Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linggo, Marso 16, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,578 total views

Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw
na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K)

Genesis 15, 5-12. 17-18
Salmo 26, 1. 7-8. 9abk. 13-14

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Filipos 3, 17 – 4, 1
o kaya Filipos 3, 20 – 4, 1
Lucas 9, 28b-36

Second Sunday of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Genesis 15, 5-12. 17-18

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, inilabas ng Diyos si Abram at sinabi sa kanya: “Masdan mo ang mga bituin! Mabibilang mo ba iyan? Ganyan karami ang magiging anak mo at apo.” Nanalig si Abram, at dahil dito’y kinalugdan siya ng Panginoon.

Sinabi pa ng Panginoon kay Abram, “Ako ang kumuha sa iyo sa Ur ng Caldea upang ibigay sa iyo ang lupaing ito.” Itinanong naman ni Abram, “Panginoon, aking Diyos, paano ko malalamang ito’y magiging akin?”

Sinabi sa kanya, “Dalhan mo ako ng isang baka, isang kambing, at isang tupa, bawat isa’y tatlong taon ang gulang. Magdala ka rin ng isang kalapati at isang batubato.” Dinala nga ni Abram ang lahat ng iyon at biniyak ang bawat isa maliban sa mga ibon. Inihanay niyang magkakatapat ang pinaghating hayop. Bumaba ang mga buwitre upang kanin ito, ngunit itinaboy sila ni Abram.

Nang kumikiling na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram, at nagkaroon ng isang nakatatakot na pangitain.

Pagkalubog ng araw at laganap na ang dilim, biglang may lumitaw na palayok na umuusok, at maningas na sulo na dumaan sa pagitan ng pinatay na mga hayop. At nang araw na yaon, nakipagtipan ang Panginoon kay Abram, wika niya: “Nangangako ako na ibibigay sa lahi mo ang lupaing ito, mula sa hanggahan ng Egipto hanggang sa Ilog-Eufrates.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 26, 1. 7-8. 9abk. 13-14

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Tanglaw ko’y ang Poon, aking kaligtasan,
kaya walang takot ako kaninuman;
sa mga panganib kanyang iingatan,
kaya naman ako’y walang agam-agam.

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

O Diyos, ako’y dinggin sa aking pagtawag,
lingapin mo ako, sa aki’y mahabag.
Ang paanyaya mo’y “Lumapit sa akin.”
Huwag kang magkukubli’t kita’y hahanapin!

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

H’wag kang magagalit, huwag mong itatakwil
akong katulong mo at iyong alipin;
Tagapagligtas ko, h’wag akong lisanin!

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Ako’y nananalig na bago mamatay
masasaksihan ko ang ‘yong kabutihan
na igagawad mo sa mga hinirang.
Sa Panginoong Diyos tayo’y magtiwala!
Ating patatagin ang paniniwala;
tayo ay umasa sa kanyang kalinga!

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

IKALAWANG PAGBASA
Filipos 3, 17 – 4, 1

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga kapatid, magkaisa kayong tumulad sa halimbawang ipinakita ko sa inyo. Kami ang gawin ninyong huwaran. Masdan ninyo ang lahat ng sumusunod sa mga halimbawang ito. Tulad ng malimit kong sabihin sa inyo – at ngayo’y luhaang inuulit ko – marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Kristo. Kapahamakan ang kahihinatnan nila sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig ng kanilang katawan. Ikinararangal nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya at ang pinag-uukulan lang nila ng pansin ay ang mga bagay na panlupa. Sa kabilang dako, ang langit ang tunay nating bayan. Mula roo’y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Hesukristo, ang ating Tagapagligtas. Pagdating ng araw na yaon, babaguhin niya ang ating katawang-lupa at gagawing maluwalhati, tulad ng kanyang katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay.

Kaya nga, minamahal kong mga kapatid – aking kagalakan at karangalan na lagi kong kinasasabikang makita uli – magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya: Maikling Pagbasa
Filipos 3, 20 – 4, 1

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga kapatid:
Ang langit ang tunay nating bayan. Mula roo’y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Hesukristo, ang ating Tagapagligtas. Pagdating ng araw na yaon, babaguhin niya ang ating katawang-lupa at gagawing maluwalhati, tulad ng kanyang katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay.

Kaya nga, minamahal kong mga kapatid – aking kagalakan at karangalan na lagi kong kinasasabikang makita uli – magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

Sa ulap na maliwanag
ito ang siyang pahayag
ang D’yos Ama na nangusap:
“Ito ang mahal kong Anak
lugod kong dinggin ng lahat.”

