read More »

LUNES, PEBRERO 26, 2024

 4,761 total views

 4,761 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Lucas 6, 36-38 Monday of the Second Week in Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 9, 4b-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Panginoon, dakila at Makapangyarihang Diyos

Read More »

LINGGO, PEBRERO 25, 2024

 4,915 total views

 4,915 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Salmo 115, 10 at 15. 16-17. 18-19 Sa piling ng Poong mahal ako’y laging namumuhay. Roma 8, 31b-34 Marcos 9, 2-10 Second Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Pagbasa

Read More »

SABADO, PEBRERO 24, 2024

 5,132 total views

 5,132 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 23, 2024

 5,435 total views

 5,435 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

 5,207 total views

 5,207 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 21, 2024

 4,603 total views

 4,603 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Lucas 11, 29-32 Wednesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jonas 3, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas Sinabi uli ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta

Read More »

MARTES, PEBRERO 20, 2024

 4,073 total views

 4,073 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan. Mateo 6, 7-15 Tuesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 55, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Ang ulan at

Read More »

LUNES, PEBRERO 19, 2024

 3,484 total views

 3,484 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Mateo 25, 31-46 Monday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Levitico 19, 1-2. 11-18 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin

Read More »

LINGGO, PEBRERO 18, 2024

 2,881 total views

 2,881 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 9, 8-15 Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, iyong minamahal ang tapat sa iyong tipan. 1 Pedro 3, 18-22 Marcos 1, 12-15 First Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 9, 8-15 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Ito ang

Read More »

SABADO, PEBRERO 17, 2024

 2,668 total views

 2,668 total views Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 9b-14 Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6 Ituro mo ang ‘yong loob nang matapat kong masunod. Lucas 5, 27-32 Saturday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 9b-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Kung titigilan ninyo ang pang-aalipin at pagsuway sa

Read More »
Scroll to Top