Linggo, Oktubre 25, 2026

SHARE THE TRUTH

 156 total reads

Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Exodo 22, 20-26
Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

1 Tesalonica 1, 5k-10
Mateo 22, 34-40

Sunday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green)
Prison Awareness Sunday

UNANG PAGBASA
Exodo 22, 20-26

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Huwag ninyong aapihin ang mga taga-ibang bayan; alalahanin ninyong nangibang-bayan din kayo sa Egipto. Huwag din ninyong aapihin ang mga babaing balo at ang mga ulila. Kapag inapi ninyo sila at dumaing sa akin, diringgin ko sila. Dahil dito, kapopootan ko kayo at lilipulin sa pamamagitan ng digmaan. Sa gayo’y mababalo rin ang inyu-inyong asawa at mauulila ang inyong mga anak.

“Kapag nangungutang sa inyo ang mga kababayan ninyong mahihirap, huwag kayong hihingi ng tubo, tulad ng ginagawa ng mga usurero. Kapag may nagsanla sa inyo ng balabal, ibalik ninyo iyon sa kanya bago lumubog ang araw sapagkat iyon lamang ang pambalot niya sa katawan; wala siyang kukumutin sa pagtulog. Kapag siya’y dumaing sa akin, diringgin ko siya sapagkat ako’y mahabagin.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

O Panginoon kong aking kalakasan,
minamahal kita nang tunay na tunay.
Panginoo’y batong hindi matitibag,
matibay kong muog at Tagapagligtas.

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

D’yos ko ang sa akin ay s’yang nag-iingat,
Tagapagtanggol ko at aking kalasag.
Sa ‘yo, Panginoon, ako’y tumatawag
sa mga kaaway ako’y ‘yong iligtas.

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

Panginoo’y buhay, siya’y Tagapagligtas,
matibay kong muog, purihin ng lahat.
Sa piniling hari, dakilang tagumpay,
ang kaloob ng D’yos sa kanyang hinirang.

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

IKALAWANG PAGBASA
1 Tesalonica 1, 5k-10

Pagbasa mula sa unang sulat
ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Mga kapatid, nakita ninyo kung paano kami namuhay sa inyong piling – ito’y ginawa namin para sa inyong kabutihan. Tinularan ninyo kami, at ang Panginoon. Tinanggap ninyo ang Mabuting Balita, at dahil dito’y nagdanas kayo ng katakut-takot na hirap. Gayunman, taglay pa rin ninyo ang kagalakang kaloob ng Espiritu Santo. Kaya’t naging huwaran kayo ng mga kapatid sa Macedonia at Acaya. Sapagkat hindi lamang ang salita ng Panginoon ang lumaganap sa Macedonia at Acaya sa pamamagitan ninyo. Pati ang balita tungkol sa inyong pananampalataya ay kumalat sa lahat ng dako. Anupa’t hindi na kailangang magsalita pa kami tungkol dito. Sila na ang nagbabalita kung paano ninyo kami tinanggap. Sila rin ang nagsabing tinalikdan na ninyo ang pagsamba sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa tunay at buhay na Diyos, at maghintay sa kanyang Anak na si Hesus. Siya ang muling binuhay na magbabalik mula sa langit at magliligtas sa atin sa darating na poot ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 22, 34-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Seduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Hesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Ama naming mapagmahal, tinuturuan kami ni Kristo na magmahal. Buong tiwala kaming nanalangin: Ama naming mapagmahal, dinggin Mo kami.

Ama naming mapagmahal, dinggin Mo kami.

Para sa Simbahan: nawa’y maging tapat Siyang saksi ng pag-ibig at awa ng Diyos. Manalangin tayo sa Panginoon.

Para sa mga pinuno ng pamahalaan, lokal at pambansa: nawa’y pairalin nila ang katarungan, malasakit, at kapayapaan. Manalangin tayo sa Panginoon.

Para sa mga nagdurusa, lalo na silang mga pinagkaitan ng kalayaan: nawa’y madama nila ang pag-ibig at malasakit ng Diyos sa pamamagitan natin. Manalangin tayo sa Panginoon.

