Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linggo, Mayo 4, 2025

SHARE THE TRUTH

 1,670 total views

Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K)

Mga Gawa 5, 27b-32. 40b-41
Salmo 29, 2 at 4. 5 at 6. 11 at 12a at 13b

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Pahayag 5, 11-14
Juan 21, 1-19 o kaya Juan 21, 1-14

Third Sunday of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 5, 27b-32. 40b-41

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon: Ang mga apostol ay siniyasat ng pinakapunong saserdote. “Mahigpit naming ipinagbawal sa inyo ang pangangaral sa pangalan ng Hesus na iyan,” wika niya, “ngunit tingnan ninyo ang inyong ginawa! Laganap na sa Jerusalem ang inyong aral at ibig pa ninyo kaming panagutin sa pagkamatay ng taong iyan!” Ngunit sumagot si Pedro at ang ibang mga apostol, “Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao. Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Hesus na pinatay ninyo nang inyong ipabitay sa krus. Iniakyat siya ng Diyos sa kanyang kanan bilang Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ng pagkakataon ang mga Israelita na magsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan, at sa gayun, sila’y patawarin. Saksi kami sa mga bagay na ito – kami at ang Espiritu Santo na ipinagkaloob ng Diyos sa mga tumatalima sa kanya.” Pagkatapos pagbawalang mangaral sa pangalan ni Hesus ang mga apostol, sila’y pinalaya. Galak na galak na umalis ang mga apostol sa harap ng Sanedrin sapagkat minarapat ng Diyos na sila’y malagay sa kahihiyan alang-alang sa pangalan ni Hesus.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 29, 2 at 4. 5 at 6. 11 at 12a at 13b

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

o kaya: Aleluya!

O Panginoon ko,
sa iyong ginawa, kita’y pinupuri’t ako’y iniligtas,
kaya ang kaaway ay di na nakuhang matuwa’t magalak.
Mula sa libingang
daigdig ng patay, hinango mo ako at muling binuhay;
ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman.

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Purihin ang Poon,
Siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang.
Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal,
ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan!
Hindi nagtatagal
yaong kanyang galit, at ang kabutihan niya’y walang wakas.
Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag,
sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak.

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Kaya’t ako’y dinggin,
Ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan,
mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan.
Nadama ko’y galak nang iyong hubarin ang aking panluksa.
Sa pasasalamat sa iyo, O Poon, ay di magsasawa.

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

IKALAWANG PAGBASA
Pahayag 5, 11-14

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akong si Juan ay tuminging muli at narinig ko ang tinig ng libu-libo’t laksa-laksang anghel. Sila’y nakapaligid sa trono, sa apat na nilalang na buhay, at sa matatanda. Umaawit sila ng ganito:

“Ang korderong pinatay ay karapat-dapat na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan at kalakasan, papuri, paggalang at pagdakila!”

At narinig kong nag-aawitan ang mga nilikhang nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa, at nasa dagat – lahat ng nilikha sa buong sanlibutan:

“Sa kanya na nakaluklok sa trono, at sa kordero,
sumasakanila ang kapurihan at karangalan, kadakilaan at kapangyaruhan, magpakailanman!”

Tumugon ang apat na nilalang na buhay: “Amen!” At nagpatirapa ang matatanda at nagsisamba,

