Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, HULYO 30, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,537 total views

Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

1 Hari 3, 5. 7-12
Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130.

Iniibig ko nang lubos
tanang utos mo, Poong D’yos.

Roma 8, 28-30
Mateo 13, 44-46

Seventeenth Sunday in Ordinary Time (Green)
Fil-Mission Sunday

UNANG PAGBASA
1 Hari 3, 5. 7-12

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, ang Panginoo’y napakita kay Solomon sa panaginip. “Ano ang ibig mong ibigay ko sa iyo? Sabihin mo!” wika sa kanya. Sumagot si Solomon, “Panginoon, aking Diyos, ginawa mo akong hari bilang kahalili ng aking amang si David, bagaman ako’y bata pa’t walang karanasan. Pinapamuno mo ako sa iyong bayan, sa bayang ito na hindi na mabilang sa dami. Bigyan mo ako ng isang pusong maunawain at marunong kumilala ng masama at magaling. Sapagkat sino ang maaaring maghari sa bayan mong ito na napakalaki?” Ikinalugod ng Panginoon ang hiling ni Solomon. Kaya’t sinabi sa kanya: “Yamang hindi ka humiling para sa iyong sarili ng mahabang buhay, o kayamanan, o kamatayan ng iyong mga kaaway, kundi ang hiniling mo’y pagkaunawa at katalinuhang humatol, ipinagkakaloob ko sa iyo ang hiniling mo. Binibigyan kita ng karunungan na walang kapantay, maging sa mga nauna, maging sa mga susunod pa sa iyo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130.

Iniibig ko nang lubos
tanang utos mo, Poong D’yos.

Ikaw lamang, Panginoon, ang lahat sa aking buhay,
kaya ako’y nangangakong susundin ang kautusan.
Higit pa sa ginto’t pilak nitong buong sanlibutan,
ang mabuting idudulot ng bigay mong kautusan.

Iniibig ko nang lubos
tanang utos mo, Poong D’yos.

Aliwin mo sana ako niyang pag-ibig mong lubos,
katulad ng binitiwang pangako sa iyong lingkod.
Sa akin ay mahabag ka, at ako ay mabubuhay,
ang lubos kong kasiyaha’y nasa iyong kautusan.

Iniibig ko nang lubos
tanang utos mo, Poong D’yos.

Mahigit pa kaysa ginto, pag-ibig ko sa ‘yong aral,
mahigit pa kaysa gintong binuli at dinalisay.
Kaya iyang tuntunin mo ang siya kong sinusunod,
pagkat ako’y namumuhi sa anumang gawang buktot.

Iniibig ko nang lubos
tanang utos mo, Poong D’yos.

Lubos akong humahanga sa bigay mong mga turo,
iya’y aking iingata’t susundin nang buong puso,
ang liwanag ng turo mo’y nagsisilbing isang tanglaw,
nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.

Iniibig ko nang lubos
tanang utos mo, Poong D’yos.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 8, 28-30

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito’y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayon, naging panganay natin siya. At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 44-52

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laking tuwa, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.

Gayun din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.

“Ang paghahari ng Diyos ay katulad din ng isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng sari-saring isda. Nang mapuno ay hinila ito sa pampang. At naupo ang mga tao upang pagbukud-bukirin ang mga isda: tinipon nila sa mga sisidlan ang mabubuti, ngunit itinapon ang mga walang kuwenta. Gayun din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang mga makasalanan sa mga banal, at ihahagis ang mga makasalanan sa maningas na pugon. Doo’y mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin.

“Nauunawaan na ba ninyo ang lahat ng ito?” tanong ni Hesus. “Opo,” sagot nila. At sinabi niya sa kanila, “Kaya nga, ang bawat eskriba na kumikilala sa paghahari ng Diyos ay tulad ng isang puno ng sambahayan na kumukuha ng mga bagay na bago at luma sa kanyang taguan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya:
Mateo 13, 44-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laking tuwa, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon. “Gayun din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Patnubay sa Misa

Nagpapasalamat sa Panginoon sa pagtawag niya sa atin para mapabilang sa Kaharian, hilingin natin ang iba pang biyayang kai- langan natin upang tayo’y maging lalong karapat-dapat na kaanib ng kanyang Kaharian. Sabay-sabay nating hilingin:

Mapasaamin ang Kaharian mo!

