Sabado, Mayo 3, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,562 total reads

Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago

1 Corinto 15, 1-8
Salmo 18, 2-3. 4-5

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

Juan 14, 6-14

Feast of Saints Philip and James, Apostles (Red)

UNANG PAGBASA
1 Corinto 15, 1-8

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

At ngayo’y ipinaaalaala ko sa inyo, mga kapatid, ang Mabuting Balita na ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang inyong tinanggap at naging saligan ng iyong pananampalataya. Sa pamamagitan nito’y naliligtas kayo, kung matatag kayong nananangan sa salitang ipinangaral ko sa inyo – liban na nga lamang kung kayo’y sumampalataya na di iniisip ang inyong sinampalatayanan.

Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang aral na tinanggap ko rin: si Kristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan ng nasasaad sa Kasulatan: inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan: at siya’y napakita kay Pedro, saka sa Labindalawa. Pagkatapos, napakita siya sa mahigit na limandaang kapatid na nagkakatipon. Marami sa kanila’y buhay pa hanggang ngayon, bagamat patay na ang ilan. At napakita rin siya kay Santiago, saka sa mga apostol na sama-sama noon.

Sa kahuli-huliha’y nagpakita rin siya sa akin – bagamat ako’y tulad ng batang ipinanganak nang di-kapanahunan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 2-3. 4-5

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

o kaya: Aleluya.

Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila!
Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa!
Bawat araw, bawat gabi, ang ulat ay walang patlang,
patuloy na nag-uulat sa sunod na gabi’t araw.

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

Walang tinig o salitang ginagamit kung sabagay,
at wala ring naririnig na kahit na anong ingay;
gayun pa man, sa daigdig ay laganap yaong tinig,
ang balita’y umaabot sa duluhan ng daigdig.

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

ALELUYA
Juan 14, 6b. 9k

Aleluya! Aleluya!
Felipe, ako ang daan,
katotohanan at buhay;
Ama’y sa ‘kin matatanaw.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 14, 6-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Tomas, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung ako’y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.”

Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan na kami.” Sumagot si Hesus, “Matagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyata’t hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Ama na sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasaakin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Mayo 3
San Felipe at Santiago

Manalangin tayo para sa mga pangangailangan ng Simbahan sa pamamagitan nina San Felipe at San Tiago.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panatilihin Mo kami sa iyong mga daan, Panginoon.

Ang mga obispo at mga pari nawa’y buong tapang na isagawa ang tungkuling magpalaganap ng Ebanghelyo kahit sa mga lugar na hindi ito tinatanggap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hindi nakakikilala kay Kristo nawa’y maakay sa liwanag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng mga turo at halimbawa ng mga Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging saksi ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng ating paglilingkod sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y magtamo ng kagalingan sa pamamagitan ng ating paglilingkod sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naging masipag sa kanilang mga gawain sa buhay na ito nawa’y magtamo ng kanilang gantimpala sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, inihahayag ng iyong Anak ang pag-ibig mo sa amin. Sa tulong ng mga panalangin ng matatapang na pastol na nangangalaga sa iyong kawan, inilalapit namin sa iyo ang aming mga kahilingan sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Karagatan para kanino?

 78,389 total reads

Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang nangahas na humarap sa kanya kundi si David, isang maliit at hamak na pastol. Hindi patas ang laban. 

Tila ganito rin ang nangyayari sa ating karagatan ngayon. Nahaharap sa hindi patas na laban ang ating mga municipal fishers matapos ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang Fisheries Administrative Order (o FAO) No. 266, isang kautusang nagpoprotekta sa kanila laban sa malalaking commercial fishers.

Sa loob ng maraming taon, idinadaíng ng mga municipal fishers ang pangingisda ng mga barkong pangkomersyal sa 15-kilometer municipal water zone, kaya malaking panalo para sa kanila nang ipatupad ang FAO 266. Inaatasan nito ang mga operators na maglagay ng vessel monitoring system (o VMS) sa mga barkong pangkomersyal na may bigat na 3.1 gross tons. Dapat din silang gumamit ng electronic reporting system (o ERS) para sa pagsusumite ng impormasyon hinggil sa lokasyon ng kanilang mga sasakyang pangisda at dami ng kanilang mga huli.

