Linggo, Hunyo 21, 2026

SHARE THE TRUTH

 2,693 total views

Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Jeremias 20, 10-13
Salmo 68, 8-10. 14 at 17. 33-35

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

Roma 5, 12-15
Mateo 10, 26-33

Twelfth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Jeremias 20, 10-13

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Naririnig kong nagbubulungan ang karamihan.
Tinagurian nila akong “Kilabot saanman.”
Sinasabi nila, “Isuplong natin! Isuplong natin!”
Pati matatalik kong kaibiga’y naghahangad ng aking kapahamakan.
Wika pa nila, “Marahil ay malilinlang natin siya;
pagkatapos, dakpin natin at paghigantihan.”
Subalit ikaw’y nasa panig ko, Poon, malakas ka’t makapangyarihan;
madarapa ang lahat ng umuusig sa akin,
hindi sila magtatagumpay kailanman.
Mapapahiya sila sapagkat hindi sila magwawagi.
Mapapahiya sila habang panahon,
at ito’y hindi na makakalimutan.
Makatarungan ka kung sumubok sa mga tao,
Poon, Diyos na Makapangyarihan,
alam mo ang laman ng kanilang mga puso’t isip.
Kaya’t ikaw ang maghiganti sa mga kaaway ko,
ipinagkakatiwala ko sa mga kamay mo ang aking kapakanan.
Awitan ninyo ang Panginoon, inyong purihin ang Poon
sapagkat inililigtas niya ang mga api
mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 68, 8-10. 14 at 17. 33-35

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

Dahilan sa iyo, ako’y inaglahi,
napahiyang lubos sa pagkaunsiyami.
Sa mga kapatid parang ako’y iba,
kasambahay ko na’y di ako kilala.
Ang pagmamahal ko sa banal mong templo,
matinding-matindi sa kalooban ko;
sa akin bumagsak, paghamak sa iyo.

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

At sa ganang akin, ako’y dadalangin
sa iyo, O Poon, sana’y iyong dinggin
sa mga panahon na iyong ibigin;
dahil sa dakilang pag-ibig sa akin,
ang iyong pangakong pagtubos ay sundin.
Poon, sa buti mo’t pag-ibig sa akin,
sa aking pagtawag ako sana’y dinggin,
sa pagkahabag mo, ako ay lingapin.

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
lingkod na bilanggo’y di nalilimutan.
Ang Diyos ay purihin ng langit at lupa,
maging karagata’t naroong nilikha!

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 5, 12-15

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Ang kasalana’y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala. Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago pa ibinigay ang Kautusan, ngunit walang pinananagot sa kasalanan kung walang Kautusan. Gayunman, naghari ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa mga tao na ang pagkakasala’y di tulad ng pagsuway ni Adan.

Si Adan ay anino ng isang darating. Ngunit magkaiba ang dalawang ito, sapagkat ang kagandahang-loob ng Diyos ay higit na di hamak kaysa pagsuway ni Adan. Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa marami ang pagsuway ni Adan, ngunit malaki ang kahigtan ng kagandahang-loob ng Diyos at ng kaloob na dumating sa napakarami sa pamamagitan ng isang tao – si Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 15, 26b. 27a

Aleluya! Aleluya!
Kayo at ang Espiritu
ang s’yang magpapatotoo
tungkol sa aral ni Kristo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 26-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Huwag kayong matakot sa mga tao. Walang natatago na di malalantad o nalilihim na di mabubunyag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinulong sa inyo ay inyong ipagsigawan. Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan, sa impiyerno. Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.

“Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

 

Inaanyayahan tayo ni Hesus na huwag matakot kundi magtiwala sa Ama. Buong pagtitiwala tayong manalangin: Panginoon, turuan Mo kaming magtiwala sa Iyo.

Panginoon, turuan Mo kaming magtiwala sa iyo.

Para sa Santo Papa at mga pinuno ng Simbahan: nawa’y palakasin sila ng Diyos at manatiling tapat na saksi Niya. Manalangin tayo.

Para sa mga pinuno ng daigdig: nawa’y maglingkod sila nang may katapangan at katarungan para sa lahat. Manalangin tayo.

Para sa mga ama at mga tumatayong ama: nawa’y pamunuan nila ang kanilang pamilya nang may pag-ibig, karunungan, at integridad. Manalangin tayo.

Para sa ating lahat: nawa’y matapang nating maipahayag ang pananampalataya at magtiwala sa kalinga ng Diyos. Manalangin tayo.

Ama naming nasa langit, turuan Mo kaming lubos na magtiwala sa Iyo at manatiling tapat hanggang sa buhay na walang hanggan. Hinhiling naming ito sa pamamagitan ni Kristo aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 9,665 total views

 9,665 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 38,016 total views

 38,016 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 105,746 total views

 105,746 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 128,897 total views

 128,897 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 198,396 total views

 198,396 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hulyo 23, 2026

 933 total views

 933 total views Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida ng Sweden, namanata sa Diyos Jeremias 2, 1-3. 7-8.

Read More »

Miyerkules, Hulyo 22, 2026

 2,623 total views

 2,623 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan,

Read More »

Martes, Hulyo 21, 2026

 4,431 total views

 4,431 total views Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Lorenzo ng Brindisi, pari at pantas ng Simbahan Mikas 7,

Read More »

Lunes, Hulyo 20, 2026

 5,777 total views

 5,777 total views Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mikas 6, 1-4. 6-8 Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin

Read More »

Linggo, Hulyo 19, 2026

 6,644 total views

 6,644 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Karunungan 12, 13. 16-19 Salmo 85, 5-6. 9-10. 15-16a Poon, ikaw ay mabuti sa lahat ng

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top