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo’y muling nabuhay
Kanyang nilikha ang tanan
Mga tao’y dinamayan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 21, 1-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, muling napakita si Hesus sa mga alagad sa tabi ng Lawa ng Tiberias. Ganito ang pangyayari. Magkakasama sina Simon Pedro, Tomas na tinaguriang Kambal, Natanael na taga-Cana, Galilea, ang mga anak ni Zebedeo, at dalawang pang alagad. Sinabi sa kanila ni Simon Pedro, “Mangingisda ako.” “Sasama kami,” wika nila. Umalis sila at lumulan sa bangka, subalit walang nahuli nang gabing iyon. Nang magbubukang-liwayway na, tumayo si Hesus sa pampang, subalit hindi siya nakilala ng mga alagad. Sinabi niya, “Mga anak, mayroon ba kayong huli?” “Wala po,” tugon nila. “Ihulog ninyo ang lambat sa gawing kanan ng bangka at makahuhuli kayo,” sabi ni Hesus. Inihulog nga nila ang lambat at hindi nila ito mahila sa dami ng huli. Sinabi kay Pedo ng alagad na minamahal ni Hesus, “Ang Panginoon iyon!” Nang marinig ito ni Simon Pedro, siya’y nagsuot ng damit sapagkat hubad siya at tumalon sa tubig. Ang kasama niyang mga alagad ay sumapit sa pampang, sakay ng munting bangka, hila-hila ang lambat na puno ng isda. Hindi sila gaanong kalayuan sa pampang – mga siyamnapung metro lamang. Pag-ahon nila sa pampang ay nakakita sila roon ng mga baga na may isdang nakaihaw, at ilang tinapay. “Magdala kayo rito ng ilang isdang nahuli ninyo,” sabi ni Hesus. Kaya’t sumampa sa bangka si Simon Pedro at hinila sa pampang ang lambat na puno ng malalaking isda – sandaan at limampu’t tatlong lahat. Hindi napunit ang lambat, kahit gaano karami ang isda. “Halikayo at mag-almusal tayo,” sabi ni Hesus. Isa man sa mga alagad ay walang nangahas magtanong sa kanya kung sino siya, sapagkat alam nila na siya ang Panginoon. Lumapit si Hesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila, gayon din ang isda.

Ito ang ikatlong pagpapakita ni Hesus sa mga alagad pagkatapos na siya’y muling mabuhay.

Pagkakain nila, tinanong ni Hesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?” “Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga batang tupa.” Muli siyang tinanong ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, nalalaman niyong iniibig ko kayo.” Ani Hesus, “Pangalagaan mo ang aking mga tupa,” Pangatlong ulit na tinanong siya ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Nalungkot si Pedro, sapagkat makaitlo siya tinanong: “Iniibig mo ba ako?” At sumagot siya, “Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga tupa. Tandaan mo: noong kabataan mo pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.” Sinabi niya ito upang ipakilala kung paano mamamatay si Pedro at sa gayo’y mapararangalan niya ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Juan 21, 1-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Muling napakita si Hesus sa mga alagad sa tabi ng Lawa ng Tiberias. Ganito ang pangyayari. Magkakasama sina Simon Pedro, Tomas na tinaguriang Kambal, Natanael na taga-Cana, Galilea, ang mga anak ni Zebedeo, at dalawang pang alagad. Sinabi sa kanila ni Simon Pedro, “Mangingisda ako.” “Sasama kami,” wika nila. Umalis sila at lumulan sa bangka, subalit walang nahuli nang gabing iyon. Nang magbubukang-liwayway na, tumayo si Hesus sa pampang, subalit hindi siya nakilala ng mga alagad. Sinabi niya, “Mga anak, mayroon ba kayong huli?” “Wala po,” tugon nila. “Ihulog ninyo ang lambat sa gawing kanan ng bangka at makahuhuli kayo,” sabi ni Hesus. Inihulog nga nila ang lambat at hindi nila ito mahila sa dami ng huli. Sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Hesus, “Ang Panginoon iyon!” Nang marinig ito ni Simon Pedro, siya’y nagsuot ng damit sapagkat hubad siya at tumalon sa tubig. Ang kasama niyang mga alagad ay sumapit sa pampang, sakay ng munting bangka, hila-hila ang lambat na puno ng isda. Hindi sila gaanong kalayuan sa pampang – mga siyamnapung metro lamang. Pag-ahon nila sa pampang ay nakakita sila roon ng mga baga na may isdang nakaihaw, at ilang tinapay. “Magdala kayo rito ng ilang isdang nahuli ninyo,” sabi ni Hesus. Kaya’t sumampa sa bangka si Simon Pedro at hinila sa pampang ang lambat na puno ng malalaking isda – sandaan at limampu’t tatlong lahat. Hindi napunit ang lambat, kahit gaano karami ang isda. “Halikayo at mag-almusal tayo,” sabi ni Hesus. Isa man sa mga alagad ay walang nangahas magtanong sa kanya kung sino siya, sapagkat alam nila na siya ang Panginoon. Lumapit si Hesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila, gayon din ang isda. Ito ang ikatlong pagpapakita ni Hesus sa mga alagad pagkatapos na siya’y muling mabuhay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K)

