Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, HULYO 1, 2024

SHARE THE TRUTH

 3,204 total views

Lunes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Amos 2, 6-10. 13-16
Salmo 49, 16bk-17. 18-19. 20-21. 22-23

Tinig ng D’yos dapat dinggin
kahit ng ayaw pumansin.

Mateo 8, 18-22

Monday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Amos 2, 6-10. 13-16

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos

Ito ang sabi ng Panginoon: “Nagkasalang paulit-ulit ang mga taga-Israel. Sila’y tiyak na parurusahan ko, sapagkat dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga walang sala at ipinagbiling alipin ang di makabayad, kahit sa halaga ng isang pares na sandalyas. Niyuyurakan nila ang mga walang kaya at ipinagtutulakan ang mahihirap. Nakikipagtalik ang mag-ama sa iisang babaing nagbibili ng aliw anupa’t nalalapastangan ang aking banal na pangalan. Hinihigan nila sa tabi ng alinmang dambana ang balabal na sangla ng isang may utang. Sa templo ng kanilang Diyos ay nag-iinuman sila ng alak na binili ng salaping inagaw sa mga dukha. Nagawa pa nila ito sa akin matapos kong lipulin ang mga Amoreo, mga taong sintatangkad ng punong sedro at sintitigas ng punong ensina, na pinuksa kong lahat alang-alang sa kanila.

“Inilabas ko kayo mula sa Egipto, pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon at ibinigay sa inyo ang lupain ng mga Amoreo. Kaya, pahihirapan ko kayo, gaya ng kariton na di makalakad sa bigat ng dala. Hindi makatatakas ang matutuling tumakbo; manghihina pati ang matitipuno at di maililigtas ng mga kawal maging ang kanilang sarili. Walang tatamaan ang mga manunudla, di makaliligtas ang matuling tumakbo at di rin makatatakas ang mga nakakabayo. Ang pinakamatapang na mandirigma ay hubad na tatakas sa araw na iyon.” Ang Panginoon ang nagsabi nito.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 49, 16bk-17. 18-19. 20-21. 22-23

Tinig ng D’yos dapat dinggin
kahit ng ayaw pumansin.

Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos?
At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod?
Pag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot,
at ni ayaw na tanggapin yaong aking mga utos.

Tinig ng D’yos dapat dinggin
kahit ng ayaw pumansin.

Ang makitang magnanakaw ang nagiging kaibigan,
at kung sinong mapang-apid siya ninyong kasamahan.
Mabilis ang inyong dila sa masamang sasabihin;
sa inyo ay bale wala ang gawang magsinungaling.

Tinig ng D’yos dapat dinggin
kahit ng ayaw pumansin.

Handa ninyong paratangan maging tunay na kapatid,
at kay daming kapintasang sa kanila’y nasisilip.
Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana,
kaya naman ang akala, kayo’t ako’y magkaisa;
ngunit ngayon, panahon nang kayo’y aking pagwikaan
upang inyong maunawa ang ginawang kamalian.

Tinig ng D’yos dapat dinggin
kahit ng ayaw pumansin.

Kaya ngayo’y dinggin ito, kayong ako’y hindi pansin,
kapag ako’y di dininig, kayo’y aking wawasakin;
wala kayong aasahang magliligtas sa hilahil.
Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain,
ay handog ng pagsalamat, pagpupuring walang maliw;
akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.

Tinig ng D’yos dapat dinggin
kahit ng ayaw pumansin.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 8, 18-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang makapal na tao sa kanyang paligid, iniutos niya sa mga kasama na maghandang tumawid sa ibayo. Nilapitan siya ng isang eskriba at sinabi sa kanya, “Guro, susunod po ako sa inyo saan man kayo pumaroon?” Sumagot si Hesus: “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.” Isa naman sa mga alagad ang nagsabi sa kanya, “Panginoon, maaari po bang umuwi muna ako upang ipalibing ang aking ama?” Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin, at ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Iluhog natin ang ating mga pangangailangan sa Diyos Ama, kung saan naroon ang kanyang Anak na nauna na sa atin at tumatawag sa atin na sundan siya. Manalangin tayo nang may pananalig sa biyaya sa pagtanggap sa pagtawag na ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, bigyan Mo kami ng biyaya na sundan ang iyong anak.

Ang mga pinuno ng Simbahan at yaong mga nagpapahayag ng Salita ng Diyos nawa’y maging masigasig sa kanilang pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating komunidad sa araw-araw nawa’y mapanibago sa pananampalataya sa Salita ng Diyos na tumatawag sa atin sa isang mabuting buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nawalan ng pag-asa dahil sa mga pagkakasala nawa’y mapagtanto na kasa-kasama natin si Kristo, ang ating pinuno, at pinapasan ang ating mga suliranin, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga pinahina ng pagkakasakit at karamdaman nawa’y mapanatag sa kasiyahan ng Diyos dulot ng kalinga at pagtulong ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y makasunod kay Kristo at makapasok sa walang katapusang presensya ng Diyos sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama, sa aming pagnanais na sumunod sa yapak ng iyong Anak, gawin mo kaming iisa sa isip at puso sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 65,422 total views

 65,422 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 88,254 total views

 88,254 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 112,654 total views

 112,654 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 131,418 total views

 131,418 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 151,161 total views

 151,161 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 34,941 total views

 34,941 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 35,172 total views

 35,172 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 35,667 total views

 35,667 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 25,935 total views

 25,935 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 26,044 total views

 26,044 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top