Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lunes, Agosto 26, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,675 total views

Lunes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

2 Tesalonica 1, 1-5. 11b-12
Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 4-5

Sa lahat ay pinahayag,
gawa ng Poong nagligtas.

Mateo 23, 13-22

Monday of the Twentieth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
2 Tesalonica 1, 1-5. 11b-12

Ang simula ng ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo – Sa simbahan sa Tesalonica – mga hinirang ng Diyos Ama at ng Panginoong Hesukristo:

Sumainyo nawa ang pagpapala at ang kapayapaan ng Diyos Ama at ng Panginoong Hesukristo.

Dapat kaming magpasalamat sa Diyos tuwina dahil sa inyo, mga kapatid. Matuwid na gawin namin ito sapagkat patuloy na tumatatag ang inyong pananalig kay Kristo at patuloy ring umaalab ang inyong pagmamahal sa isa’t isa. Ipinagmamalaki namin kayo sa lahat ng kaanib sa simbahan ng Diyos dahil sa inyong pananampalataya at pagtitiis, sa kabila ng mga pag-uusig at mga kahirapang dinaranas ninyo.

Ito ang katunayan ng makatarungang hatol ng Diyos: na kayo’y ariing karapat-dapat sa kanyang kaharian na siyang dahilan ng inyong pagtitiis.

Nawa’y maging karapat-dapat kayo sa pagkatawag niya sa inyo. At ipagkaloob nawa niya sa inyo sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ang lahat ng mabuti ninyong hangarin at lubusin ang inyong mga gawang bunga ng pananampalataya. Kung magkagayon, mabibigyan ninyo ng karangalan ang pangalan ng ating Panginoong Hesus, at kayo naman ay bibigyan din ng karangalan ayon sa kagandahang-loob ng Diyos at ng Panginoong Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 4-5

Sa lahat ay pinahayag,
gawa ng Poong nagligtas.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
Panginoo’y papurihan nitong lahat sa daigdig!

Sa lahat ay pinahayag,
gawa ng Poong nagligtas.

Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay purihin;
araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.
Kahit saa’y ipahayag na ang Poon ay dakila,
sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Sa lahat ay pinahayag,
gawa ng Poong nagligtas.

Ang Poon ay tunay na dakila, marapat na papurihan
higit sa sinumang diyos, siya’y dapat katakutan.
Ang diyos ng sanlibuta’y pawang mga diyus-diyosan;
ang Poon lang ang may likha ng buong sangkalangitan.

Sa lahat ay pinahayag,
gawa ng Poong nagligtas.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 23, 13-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Hinahadlangan ninyo ang mga tao upang hindi sila mapagharian ng Diyos. Ayaw na ninyong pasakop sa paghahari ng Diyos, hinahadlangan pa ninyo ang ibig pasakop!

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Inuubos ninyo ang kabuhayan ng mga babaing balo, at ang sinasangkalan ninyo’y ang pagdarasal nang mahaba! Dahil dito’y lalo pang bibigat ang parusa sa inyo!

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nilalakbay ninyo ang karagatan at ginagalugad ang buong daigdig, makahikayat lamang kayo ng kahit isang Hentil sa pananampalatayang Judio. At kung mahikayat na’y ginagawa ninyong masahol pa kaysa inyo, kaya’t nagiging ibayo ang dahilan para siya’y parusahan sa impiyerno.

“Sa aba ninyo, mga bulag na taga-akay! Itinuturo ninyo na kung ipanumpa ninuman ang templo, walang anuman ito, ngunit kung ang ipanumpa ay ang ginto ng templo, dapat niyang tuparin ang kanyang sumpa. Mga bulag! Mga hangal! Alin ang mas mahalaga, ang ginto o ang templong nagpapabanal sa ginto? Sinasabi rin ninyo na kung ipanumpa ninuman ang dambana, walang anuman ito, ngunit kung ang ipanumpa ay ang handog na nasa dambana, dapat niyang tupdin ang kanyang sumpa. Mga bulag! Alin ba ang mas mahalaga, ang handog o ang dambanang nagpapabanal sa handog? Kaya nga, kapag ipinanumpa ninuman ang dambana, ipinanunumpa niya iyon at ang lahat ng handog na naroon. Kapag ipinanumpa ninuman ang templo, ipinanunumpa niya iyon at ang tumatahan doon. At kapag ipinanumpa ninuman ang langit, ipinanunumpa niya ang trono ng Diyos at ang nakaluklok doon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Mulat sa aming pagiging hindi karapat-dapat, itinataas namin ang aming isip at puso sa iyo, Diyos Ama, at dinadala rin namin sa iyong harapan ang aming mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama sa langit, ikaw ang lahat sa amin.

Ang Simbahan, lalo na ang kanyang mga pinuno, nawa’y isapuso ang gawaing pagpapanibago at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y magpakita ng tunay na malasakit sa katarungan, dangal, at pagkakaisa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga gumagawa sa media nawa’y akayin ang mga tao sa katotohanan at isulong ang kahalagahan ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng pag-asa, kagalingan, lakas, at kasiyahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y gantimpalaan ng Panginoon ng walang hanggang kaligayahan dahil sa kanilang dalisay na paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, tulungan mo kaming magmahal at maglingkod sa katotohanan at sa Espiritu sa pamamagitan ni Jesus na aming Daan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 61,705 total views

 61,705 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 80,054 total views

 80,054 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 98,338 total views

 98,338 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 253,141 total views

 253,141 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 297,588 total views

 297,588 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Pebrero 9, 2026

 146 total views

 146 total views Lunes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 8, 1-7. 9. 13 Salmo 131, 6-7. 8-10 Poong Makapangyarihan, kami’y iyong panahanan.

Read More »

Linggo, Pebrero 8, 2026

 916 total views

 916 total views Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 58, 7-10 Salmo 111, 4-5. 6-7. 8a at 9 Sa dilim ay may liwanag sa tao

Read More »

Sabado, Pebrero 7, 2026

 1,673 total views

 1,673 total views Sabado ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Hari 3, 4-13 Salmo

Read More »

Biyernes, Pebrero 6, 2026

 2,343 total views

 2,343 total views Paggunita kina San Pedro Bautista, San Pablo Miki at mga Kasama, mga martir Sirak 47, 2-13 (gr. 2-11) Salmo 17, 31. 47 at

Read More »

Huwebes, Pebrero 5, 2026

 3,032 total views

 3,032 total views Paggunita kay Santa Agata (Agueda), dalaga at martir 1 Hari 2, 1-4. 10-12 1 Mga Cronica 29, 10. 11ab. 11d-12a. 12bkd. D’yos na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top