Tayo ang kawan ni Kristo at siya ang ating dakilang Pastol. Sa kanyang pag-ibig sa atin, inihabilin niya tayo sa pangangalaga ng mga pastol na pinamumunuan ni Pedro. Bilang pasasalamat dito, manalangin tayo:

Dakilang Pastol, dinggin mo kami!

Para sa Santo Papa, na kahalili ni San Pedro: Nawa patnubayan niya ang kawan ni Kristo sa katalinuhan at pag-ibig ng Panginoon. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng obispo at ibang pinuno ng Simbahan: Nawa manatili silang kaisa ng Santo Papa at makipagtulungan sa kanya alang-alang sa kabutihan ng lahat. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng Kristiyano: Nawa ituring nila ang Santo Papa hindi bilang isang panganib kundi hinirang ng Diyos para sa pagtataguyod ng pagkakaisa at kabutihan ng buong Simbahan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng nangangalaga’t nagpapastol sa mga tao: Nawa tandaan nilang lagi na ang tagumpay ng kanilang mga pagsisikap ay buhat kay Hesus, ang Dakilang Pastol. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng may kinalaman sa nalalapit na halalang lokal at pambansa, lalo na ang mga kandidato’t kani-kanilang tagapagtaguyod: Nawa umiwas sila sa pandaraya at karahasan. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Upang sa pamamagitan ng paggawa, ang bawa’t isa ay makapag kamit ng tunay na tagumpay, at bawa’t pamilya ay maitaguyod sa dangal at ang lipunan ay lumago sa diwa ng tunay na pagkatao ayon sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, salamat sa paghirang mo kay Pedro at sa kanyang mga kahalili bilang mga punong pastol ng iyong Simbahan. Nawa makita at madama namin sa kanila ang iyong mapagpastol na kalingang maghahatid sa amin sa iyong pinaghaharian magpakailanman. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 5,609 total views

 5,609 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 23,576 total views

 23,576 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 53,112 total views

 53,112 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 73,782 total views

 73,782 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 82,005 total views

 82,005 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Watch Live

Related Post

Sabado, Mayo 10, 2025

 4 total views

 4 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 9,

Read More »

Biyernes, Mayo 9, 2025

 351 total views

 351 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Huwebes, Mayo 8, 2025

 948 total views

 948 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Miyerkules, Mayo 7, 2025

 516 total views

 516 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Martes, Mayo 6, 2025

 1,304 total views

 1,304 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a.

Read More »

Lunes, Mayo 5, 2025

 1,759 total views

 1,759 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Sabado, Mayo 3, 2025

 2,511 total views

 2,511 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Read More »

Biyernes, Mayo 2, 2025

 2,728 total views

 2,728 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y

Read More »

Huwebes, Mayo 1, 2025

 398 total views

 398 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14

Read More »

Miyerkules, Abril 30, 2025

 3,979 total views

 3,979 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5.

Read More »

Martes, Abril 29, 2025

 4,360 total views

 4,360 total views Pagggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na!

Read More »

Lunes, Abril 28, 2025

 4,975 total views

 4,975 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis Maria

Read More »

Linggo, Abril 27, 2025

 5,383 total views

 5,383 total views Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 12-16 Salmo 117, 2-4. 22-24. 25-27a Butihing Poo’y purihin pag-ibig n’ya’y walang

Read More »

Sabado, Abril 26, 2025

 5,673 total views

 5,673 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More »

Biyernes, Abril 25, 2025

 4,727 total views

 4,727 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong

Read More »
Scroll to Top