Nawa maging laging bukas ang Simbahan sa lahat ng may nais pumasok upang balang araw sila’y maging mga tapat na disipulo ng Panginoon. Manalangin tayo!

Nawa ang Santo Papa, mga obispo, mga pari, at relihiyoso ay tuwinang maging inspirasyon na- tin para magmahal at maglingkod sa Panginoon nang buong puso, isip, at kaluluwa. Manalangin tayo!

Nawa gabayan ng mga magulang, guro, at katekista ang kanilang mga anak at tinuturuan upang magpahalaga sa pagiging kaanib ng Kaharian ng Diyos. Manalangin tayo!

Nawa ang mga walang tirahan, walang hanapbuhay, maysakit, at dukha ay makatagpo ng habag, pakikiisa, at kailangang tulong sa kani-kanilang pamayanang Kristiyano. Manalangin tayo!

Nawa ang mga kaanib sa ating pamayanan, lalo na ang kabataan, ay magtamo ng saganang biyaya at pagkalinga ng Diyos sa kanilang kahirapan. Manalangin tayo!

Nawa magtagumpay ang ating mga kababayang misyonero sa pagsisikap nilang magpatuloy ng maraming tao sa Kaharian ng Diyos. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, tagapagpagaling ng katawan at kaluluwa, kahabagan mo ang aming pama- yanan at ang sanlibutan. Manahin nawa namin ang Kaharian kung saan ka nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Nagpapasalamat sa Panginoon sa pagtawag niya sa atin para mapabilang sa Kaharian, hilingin natin ang iba pang biyayang kai- langan natin upang tayo’y maging lalong karapat-dapat na kaanib ng kanyang Kaharian. Sabay-sabay nating hilingin:

Mapasaamin ang Kaharian mo!

Nawa maging laging bukas ang Simbahan sa lahat ng may nais pumasok upang balang araw sila’y maging mga tapat na disipulo ng Panginoon. Manalangin tayo!

Nawa ang Santo Papa, mga obispo, mga pari, at relihiyoso ay tuwinang maging inspirasyon na- tin para magmahal at maglingkod sa Panginoon nang buong puso, isip, at kaluluwa. Manalangin tayo!

Nawa gabayan ng mga magulang, guro, at katekista ang kanilang mga anak at tinuturuan upang magpahalaga sa pagiging kaanib ng Kaharian ng Diyos. Manalangin tayo!

Nawa ang mga walang tirahan, walang hanapbuhay, maysakit, at dukha ay makatagpo ng habag, pakikiisa, at kailangang tulong sa kani-kanilang pamayanang Kristiyano. Manalangin tayo!

Nawa ang mga kaanib sa ating pamayanan, lalo na ang kabataan, ay magtamo ng saganang biyaya at pagkalinga ng Diyos sa kanilang kahirapan. Manalangin tayo!

Nawa magtagumpay ang ating mga kababayang misyonero sa pagsisikap nilang magpatuloy ng maraming tao sa Kaharian ng Diyos. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, tagapagpagaling ng katawan at kaluluwa, kahabagan mo ang aming pama- yanan at ang sanlibutan. Manahin nawa namin ang Kaharian kung saan ka nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 91,204 total views

 91,204 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 109,553 total views

 109,553 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 127,837 total views

 127,837 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 282,513 total views

 282,513 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 326,960 total views

 326,960 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Pebrero 10, 2026

 697 total views

 697 total views Paggunita kay Santa Escolastica, dalaga 1 Hari 8, 22-23. 27-30 Salmo 83, 3. 4. 5 at 10. 11 Ang templo mo’y aking mahal,

Read More »

Lunes, Pebrero 9, 2026

 1,484 total views

 1,484 total views Lunes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 8, 1-7. 9. 13 Salmo 131, 6-7. 8-10 Poong Makapangyarihan, kami’y iyong panahanan.

Read More »

Linggo, Pebrero 8, 2026

 2,255 total views

 2,255 total views Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 58, 7-10 Salmo 111, 4-5. 6-7. 8a at 9 Sa dilim ay may liwanag sa tao

Read More »

Sabado, Pebrero 7, 2026

 2,956 total views

 2,956 total views Sabado ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Hari 3, 4-13 Salmo

Read More »

Biyernes, Pebrero 6, 2026

 3,557 total views

 3,557 total views Paggunita kina San Pedro Bautista, San Pablo Miki at mga Kasama, mga martir Sirak 47, 2-13 (gr. 2-11) Salmo 17, 31. 47 at

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top