Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, NOBYEMBRE 12, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,750 total views

Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Karunungan 6, 12-16
Salmo 62, 2. 3-4. 5-6. 7-8

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

1 Tesalonica 4, 13-18
Mateo 25, 1-13

Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Karunungan 6, 12-16

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Ang Karunungan ay maningning at di kumukupas,
madaling natatagpuan ng naghahanap sa kanya,
at nakikita agad ng mga nagpapahalaga sa kanya.
Madali siyang nagpapakilala sa mga naghahangad sa kanya.
Hanapin mo siyang maaga at agad mo siyang matatagpuan,
Makikita mo siyang nag-aabang sa iyong tarangkahan.
Isipin mo lamang siya’y magkakaroon ka ng ganap na pagkaunawa;
hanapin mo siya’t matatahimik ang iyong kalooban.
Pagkat hinahanap niya ang mga karapat-dapat sa kanya.
at makikita ka niya saan ka man naroon.
Siya’y maamo at sasamahan ka niya sa bawat iniisip mo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 62, 2. 3-4. 5-6. 7-8

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap;
ang uhaw kong kaluluwa’y tanging ikaw yaong hangad;
Para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Bayaan mong sa santwaryo, sa lugar na dakong banal,
ikaw roo’y mamasdan ko, sa likas mong karangalan.
Ang wagas na pag-ibig mo’y mahigit pa kaysa buhay.
Kaya ako’y magpupuri’t ikaw ang pag-uukulan.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Habang ako’y nabubuhay, ako’y magpapasalamat,
at ako ay dadalangin na kamay ko’y nakataas.
Itong aking kaluluwa’y kakaing may kasiyahan,
magagalak na umawit ng papuring iaalay.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Laman ka ng gunita ko samantalang nahihimlay,
magdamag na ang palaging iniisip ko ay ikaw;
pagkat ikaw sa tuwina ang katulong na malapit,
sa lilim ng iyong pakpak galak akong umaawit.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

IKALAWANG PAGBASA
1 Tesalonica 4, 13-18

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Mga kapatid, ibig naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na, nang hindi kayo magdalamhati, tulad ng mga taong walang pag-asa. Naniniwala tayong si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman, naniniwala tayong bubuhayin din ng Diyos ang lahat ng namatay na nananalig kay Hesus — upang isama sa kanya.

Ito ang aral ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: pagparito ng Panginoon, tayong mga buhay ay hindi mauuna sa mga namatay na. Sa araw na yaon, kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababa ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Kristo. Pagkatapos, tayong mga buhay pa ay titipunin niya sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin sa papawirin ang Panginoon. Sa gayo’y makakapiling niya tayo magpakailanman. Kaya nga, mag-aliwan kayo sa pamamagitan ng mga aral na ito.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya: Maikling Pagbasa
1 Tesalonica 4, 13-14

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Mga kapatid, ibig naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na, nang hindi kayo magdalamhati, tulad ng mga taong walang pag-asa. Naniniwala tayong si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman, naniniwala tayong bubuhayin din ng Diyos ang lahat ng namatay na nananalig kay Hesus — upang isama sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 24, 42a. 44

Aleluya! Aleluya!
Tayo ay laging magtanod
sapagkat di natin talos
ang pagbabalik ni Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 25, 1-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Dito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: may sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima’y matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalino’y nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kaya’t inantok silang lahat at nakatulog.

Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw: ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!’ Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e!’ ‘Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat,’ tugon ng matatalino. ‘Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.’ Kaya’t lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.

Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami!’ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, ‘Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Batid natin ang kahandaan sa pagsalubong sa Panginoon ay bunga ng personal na paghahanda at biyayang banal. Buong kababaang-loob at pananalig nating hilingin ito para sa ating sarili at buong sangkatauhan. Maging tugon natin ay:

Panginoon, pagpalain mong kami’y maging handa!

Para sa Simbahan, ang pamayanan ng lahat ng naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon: Nawa siya’y maging malinaw na tanda ng buhay na pananampalataya, praktikal na pag-ibig at masiglang pag-asa para sa sangkatauhan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga obispo, at lahat ng ibang pinunong espiritwal: Nawa tuwina silang maging inspirasyon natin sa kanilang karunungan at kahandaang sumalubong sa Panginoon. Manalangin tayo!

Para sa mga naniniwalang tanging pananampalataya lamang ang magtatamo para sa atin ng buhay na walang hanggan: Nawa maunawaan nilang kailangan din nila ang langis ng buhay na alinsunod sa mga kahingiang moral ng kanilang pananampalataya. Manalangin tayo!