MABUTING BALITA
Lucas 9, 28b-36

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon: Umakyat si Hesus sa bundok upang manalangin. Isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago. Samantalang siya’y nananalangin, nagbago ang anyo ng kanyang mukha, nagningning ang kanyang kasuutan na naging puting-puti. Di kaginsaginsa’y lumitaw ang dalawang lalaki – sina Moises at Elias na napakitang may kaning-ningan – at nakipag-usap sa kanya. Pinag-usapan nila ang nalalapit na pagpanaw ni Hesus na magaganap sa Jerusalem. Tulog na tulog si Pedro at ang kanyang mga kasama, ngunit sila’y biglang nagising at nakita nila si Hesus na nagniningning at ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya. Nang papaalis na sa tabi ni Hesus ang mga lalaki, sinabi ni Pedro, “Guro, mabuti pa’y dumito na tayo. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises, at isa kay Elias.” Ang totoo’y hindi niya nalalaman ang kanyang sinasabi. Nagsasalita pa siya nang matakpan sila ng isang ulap, at sila’y natakot. At may isang tinig mula sa alapaap na nagsabi, “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Siya ang inyong pakinggan.” Nang tumigil ang tinig, nakita nilang nag-iisa na si Hesus. At hindi muna sinabi ng mga alagad kaninuman ang kanilang nakita.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Sa paggunita natin sa pagbabagong-anyo ni Hesus at sa pagpapanibagong-sigla ng ating pangakong makinig sa kanya, pakumbaba nating idulog ang ating mga kahilingan at manalangin:

Anak ng Diyos, dinggin mo kami!

Para sa Simbahan, ang tahanan ng lahat ng sumasampalataya: Nawa’y liwanagan niya ang sangkatauhan sa pamamagitan ng kabanalan ng kanyang mga kasapi. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng ating mga pinuno: Nawa’y matagpuan nila sa Pagbabagong-anyo ni
Hesus ang lakas na kailangan nila upang magpunyagi sa kanilang mabuting gawa. Manalangin tayo!

Para sa mga walang pagpapahalaga sa panalangin: Nawa’y maging pampalakas-loob sa kanila ang halimbawa ni Hesus upang mapitagan nilang maitaas ang kanilang isipan sa Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga nag-aasal bilang “mga kaaway ng krus ni Kristo”: Nawa’y mapagtanto nila ang kanilang pagkakamali at sa halip ay tularan si Hesus. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa’y buong-tapang nating labanan ang “kultura ng kamatayan” na nagbabanta sa ating bayan at itaguyod ang “kultura ng buhay at pag-ibig.” Manalangin tayo!

Para sa lahat ng pamilyang hindi nagkakasundo: Nawa’y makatagpo sila ng lunas sa kanilang mga sugat sa pamamagitan ng kapatawaran, pagtuklas sa yamang panloob na taglay ng bawa’t isa, sa kabila ng kanilang nagkakaibang pananaw. Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, sa Bundok ng Tabor ipinakita mo ang kaningningan ng iyong dakilang kabanalan at pinuspos mo ng kagalakan ang iyong mga disipulo. Ipamalas mo sa amin ang iyong sarili sa pagdiriwang ng Eukaristiyang ito at puspusin mo kami ng iyong kapayapaan upang tapat kaming makapaglingkod sa iyo sa lahat ng araw ng aming buhay.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 59,622 total views

 59,622 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 77,971 total views

 77,971 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 96,255 total views

 96,255 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 251,067 total views

 251,067 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 295,514 total views

 295,514 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Pebrero 9, 2026

 48 total views

 48 total views Lunes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 8, 1-7. 9. 13 Salmo 131, 6-7. 8-10 Poong Makapangyarihan, kami’y iyong panahanan.

Read More »

Linggo, Pebrero 8, 2026

 818 total views

 818 total views Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 58, 7-10 Salmo 111, 4-5. 6-7. 8a at 9 Sa dilim ay may liwanag sa tao

Read More »

Sabado, Pebrero 7, 2026

 1,575 total views

 1,575 total views Sabado ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Hari 3, 4-13 Salmo

Read More »

Biyernes, Pebrero 6, 2026

 2,254 total views

 2,254 total views Paggunita kina San Pedro Bautista, San Pablo Miki at mga Kasama, mga martir Sirak 47, 2-13 (gr. 2-11) Salmo 17, 31. 47 at

Read More »

Huwebes, Pebrero 5, 2026

 2,943 total views

 2,943 total views Paggunita kay Santa Agata (Agueda), dalaga at martir 1 Hari 2, 1-4. 10-12 1 Mga Cronica 29, 10. 11ab. 11d-12a. 12bkd. D’yos na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top