Ipinatupad ito upang masubaybayan ang kilos ng mga barkong pangkomersyal at matiyak na hindi sila pumapasok sa municipal waters na, sa ilalim ng Fisheries Code, ay pangunahing nakalaan para sa maliliit na mangingisda. Layunin din ng FAO 266 na siguraduhing hindi pumapasok ang malalaking bangkang pangisda sa mga marine protected areas.

Pero ayon sa Korte Suprema, bigo ang pamahalaan na patunayang epektibong paraan ang paggamit ng VMS at ERS para sugpuin ang tinatawag na illegal, unreported, and unregulated (o IUU) fishing. Ito ang dahilan kung bakit napawalambisa ang FAO 266.

Maghahain daw ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (o BFAR) ng motion for reconsideration sa Korte Suprema. Pero habang nananatiling walang bisa ang FAO 266, maaaring lumala ang matagal nang hindi patas na laban sa pagitan ng maliliit na mangingisda at mga commercial fishers.

Ito ang ikinababahala ng grupong Oceana Philippines. Matagal na raw na nasa krisis ang sektor ng pangisdaan sa bansa. Sa nakalipas na labintatlong taon, bumababa ng humigit-kumulang 45 milyong kilo bawat taon ang dami ng huling isda ng mga Pilipinong mangingisda. Samantala, 88% ng mga fish stocks sa bansa ay overfished na. Dahil dito, mahigit 300,000 pamilya ng mga mangingisda ang nabubuhay sa kahirapan. Sa bilang na ito, 90,000 ang kulang sa pagkain araw-araw.

Palalalain ng pagpapawalambisa ng FAO 266 ang kalagayang ito. Lalakí pa ang mababawas sa huli ng mga mangingisda kapag tuluyang humina ang pagbabantay sa mga barkong pangkomersyal. Darami pa ang mga pamilyang mawawalan ng kita, pagkain, at kabuhayan.

Nanganganib din maging ang ating yamang-dagat. Ang municipal waters ay tahanan ng mga coral reef at mga lugar kung saan nangingitlog at dumarami ang mga isda. Kapag hindi napangalagaan ang mga bahaging ito, mas mahihirapang makabawi ang ating mga karagatan mula sa overfishing

Kaya ito ang tanong: kanino ba talaga ang ipinangakong 15-kilometer municipal waters? Nananatili ba ito para sa maliliit na mangingisda, gaya ng itinatadhana ng batas? O hinahayaan na ang malalaking negosyo na pasukin ang karagatang inilaan para sa mga kababayan nating munciipal fishers?

Mga Kapanalig, pagtuunan natin ng pansin ang babala ni Pope Francis laban sa isang lipunang hinahayaan ang malalakas na manaig habang naiiwan ang mahihina. Sa dulo ng kuwento nina David at Goliat, nanaig si David. Ipanalangin nating manaig din ang ating mga maliliit na mangingisda—hindi laban sa kapwa mangingisda, kundi laban sa kawalang-katarungan, sa patuloy na pagkasira ng ating karagatan, at sa mga sistemang pumapabor sa malalaki kaysa sa maliliit.

Sumainyo ang katotohanan.

Kapag ginagawang sandata ang batas

 115,177 total reads

Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila?

Noong Agosto 3, inaresto sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang isang anti-mining leader na si Florentino Daynos II dahil sa mga kasong grave threats at coercion. Ayon sa kanyang abogado, inaresto siya nang hindi man lamang nakatanggap ng subpoena. Kahit na nakapagpiyansa siya kinabukasan, nananawagan ang Council for People’s Development and Governance na ibasura ang walang basehan at mapanupil na mga kaso laban kay Daynos at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Kabilang si Daynos sa mga tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Banta kasi ang pagmimina sa mga sakahan, pinagkukunan ng tubig, biodiversity, at maging sa mga karapatan ng mga katutubo. Hindi rin daw maituturing na tunay na konsultasyon ang ginagawa ng mga mining corporations para makuha ang tinatawag na free, prior, and informed consent mula sa mga maaapektuhang komunidad.

