Sabado, Hunyo 20, 2026

SHARE THE TRUTH

 1,552 total views

Sabado ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

2 Cronica 24, 17-25
Salmo 88, 4-5. 29-30. 31-32. 33-34

Sa kanya mananatili
ang aking pag-ibig lagi
.

Mateo 6, 24-34

Saturday of the Eleventh Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
2 Cronica 24, 17-25

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Cronica

Pagkamatay ni Joiada, ang mga pinuno ng Juda ay nagbigay-galang sa hari at nagharap ng mga kahilingan. Pinagbigyan naman niya ang mga ito kaya’t itinakwil nila ang bahay ng Panginoon at ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Nagbalik sila sa paglilingkod sa mga Asheras at pagsamba sa mga diyus-diyusan. Bunga nito, nagalit ang Diyos at pinarusahan ang taga-Juda at ang taga-Jerusalem. Ngunit nagsugo ang Panginoon ng mga propeta upang ang mga tao’y magbalik-loob sa kanya. Gayunma’y hindi sila nakinig. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay bumaba kay Zacarias na anak ng Saserdote Joiada. Tumayo siya sa gitna ng mga tao. Sinabi niya, “Ito ang sabi ng Diyos: ‘Bakit ninyo nilabag ang mga utos ng Panginoon? Gusto ba ninyong mapahamak? Sapagkat itinakwil ninyo siya, itatakwil din niya kayo!’ “Ngunit nagkaisa ang mga tao. At sa utos ng hari, binato nila si Zacarias hanggang sa mamatay. Naganap ito sa looban ng bahay ng Panginoon. Hindi man lamang naalaala ng Haring Joas ang tapat na paglilingkod sa kanya ni Joiada na ama ni Zacarias. Bago namatay si Zacarias, ganito ang kanyang sinabi, “Parusahan nawa kayo ng Panginoon sa ginawa ninyong ito.”

Nang matapos na ang taon, si Joas ay sinalakay ng hukbo ng mga Siro. Pinasok nila ang Juda at Jerusalem at pinatay ang mga pinuno ng hukbo. Lahat ng sinamsam nila’y ipinadala sa hari sa Damasco. Maliit man ang hukbo ng mga Siro ay matagumpay rin laban sa malaking hukbo ng Juda sapagkat itinakwil nito ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Sila ang nagparusa kay Joas dahil sa pagtataksil nito.

Iniwan ng mga Siro si Joas na may sugat na malubha. Ngunit pagkaalis nila, nagkaisa ang mga lingkod ng hari na ipaghiganti ang pagkamatay ni Zacarias. Kaya pinatay nila si Joas sa kanyang higaan. Inilibing nila ito sa Lungsod ni David ngunit hindi sa libingan ng mga hari.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 88, 4-5. 29-30. 31-32. 33-34

Sa kanya mananatili
ang aking pag-ibig lagi.

Sabi mo, O Poon, ikaw ay may tipan
na iyong ginawa kay David mong hirang
at ito ang iyong pangakong iniwan:
“Isa sa lahi mo’y laging maghahari,
ang kaharian mo ay mamamalagi.”

Sa kanya mananatili
ang aking pag-ibig lagi.

Ang aking pangako sa kanya’y iiral
At mananatili sa kanya ang tipan.
Laging maghahari ang isa n’yang angkan,
sintatag ng langit yaong kaharian.

Sa kanya mananatili
ang aking pag-ibig lagi.

“Kung ang mga anak niya ay susuway,
at ang aking utos ay di igagalang,
kung ang aking aral ay di pakikinggan
at ang Kautusa’y hindi iingatan,

Sa kanya mananatili
ang aking pag-ibig lagi.

Kung gayun, daranas sila ng parusa
sa ginawa nilang mga kasamaan,
sila’y hahampasin sa ginawang sala.
Ngunit ang tipan ko’t pag-ibig kay David,
ay di magbabago’t hindi mapapatid.”

Sa kanya mananatili
ang aking pag-ibig lagi.

ALELUYA
2 Corinto 8, 9

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay naging dukha
upang tayo’y managana
sa bigay n’yang pagpapala.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 6, 24-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan.

“Kaya’t sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain at inumin na kailangan ninyo upang mabuhay, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon: hindi sila naghahasik ni nag-aani o kaya’y nagtitipon sa banga. Gayunman, pinakakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makapagpapahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?

“At bakit kayo nababagabag tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagpapagal ni humahabi man. Ngunit ito ang sasabihin ko sa inyo: maging si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng isa sa mga bulaklak na ito, bagamat napakariringal ang mga damit niya. Kung ang mga damo sa kabukiran, na buhay ngayon at kinabukasa’y iginagatong sa kalan, ay dinaramtan ng Diyos, kayo pa kaya? Kay liit ng pananalig ninyo sa kanya! Kaya’t huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakanin, iinumin, o daramtin. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo. Kaya, huwag ninyong ikababahala ang para sa araw ng bukas; saka na ninyo harapin kapag ito’y dumating. Sapat na sa bawat araw ang kanyang mga suliranin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Lingo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Tinatawag tayo ng Ebanghelyo na maging tapat sa ating paglilingkod sa Diyos. Ang ating mga panalangin sa Ama nawa’y nagpapahayag ng uri ng ating pagtitiwala at pagmamahal.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ipinauubaya namin ang aming mga alalalahanin sa Iyo.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y masigasig na italaga ang kanilang mga sarili sa pagpapalaganap ng paghahari ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at nangangailangan nawa’y makadama ng ating pagkalinga at pag-aaruga, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mamuhay sa ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos at hindi magambala ang ating mga isip sa mga bagay na hindi naman dapat na ipag-alala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maranasan ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal ng mga nagmamalasakit sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makibahagi sa pagwawagi ni Kristo laban sa kamatayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, kami ay nananalig sa iyo. Huwag nawa naming ituon ang aming puso sa mga bagay ng mundong ito kundi sa iyong mapagmahal na pagpapala. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 17,371 total views

 17,371 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 50,453 total views

 50,453 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 78,804 total views

 78,804 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 146,534 total views

 146,534 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,326 total views

 168,326 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 1,082 total views

 1,082 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

Huwebes, Hulyo 23, 2026

 2,615 total views

 2,615 total views Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida ng Sweden, namanata sa Diyos Jeremias 2, 1-3. 7-8.

Read More »

Miyerkules, Hulyo 22, 2026

 4,305 total views

 4,305 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan,

Read More »

Martes, Hulyo 21, 2026

 5,774 total views

 5,774 total views Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Lorenzo ng Brindisi, pari at pantas ng Simbahan Mikas 7,

Read More »

Lunes, Hulyo 20, 2026

 6,896 total views

 6,896 total views Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mikas 6, 1-4. 6-8 Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top