Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 221,295 total views

Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by an orchestra”. Ito ang kumukumpas upang matiyak na nasa unified rhythm ang mga musikero.

Ang tanong ng mga Pilipino… Mayroon kaya? at sinong CONDUCTOR ang mayroong makapangyarihang kamay na siyang nagdidikta o kumukumpas sa binuong Independent Commission for Infrastructure o ICI? Ang ICI ay naatasang mag-imbestiga at magrekomenda ng kasong ihahain sa korte laban sa mga sangkot sa multi-bilyong pisong flood control projects ng pamahalaan.

Sino ang CONDUCTOR na pumipigil na lumabas ang buong katotohanan sa katiwaliang kinasasangkutan ng mga mambabatas, opisyal ng DPWH, COA at mga sakim na kamag-anak at kaalyadong kontraktor?

Lumutang ang katanungan at hinalang ito Kapanalig sa pagbibitiw ni dating DPWH secretary Rogelio Singson bilang commissioner ng ICI. Naunang nagbitiw na commissioner ng ICI si Baguio Mayor Benjamin Magalong.

Ang dahilan ng pagbibitiw ni Singson, “very intense at stressful” ang trabaho sa ICI na nakakaapekto sa kanyang katawan. Si Singson ay 77-taong gulang na. May pumipigil ba kay Singson na habulin at panagutin sa batas ang mga “big fish”?

Pero hindi naniniwala ang mga kritiko sa katwiran ni Singson… Hinala nila, nararamdaman ng dating kalihim ng DPWH na ginagawa siyang washing machine at punching bag ng Malakanyang sa ICI. Ayaw umano ni Singson na maging tagalinis ng Malakanyang sa malawakang korapsyon na kinasasangkutan ng kongreso, COA, DPWH, maging ang Department of Budget and Management o DBM at Office of the President ay isinasangkot na.

Mariing itinatanggi ng ICI at Malakanyang na nagbitiw si Singson dahil sa frustration o kabiguan. Ang tunay na dahilan ng pagbibitiw ni Singson ay kawalan daw ng suporta ng Office of the President sa imbestigasyon ng ICI. Ibig sabihin Kapanalig, mga pipitsugin lamang ang makakasuhan., ang mga malalaking isda ay tiyak na makakawala.

Kapanalig, nangyari ang pagbibitiw ni Singsion sa gitna ng kawalang-tiwala ng mga Pilipino sa ICI. Base sa survey ng WR Numero, 37-percent lamang ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa kumisyon habang 32-porsiyento ang hindi nagtitiwala sa pangunahing anti-corruption initiative ni PBBM.

Paano magtitiwala ang publiko sa ICI na walang kapangyarihan at ngipin na hulihin at isakdal ang mga napatunayang tiwali o mga kasangkot sa pagnanakaw sa pera ng taumbayan? Ang magagawa lamang ng ICI ay referral sa Office of the Ombudsman kung sino-sino ang dapat kasuhan sa korte.

Sa pagbibitiw ni Singson., sinasabing ang ICI is dead! Sa pagkawala nito sa ICI ay maliligaw ng landas ang mga kasapi ng anti-corruption body na nilikha ng Malakanyang.
Sinasabi ni Pope Francis sa kanyang encyclical na “Laudato Si”20…, When the culture itself is corrupt and objective truth and universally valid principles are no longer upheld, then laws can only be seen as arbitrary impositions or obstacles to be avoided”.

Binibigyan-diin ng Catholic Social Teaching na ang corruption ay “major driver of poverty, injustice and miserable living conditions.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 9,630 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 9,736 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 72,541 total views

 72,541 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 142,142 total views

 142,142 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 173,426 total views

 173,426 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 205,439 total views

 205,439 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 354,040 total views

 354,040 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 72,542 total views

 72,542 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 142,143 total views

 142,143 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 173,427 total views

 173,427 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 205,440 total views

 205,440 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top