Para sa ating pamayanan Kristiyano, lalo na sa mga bata at kabataan nito: nawa’y lumago tayo sa pag-ibig sa Diyos at sa isa’t isa. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming mapagmahal, dinggin Mo kami at turuan Mo kaming magmahal nang tapat sa Iyo at sa aming kapwa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 24,148 total reads

Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure Program o national budget, nagbubunyi ang mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, at Mataas na Kapulungan o Senado. Bakit, dahil sa pork barrel funds na naunang idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema noong November 19, 2023 matapos mabunyag ang multi-bilyonng pisong Priority Development Assistance Fund na kinasasangkutan ng mga Senador at Kongresista.

Ang mga sangkot noon na mambabatas ay nakalaya at pinawalang sala. Matapos ang PDAF scam, tuloy ang ligaya ng mga mambabatas, pinapalitan lamang ito ng ibang pangalan kada taon kapag tinatalakay ang national budget sa Kamara at Senado bago lagdaang batas ng pangulo ng Pilipinas ang General Appropriations Act.

Noong nakaraang taon, nabunyag ang mahigit sa 500-bilyong pisong flood control projects scam na nakalagay bilang unprogrammed appropriations na pinalusot ng Kongreso. 5-Senador, maraming kongresista, kanilang mga kakutsaba sa DPWH, at mga kontraktor ang dawit sa katiwalian.

Bakit taon-taon, pinagpipiyestahan ng mga mambabatas, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan ang pondo ng bayan, ang pera ng taumbayan? Paano, walang napaparusahan, walang system of accountability sa gobyerno. Nagpapatuloy ang katakawan ng mga taong gobyerno at wala ni isa man sa kanila ang maipakukulong, kawawa ang bansa. Lalong maghihirap ang karamihann sa mga Pilipino. Wala nang aasahan sapagkat ang perang para sana sa pagpapaunlad ng bayan ay dinambong na.

Nakakalungkot, ipinahayag ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang dagdag na ₱449.5 bilyon sa unprogrammed appropriations sa 2024 national budget, gayundin ang ₱17.99 bilyong dagdag sa Special Road Fund ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2025 budget.

Ipinawalang-bisa rin ng Kataas-taasang Hukuman ang ilang probisyon tungkol sa unprogrammed appropriations sa 2026 national budget dahil sa hindi pagsunod ng mga mambabatas sa rekisito ng Konstitusyon at pananggalang sa wastong pamamahala sa pondo ng bayan.

Ngunit huli na Kapanalig, wala ding mapaparusahan sa mga mambabatas na itinago ang pagkakakitaan sa pamamagitan ng unprogrammed appropriations. Sino-sino ang hahabulin, sino-sino ang dapat managot sa katakawan sap era ng taumbayan?

Pagkatapos ng deklarasyon ng Korte Suprema? Ano ang kasunod? Balik na naman sa dating gawi ang ating mga mambabatas, magagaling sa pagnanakaw!

Kapanalig, mahalagang pagnilayan ang sinasabi ng Corinthians 5:10 “For we must all appear before the judgment seat of Christ, so that each of us may receive what is due for us, for the things done while in the body, whether good or bad.”

Ipinapayo din ng Luke 19:5 “Come down from your arrogance and greed. Choose conversion, make restitution, and repair the damage you have caused. There can be no true peace without justice, and no justice without repentance.

Ang problema, kung wala nang konsensiya ang mga opisyal ng bayan., dumidilim ang kinabukasan ng taumbayan at ating bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

A REFRESHING WIND OF CHANGE FROM SERBIA

 2,865 total reads

Amid the wave of student protests sweeping across Europe, some of which have unfortunately turned violent, I find this story from Serbia particularly refreshing.

In an October 21 opinion article in The New York Times, Serbian scholar Filip Balunović describes how a student protest movement that began almost two years ago has grown into a remarkable experiment in participatory democracy.

It began with a tragedy in November 2024, when the collapse of a railway station canopy in Novi Sad killed 16 people. The students demanded accountability for what they believed was a disaster caused by corruption and government negligence. Their protests grew into a nationwide movement challenging the government of President Aleksandar Vučić, whose party has dominated Serbian politics for 14 years.

But what is particularly inspiring is how these young people have moved beyond protesting against something to organizing themselves for something.

