Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lunes, Agosto 11, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,471 total views

Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga

Deuteronomio 10, 12-22
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Mateo 17, 22-27

Memorial of St. Clare, Virgin (White)

Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 10, 12-22

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa mga tao, “Bayang Israel, ito ang nais sa inyo ng Panginoon: Magkaroon kayo ng takot sa kanya, lumakad sa kanyang mga daan, ibigin siya, paglingkuran nang buong puso’t kaluluwa, at sundin ang kanyang Kautusan at mga tuntunin. Ito naman ay sa ikabubuti rin ninyo. Isipin na lang ninyo na ang langit, ang daigdig at lahat ng narito ay sa Panginoon. Ngunit sa laki ng pag-ibig niya sa inyong mga ninuno, kayong lahi nila ay pinili niya sa gitna ng maraming bansa. Kaya nga, buksan ninyo ang inyong mga puso at alisin ninyo ang katigasan ng inyong mga ulo. Pagkat ang Panginoon ay Diyos ng mga diyos, Panginoon ng mga panginoon, makapangyarihan at kakila-kilabot. Pantay-pantay ang tingin niya sa mga tao at hindi napasusuhol. Iginagawad niya ang katarungan sa mga ulila at balo; nilulukuban niya ng pagmamahal ang mga taga-ibang bayan at binibigyan ng kanilang pangangailangan. Ibigin ninyo ang mga taga-ibang bayan pagkat kayo ma’y naging taga-ibang bayan sa Egipto. Magkaroon kayo ng takot sa Panginoon. Paglingkuran ninyo siya, huwag kayong hihiwalay sa kanya, at ipahayag ninyo ang kanyang pangalan. Siya lamang ang dapat ninyong pag-ukulan ng pagpupuri, siya ang inyong Diyos, ang gumawa ng marami at kakila-kilabot na mga bagay na inyong nasaksihan. Pitumpu lamang ang inyong mga ninuno nang pumunta sila sa Egipto ngunit ngayo’y marami na kayo, sindami ng bituin sa langit.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

o kaya: Aleluya.

Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon,
purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion.
Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,
ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas.

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo,
bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo.
Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad,
dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Kay Jacob n’ya ibinigay ang balita at pabilin,
ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel.
Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,
pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Purihin ang Panginoon!

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

ALELUYA
2 Tesalonica 2, 14

Aleluya! Aleluya!
Tayo’y tinawag ng Diyos
upang magningning na lubos
sa aral ni Kristo Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 17, 22-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang nagkakatipon sa Galilea sina Hesus at ang mga alagad, sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo at papatayin, ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.” At sila’y lubhang nagdalamhati.

Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis para sa templo. Tinanong siya, “Nagbabayad ba ng buwis para sa templo ang inyong Guro?” “Opo,” sagot ni Pedro. At nang dumating siya sa bahay, tinanong na siya agad ni Hesus, “Ano ba ang palagay mo, Simon? Kanino sumisingil ng bayad sa lisensya o buwis ang mga hari sa lupa? Sa mga mamamayan ba o sa mga dayuhan?” “Sa mga dayuhan po,” tugon niya. Sinabi ni Hesus, “Kung gayun, hindi pinagbabayad ang mga mamamayan. Gayunman, para wala silang masabi sa atin, pumaroon ka sa lawa at ihagis mo ang kawil. Kunin mo ang unang isdang mahuhuli. Ibuka mo ang bibig nito at may makikita kang isang salaping pilak. Kunin mo ito at ibayad sa buwis nating dalawa.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Sa ating kahinaan at pangangailangan, dumulog tayo sa Diyos na ating dapat sundin at paglingkuran sapagkat siya ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan sa sandaigdigan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, mamuhay nawa kami sa espiritu ng iyong Anak.

Ang Simbahan saanmang dako ng daigdig nawa’y walang takot na magpahayag ng pinahahalagahang katarungan at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tao nawa’y makabahagi nang tama sa mga materyal at espiritwal na bagay ng daigdig at ang mga organisasyong sibiko at estado nawa’y makatulong sa pagtatanggol sa mga mahihina at mga mahihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mamamayan nawa’y magkaroon ng malakas na kamulatan sa sibikong tungkulin at maging aktibo sila na makilahok tungo sa pangkalahatang kabutihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging mga daan ng pag-ibig at kalinga ni Kristo para sa mga maysakit at mga nagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magkaroon ng kasiyahan sa kaharian ng kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng awa, dapat na gamitin ang lahat ng talento sa lupa, para sa pagsusulong ng paghahari ng iyong katarungan, kapayapaan, at pagkakapatiran ng iyong bayan. Sa pamamagitan ng aming bukas-loob na pagsuporta nawa’y maging instrumento kami ng pagtatatag ng iyong Kaharian dito sa lupa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 2,359 total views

 2,359 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 18,531 total views

 18,531 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 58,242 total views

 58,242 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 118,914 total views

 118,914 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 131,206 total views

 131,206 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 47,454 total views

 47,454 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 47,685 total views

 47,685 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 48,197 total views

 48,197 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 34,895 total views

 34,895 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 35,004 total views

 35,004 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top