Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, AGOSTO 21, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,602 total views

Paggunita kay Papa San Pio X

Mga Hukom 2, 11-19
Salmo 105, 34-35. 35-37. 39-40. 43ab at 44

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Mateo 19, 16-22

Memorial of St. Pius X, Pope (White)

Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Mga Hukom 2, 11-19

Pagbasa mula sa aklat ng mga Hukom

Noong mga araw na iyon, ang mga Israelita ay gumawa ng masama sa Panginoon. Naglingkod sila sa mga Baal. Tinalikdan nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno at siyang nag-alis sa kanila sa Egipto. Naglingkod sila at sumamba sa mga diyus-diyusan ng mga bayan sa paligid. Kaya, nagalit sa kanila ang Panginoon. Tinalikdan nga nila ang Panginoon at naglingkod sa mga Baal at kay Astarot. Dahil dito, nagalit ang Panginoon sa Israel. Kaya, sila’y pinabayaan niyang malupig ng kaaway at samsaman ng ari-arian. Tuwing sila’y makikipagdigma, ipinalulupig sila ng Panginoon, tulad ng kanyang sumpa. Anupat wala silang kapanatagan.

Ang Israel ay binigyan ng Panginoon ng mga hukom upang magtanggol sa kanila. Ngunit hindi nila pinakinggan ang mga ito. Tinalikdan nila ang Panginoon at naglingkod sa mga diyus-diyusan. Lahat ng hukom na inilagay ng Panginoon ay tinulungan niya upang iligtas sila sa kanilang mga kaaway. Nababagbag ang kanyang kalooban dahil sa kanilang mga daing bunga ng hirap na dinaranas nila. Ngunit pagkamatay ng hukom na inilagay niya, ang mga Israelita’y nagbabalik sa pagsamba sa mga diyus-diyusan. Higit pa sa kasamaan ng kanilang mga ninuno ang kanilang ginagawa Hindi nila maiwan ang kanilang kasamaan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 105, 34-35. 36-37. 39-40. 43ab at 44

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Di nila nilipol yaong mga taong naro’n sa Canaan,
bagaman at ito’y iniutos ng Diyos na dapat gampanan.
Sa halip na sundin ang utos ng Diyos, bagkus nakisama,
at maling gawain ng mga pagano ang sinunod nila.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Ang diyus-diyosan ang sinamba nila at pinaglingkuran,
sa ginawang ito, sila ang nagkamit ng kaparusahan.
Pati anak nilang babai’t lalaki’y inihaing lubos,
sa diyus-diyosan, mga batang ito ay dinalang handog.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Ang sarili nila yaong nadungisan sa gayong ginawa,
sa Panginoong Diyos sila ay nagtaksil at pawang sumama.
Itong Panginoo’y nagpuyos ang galit sa mga hinirang,
siya ay nagdamdam sa ginawa nilang pawang kataksilan.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Hindi na miminsan, marami nang beses iniligtas sila,
naghimagsik pa rin, kaya naman sila’y lalong nagkasala.
Gayunman, hindi rin siya tinitiis pag nananambitan,
dinirinig niya’t sa taglay na hirap kinahahabagan.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

ALELUYA
Mateo 5, 3

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang mga dukha
na tanging D’yos na lumikha
ang pag-asa at adhika.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 19, 16-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, may isang lalaking lumapit kay Hesus at nagtanong, “Guro, ano pong kabutihan ang kailangan kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lamang ang mabuti. Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos.” “Alin-alin po?” tanong niya. Sumagot si Hesus, “Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi; igalang mo ang iyong ama at ina; at, ibigin mo ang iyong kapwa, gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” Sinabi ng binata, “Tinutupad ko na pong lahat iyan. Ano pa po ang dapat kong gawin?” “Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan. Kapag ginawa mo iyan, magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin,” sagot ni Hesus. Pagkarinig nito, malungkot na umalis ang binata, sapagkat siya’y napakayaman.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Hinahamon tayo ni Jesu-Kristo na ipagpalit ang mga materyal na kayamanan ng mundong ito sa kanyang walang hanggang karunungan. Ang ating mga panalangin nawa’y makatulong sa ating pagpasok sa kanyang Kaharian.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ikaw ang pamana sa amin, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y mapalaya ang mga lalaki at babae sa epekto ng materyalismo at kahangalan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng gobyerno nawa’y huwag isakripisyo ang kanilang prinsipyo sa kapangyarihan, tagumpay, at ambisyon, at sa halip isulong nila ang dangal at halaga ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at mga guro nawa’y hamunin ang mga kabataan na mamuhay sa mga bagay na tunay na makahulugan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong labis ang ari-arian at likas na yaman nawa’y matutong magbahagi ng kanilang yaman at talento sa mga dukha at kapuspalad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y mapuno ng yaman ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, biyayaan mo kami ng katapangan, kasiyahan, pananalig, at karangalan. Gawin mo kaming matalino sa karunungan ni Jesus, siya na nabubuhay at naghahari, kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 5,484 total views

 5,484 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 21,180 total views

 21,180 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 29,580 total views

 29,580 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 94,244 total views

 94,244 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 161,506 total views

 161,506 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hulyo 3, 2026

 183 total views

 183 total views Kapistahan ni Apostol Santo Tomas Efeso 2, 19-22 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 20, 24-29 Feast

Read More »

Huwebes, Hulyo 2, 2026

 2,093 total views

 2,093 total views Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 7, 10-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Matuwid ang kahatulan ng Panginoon ng

Read More »

Miyerkules, Hulyo 1, 2026

 3,415 total views

 3,415 total views Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 5, 14-15. 21-24 Salmo 49, 7. 8-9. 10-11. 12-13. 16bk-17 Ang masunurin sa Diyos

Read More »

Martes, Hunyo 30, 2026

 4,778 total views

 4,778 total views Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mga Unang Martir ng Banal na Sambayanan ng Diyos sa Roma Amos

Read More »

Lunes, Hunyo 29, 2026

 5,458 total views

 5,458 total views Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo Mga Gawa 12, 1-11 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Ang D’yos ang siyang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top