Noong  2025, binigyan ng gobyerno ang Woggle Corporation ng permit para magsagawa ng mineral exploration sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte. Pero dahil sa matinding pagtutol ng mga residente, pansamantalang sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (o MGB) ang exploration permit noong Pebrero 2026.

Taóng 2025 din nang bigyan ng MGB at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ng exploration permit ang North Luzon Mineral Resources Corporation (o NLMRC) upang magsagawa ng paghahanap ng ginto at iba pang mineral sa mahigit 4,000 na ektarya ng lupa sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang Kasibu ay 39 na kilometro lamang mula sa Dupax del Norte, kung saan matagal nang lumalaban ang mga residente sa mga proyektong pagmimina.

Kapansin-pansin din ang sunod-sunod na paghahain ng mga kaso laban sa mga environmental defenders at iba pang tumututol sa mga mining projects sa Nueva Vizcaya. Naghain ang NLMRC ng cyberlibel complaint laban sa residenteng si Lei Jin Dugay dahil sa isang social media post. Kinasuhan din ng kompanya ang mga abogado ng komunidad na sina Atty. Edgardo Balgos at Atty. Fidel Santos. Maging sina Bishop Jose Elmer Mangalinao at Fr. Christian Dumangeng, na nakiisa sa isang mapayapang community barricade, ay dati ring kinasuhan ng forcible entry. Halimbawa ang mga ito kung paano ginagamit ang batas sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso para takutin at patahimikin ang mga kritiko ng pagmimina.

Tinatawag ng mga human rights at legal groups ang ganitong taktika na Strategic Lawsuits Against Public Participation (o SLAPP). Ito ay mga kasong inihahain hindi para makamit ang hustisya, kundi para takutin, pagastusin, at patahimikin ang mga nagsasalita laban sa mga makapangyarihang interes. Ayon sa Human Rights Watch, dapat ibasura ng mga piskal ang ganitong mga reklamo na ginagamit lamang ng mga kompanya para itikom ng mga tao ang kanilang bibig.

Hindi maihihiwalay ang karapatang pantao sa pangangalaga sa kalikasan. Paalala ni Pope Francis na ang tao ay bahagi ng sangnilikha at hindi maaaring iwalay ang dignidad ng tao sa kalagayan ng kapaligiran Kapag nasisira ang kagubatan, mga ilog, at kabundukan, naaapektuhan din ang kabuhayan, kalusugan, at kinabukasan ng mga taong umaasa sa mga ito. Kaya’t ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol din sa buhay at karapatan ng tao.

Mga Kapanalig, hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan. Lalong hindi dapat gamitin ang batas para patahimikin ang mga taong mapayapang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Paalala nga ng Kawikaan 17:15: “Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.” Nawa’y manatiling instrumento ng katarungan ang ating mga batas—hindi sandata laban sa mga taong matapang na ipinaglalaban ang tama at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Praying to be a cheerful giver

 16,894 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 78,390 total reads

 78,390 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 115,178 total reads

 115,178 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 145,949 total reads

 145,949 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 195,685 total reads

 195,685 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 257,284 total reads

 257,284 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Agosto 16, 2026

 601 total reads

 601 total reads Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 65, 1. 6-7 Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8 Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat

Read More »

Sabado, Agosto 15, 2026

 1,878 total reads

 1,878 total reads Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria Pahayag 11, 19a; 12, 1-6. 10ab Salmo 44, 10bk. 11. 12ab. 16

Read More »

Biyernes, Agosto 14, 2026

 3,143 total reads

 3,143 total reads Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria Pagmimisa sa Bisperas 1 Cronica 15, 3-4. 15-16; 16, 1-2 Salmo 131,

Read More »

Huwebes, Agosto 13, 2026

 4,335 total reads

 4,335 total reads Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir Ezekiel 12, 1-12

Read More »

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 5,388 total reads

 5,388 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top