Para sa mga malapit na sa dulo ng kanilang buhay: Nawa matatag nilang salubungin ang Panginoon nang may maalab na sulo ng buhay na pananampalataya at langis ng bukas-palad na katapatan sa mga utos ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat at iba pang kaanib ng ating pamayanan sa parokya: Nawa maipakita natin ang ating pagtulong sa isa’t isa habang nagsisikap tayong mabuhay sa harap ng Panginoon. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, ikaw ang Dakilang Ikakasal na nag-aanyaya sa amin sa piging ng buhay na walang hanggan. Panatilihin mong nag-aalab ang aming buhay sa pananampalataya at pagmamahal upang kami’y patuluyin sa kapistahan ng Kaharian kung saan ka nabubuhay at naghahari nang walang hanggan. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 4,504 total views

 4,504 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 11,985 total views

 11,985 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 25,125 total views

 25,125 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 31,098 total views

 31,098 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 36,853 total views

 36,853 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

HUWEBES, HULYO 25, 2024

 362 total views

 362 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo 20, 20-28 Feast of Saint James, Apostle (Red) UNANG PABGASA 2 Corinto 4, 7-15 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, kaming pinagkalooban ng

Read More »

MIYERKULES, HULYO 24, 2024

 1,087 total views

 1,087 total views Miyerkules ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, pari Jeremias 1, 1. 4-10 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Mateo 13, 1-9 Wednesday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of st. Sharbel Makhluf, Priest (White)

Read More »

MARTES, HULYO 23, 2024

 1,871 total views

 1,871 total views Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida, namanata sa Diyos Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 84, 2-4. 5-6. 7-8 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. Mateo 12, 46-50 Tuesday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Bridget of Sweden, Religious (White) UNANG

Read More »

LUNES, HULYO 22, 2024

 2,142 total views

 2,142 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan, Panginoon, ikaw lamang. Juan 20, 1-2. 11-18 Feast of Saint Mary Magdalene (White) UNANG PAGBASA Awit ni Solomon 3, 1-4a Pagbasa mula sa Awit ni Solomon Gabi-gabi, sa higaan ang mahal

Read More »

LINGGO, HULYO 21, 2024

 2,573 total views

 2,573 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Jeremias 23, 1-6 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Efeso 2, 13-18 Marcos 6, 30-34 Sixteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Jeremias 23, 1-6 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Parurusahan ng Panginoon ang mga namumunong walang

Read More »

SABADO, HULYO 20, 2024

 2,802 total views

 2,802 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Apolinario, obispo at martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23. 24-25. 28-29. 35 Poon, huwag pabayaan ang mga nahihirapan. Mateo 12, 14-21 Saturday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial

Read More »

BIYERNES, HULYO 19, 2024

 2,962 total views

 2,962 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas, pag-iral ko’y walang wakas. Mateo 12, 1-8 Friday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Noong

Read More »

HUWEBES, HULYO 18, 2024

 2,795 total views

 2,795 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong luklukan, lahat ay ‘yong minamasdan. Mateo 11, 28-30 Thursday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Read More »

MIYERKULES, HULYO 17, 2024

 3,300 total views

 3,300 total views Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod sa kanyang hirang na lingkod. Mateo 11, 25-27 Wednesday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 10, 5-7. 13-16 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang

Read More »

MARTES, HULYO 16, 2024

 3,527 total views

 3,527 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Zacarias 2, 14-17 Lucas 1, 46-47. 48-49. 50-51. 52-53. 54-55 D’yos ay Makapangyarihan, Banal ang kanyang pangalan. o kaya Mahal na Birheng Maria, Ina ng Anak ng Ama. Mateo 12, 46-50 Memorial of Our Lady of Mount Carmel (White) UNANG PAGBASA Zacarias 2, 14-17

Read More »

LUNES, HULYO 15, 2024

 4,031 total views

 4,031 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 10, 34 – 11, 1 Memorial of St. Bonaventure, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang

Read More »

LINGGO, HULYO 14, 2024

 3,870 total views

 3,870 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Amos 7, 12-15 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. Efeso 1, 3-14 Marcos 6, 7-13 Fifteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 7, 12-15 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Noong mga araw na iyon, hinarap ni Amasias, ang

Read More »

SABADO, HULYO 13, 2024

 4,034 total views

 4,034 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Isaias 6, 1-8 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Mateo 10, 24-33 Saturday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

BIYERNES, HULYO 12, 2024

 3,981 total views

 3,981 total views Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 14, 2-10 Salmo 50, 3-4. 8-9. 12-13. 14 at 17 Pupurihin ko kailanman ang dakila mong pangalan. Mateo 10, 16-23 Friday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 14, 2-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ito ang sinasabi

Read More »

HUWEBES, HULYO 11, 2024

 4,317 total views

 4,317 total views Paggunita kay San Benito, abad Oseas 11, 1-4. 8k-9 Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16 Poon kami’y ‘yong iligtas at tanglawan ng ‘yong sinag. Mateo 10, 7-15 Memorial of St. Benedict, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Oseas 11, 1-4. 8k-9 Pagbasa mula

Read More »
Scroll to Top