Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, ENERO 29, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,275 total views

Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Sofonias 2, 3; 3, 12-13
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

1 Corinto 1, 26-31
Mateo 5, 1-12a

Fourth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sofonias 2, 3; 3, 12-13

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Sofonias

Hanapin ninyo ang Poon, kayong mapagpakumbaba,
kayong gumaganap ng kanyang kautusan;
hanapin ninyo ang katwiran at iyon ang inyong gawin,
baka sakaling kayo’y patawarin at iligtas sa araw ng kanyang poot.
At ang iiwan ko roon ay mga taong mapagpakumbaba,
na lalapit sa akin upang pasaklolo.
Ang natira sa Israel ay hindi na gagawa ng kasamaan
at hindi magsisinungaling ni mandaraya man.
Uunlad ang kanilang buhay at magiging panatag
at wala silang katatakutan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

o kaya: Aleluya.

Ang maaasahang lagi’y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapo ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

Walang hanggang Hari, ang Diyos na Poon!
Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 1, 26-31

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan nang kayo’y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang sa paningin ng sanlibutan ay marunong, makapangyarihan at maharlika. Subalit pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas. Pinili niya ang mga itinuturing na hamak, walang halaga, at walang kabuluhan sa sanlibutang ito upang pawalang-halaga ang itinuturing na dakila sa sanlibutan. Kaya’t walang maaaring magmalaki sa harapan ng Diyos. Sa kanya mula ang ating pakikipag-isa kay Kristo Hesus, na ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan niya, tayo’y pinawalang-sala ng Diyos, pinapaging-banal at iniligtas. Kaya nga, tulad ng nasasabi sa Kasulatan, “Ang Panginoon ang dapat ipagmalaki ng may ibig magmalaki.”

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 5, 12a

Aleluya! Aleluya!
Magdiwang kayo’t magsaya,
sa langit ay liligaya,
gagantimpalaan t’wina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 1-12a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakaraming tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito:
“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
“Mapalad ang mga nahahapis sapagkat aaliwin sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga mapagkumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.”
“Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.”
“Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.”
“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.”
“Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

TinitiyaksaatinngPanginoong Hesus na lubos ang pagkalinga ng Diyos sa mabababang-loob o hinahamak, at gagantimpalaan Niya ng Kaharian ang mga nagsasabuhay sa mga pagpapahalagang itinatampok sa “Mapapalad.” Idalangin natin ang biyayang maging tapat sa gayong mga pagpapahalaga:

Panginoon, pakinggan mo kami!

Nawa ang buong Simbahan, sa pamamatnubay ng kanyang mga pinuno, ay maging maningning na halimbawa ng pagtatangi sa moral at espirituwal na pagpapahalaga sa halip ng pagkahilig sa mga kayamanang materiyal. Manalangin tayo!

Nawa ang mga nagdadalamhati’t naghihirap alang-alang sa katarungan ay makatagpo sa mga pamayanang Kristiyano ng bukal ng lakas ng loob at kasiyahan. Manalangin tayo!

Nawa ang nagtataguyod ng kapayapaan sa kanilang kapaligiran kailanma’ y huwag panamlayan sanhi ng kahirapan sa kanilang pagsisikap. Manalangin tayo!

Nawa ang mga makapangyarihan at marunong ay maging mahabagin sa mga nagdarahop upang sila ma’y makalasap ng habag ng Diyos. Manalangin tayo!

Nawa ang kabataan, lalo na ng ating bayan, ay magpahalaga sa kalinisan ng puso sa isip, salita, at gawa. Manalangin tayo!

Nawa pahalagahan nating lahat ang Salita ng Diyos sa pamamamagitan ng pagbabasa’t pagsasa- buhay nito. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipagdasal ang ating sariling mga kahilingan. (Manahimik sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, kinakatawan mo ang mga pagpapahalaga ng “Mapapalad” at ang kanilang kaganapan. Habang pinagsisika- pan naming pagtibayin sa aming buhay ang ganitong mga pagpa- pahalaga, biyayaan mo nawa kami hanggang sapitin namin ang iyong Kaharian kung saan ka nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 63,426 total views

 63,426 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 79,598 total views

 79,598 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 119,309 total views

 119,309 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 179,300 total views

 179,300 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 191,591 total views

 191,591 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 49,578 total views

 49,578 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 49,809 total views

 49,809 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 50,323 total views

 50,323 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 36,338 total views

 36,338 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 36,447 total views

 36,447 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top