Instead of rallying behind a charismatic political personality, they developed a system of collective leadership and democratic decision-making. Through consultations, interviews, and deliberations involving thousands of students, they selected a slate of 250 parliamentary candidates—not merely politicians, but professors, scientists, doctors, workers, artists, and ordinary citizens.

And now, in the snap parliamentary elections this coming Sunday, October 25, this student-led movement will face the country’s entrenched political establishment.

What a fascinating David-and-Goliath story!

Of course, the outcome remains uncertain. The students themselves have suffered intimidation, arrests, and violence. But whatever happens on election day, they have already demonstrated something important: Democracy is not just about changing the people in power. It is also about changing the way power is exercised, shared, and held accountable.

I cannot help wondering what our young Filipinos might learn from this experience.

We have a generation of young people who are increasingly disillusioned with corruption, political dynasties, patronage politics, and the apparent inability of our democratic institutions to hold the powerful accountable.

But perhaps Serbia’s students are reminding us that indignation alone is not enough. Neither is merely replacing one set of political personalities with another.
What we need is a deeper renewal of our democratic culture—one that encourages participation rather than dependency, collective discernment rather than personality cults, public accountability rather than blind loyalty, and the common good rather than vested interests.

I find something profoundly hopeful in young people who refuse to surrender either to cynicism or to violence, and who are willing to undertake the patient and difficult work of building democratic institutions.

Perhaps this is the most refreshing lesson from Serbia: The young are not merely the future of democracy. They can already be among its most creative builders today.

And perhaps the real victory of David over Goliath begins long before election day—when ordinary people discover that they need not remain powerless before seemingly invincible political giants.

(Filip Balunović, ⁠The New York Times⁠, October 21, 2026⁠

INEVITABLE

 3,352 total reads

Gospel Reading for October 22, 2026 – Luke 12: 49-53

INEVITABLE

Jesus said to his disciples: “I have come to set the earth on fire, and how I wish it were already blazing! There is a baptism with which I must be baptized, and how great is my anguish until it is accomplished! Do you think that I have come to establish peace on the earth? No, I tell you, but rather division. From now on a household of five will be divided, three against two and two against three; a father will be divided against his son and a son against his father, a mother against her daughter and a daughter against her mother, a mother-in-law against her daughter-in-law and a daughter-in-law against her mother-in-law.”

————

It is ironic to see religions dividing people in today’s world. Worse still, religion can cause division within a family, when it is supposed to bring love and peace to the family. But as Jesus said, he would cause division even within families. This happens when family members are baptized Christians but are merely nominal Christians. When family members do not embrace or live by the teachings of Jesus, division becomes INEVITABLE.

This is even more challenging in interfaith marriages, which, according to some studies, generally experience higher rates of divorce and lower marital satisfaction than marriages between people of the same faith. Issues such as where the children will be baptized, which schools they will attend, and other religious differences can cause unnecessary stress and friction between spouses.

How important it is for family members to be on the same page as Jesus so that the family may be healthy, united, and purposeful.

Lord Jesus, may our families be Christ-centered by listening attentively to your Word and putting it into practice, so that we may enjoy love and peace in our families. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 24,149 total reads

 24,149 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 75,636 total reads

 75,636 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 123,507 total reads

 123,507 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 227,455 total reads

 227,455 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 312,298 total reads

 312,298 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 24, 2026

 1,918 total reads

 1,918 total reads Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo o kaya Paggunita sa Mahal

Read More »

Biyernes, Oktubre 23, 2026

 3,553 total reads

 3,553 total reads Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari Efeso 4, 1-6 Salmo 23, 1-2.

Read More »

Huwebes, Oktubre 22, 2026

 5,317 total reads

 5,317 total reads Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Pablo II, papa Efeso 3, 14-21 Salmo 32,

Read More »

Miyerkules, Oktubre 21, 2026

 7,386 total reads

 7,386 total reads Kapistahan ni San Pedro Calungsod, Martir Sirak 51, 1-12 (gr. 1-8) Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8 Tayo’y ibong nakatakas nang ang bitag ay

Read More »

Martes, Oktubre 20, 2026

 8,475 total reads

 8,475 total reads Martes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 2, 12-22 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top