Lunes, Hunyo 8, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,365 total views

Lunes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Hari 17, 1-6
Salmo 120, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Mateo 5, 1-12

Monday of the Tenth Week in Ordinary Time (II)

UNANG PAGBASA
1 Hari 17, 1-6

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, nagsalita kay Acab si Elias na taga-Tesbi: “Isinusumpa ko, sa ngalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel na pinaglilingkuran ko: hindi uulan, ni hindi man lamang magkakahamog sa mga darating na taon hanggang hindi ko sinasabi.”

Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Elias: “Umalis ka rito at magtago ka sa batis ng Carit, sa silangan ng Jordan. Makaiinom ka ng tubig na batis at may inutusan akong mga uwak na maghahatid sa iyo ng pagkain.”

Gayun nga ang ginawa niya: lumakad siya at nanirahan sa may batis ng Carit, sa silangan ng Jordan. Umaga’t hapon, may mga uwak na nagdadala sa kanya ng pagkain. Sa batis naman siya umiinom.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 120, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Sa gawi ng bundok, tumitingin ako,
saan manggagaling ang aking saklolo?
Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula,
sa Diyos na lumikha ng langit at lupa.

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Huwag sana akong bayaang mabuwal,
handang lagi siya sa pagsasanggalang.
Ang tagapagtanggol ng bayang Israel
hindi natutulog at palaging gising.

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Ang D’yos na Panginoon, siyang magbabantay,
laging nasa piling, upang magsanggalang
di ka magdaramdam sa init ng araw,
kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Sa mga panganib, ika’y ililigtas
nitong Panginoon, siyang mag-iingat.
Saanman naroon, ikaw iingatan,
di ka maaano kahit na kailan.

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

ALELUYA
Mateo 5, 12a

Aleluya! Aleluya!
Magdiwang kayo’t magsaya,
sa langit ay liligaya,
gagantimpalaan t’wina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito:

“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.
“Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
“Mapalad ang mga mapagpakumbaba,
sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.
“Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos,
sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.
“Mapalad ang mga mahabagin,
sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.
“Mapalad ang mga may malinis na puso,
sapagkat makikita nila ang Diyos.
“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo,
sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.
“Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.
“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayun din ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Ang kaligayahan ang pinakamahirap na makamit sa lahat ng mga hinahangad ng tao. Manalangin tayo ngayon sa Diyos Ama para sa malalim na kapayapaang nagmumula sa ating buong pusong pagsandig sa kanya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng biyaya, maging gantimpala ka namin.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magkaroon ng tapang at lakas na ipahayag ang Mabuting Balita na siyang sagisag ng kasalungatan sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nahaharap sa mga pag-uusig dahil sa kanilang pagsaksi sa Ebanghelyo nawa’y makaranas ng kaginhawahan dulot ng presensya ni Kristo sa gitna ng kanilang paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang isapuso ang turong “mapapalad” upang maging banal at masaya tayo sa pagtatatag ng Kaharian ng Diyos dito sa lupa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at ang mga tumatangis sa pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay nawa’y palakasin at hilumin sa kanilang kalungkutan at sakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magkamit ng kaligayahan at kapayapaan ng makalangit na Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Walang hanggang Ama, nababatid namin na may malalim na malasakit ka sa aming kasiyahan. Palakasin mo nawa kami at panatilihin mo kaming malapit sa iyo, ikaw na pinagmumulan ng aming kapayapaan at kaligayahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

REAL LIFE

 3,832 total views

Gospel Reading for August 7, 2026 – Matthew 16: 24-28

REAL LIFE

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake will find it. What profit would there be for one to gain the whole world and forfeit his life? Or what can one give in exchange for his life? For the Son of Man will come with his angels in his Father’s glory, and then he will repay each according to his conduct. Amen, I say to you, there are some standing here who will not taste death until they see the Son of Man coming in his Kingdom.”

————

There is a story about a man from the province who visited Metro Manila for the first time. He was taken to the huge malls, magnificent fountains, and luxurious resorts. Overwhelmed by what he saw, he exclaimed, “So, this is the REAL LIFE! I wish I could stay here.”

But is it really?

Working on a farm to grow vegetables and fruit, raising livestock to feed one’s family and to provide food for others—including those living in crowded cities where there are few farms; having more time to spend with family because life is not consumed by the countless distractions of the metropolis; enjoying the beauty of nature at its finest; breathing cleaner air with less pollution; living in peace and quiet with less traffic, construction, and noise; and experiencing a strong sense of community where neighbors genuinely care for one another. Life moves at a slower pace, bringing less pressure and stress.

Isn’t this the REAL LIFE?

Many of us, however, are tempted to believe that REAL LIFE consists of having every comfort and luxury imaginable; becoming popular and occupying prestigious positions in business, government, or the academe; earning far more than the average worker; accumulating wealth and properties; moving in elite social circles; and building a large bank account.
Yet the more our hearts become attached to these things, the more difficult it becomes to follow Jesus, who tells us, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me.”

Does this mean that Jesus does not want us to enjoy life? Certainly not. Rather, he teaches us not to pursue happiness at the expense of others—not to become indifferent to the suffering and needs of those around us, or worse, to become the very cause of their suffering. A life centered only on ourselves is not the life Jesus calls us to live. We are not created for nothing. Ironically, the more we cling to that kind of life, the more we lose what REAL LIFE truly is.

We are created for a purpose: to do our share in making the world a good place to live in for everyone, using the gifts/talents God gave us.

Lord Jesus, help us to live the life you desire for us, for we believe that this is the only life that leads to eternal life. Amen.

Our continuing journey in Christ

 4,172 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
First Friday in August, Eighteenth Week of Ordinary Time, Year II
07 August 2026
Nahum 2:1, 3; 3:1-3, 6-7     <*((((>< + ><))))*>     Matthew 16:24-28
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Thank you for this
first Friday in August,
Lord Jesus; 
your words remind us 
of our continuing journey
in you
and with you;
many times, 
we go towards you
but sometimes
we go on so many detours
because we think them
as shortcuts,
as better,
most often but wrongly,
much lighter.

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses hisnlife for my sake will find it (Matthew 16:24-25).

Christian journey
is a continual turning 
of our hearts to you,
Lord Jesus;
problem is how we 
easily forget,
how foolishly we insist
like the people of Nineveh
to live in power and wealth,
in greed and violence,
in selfishness;
life and its fullness can only
be found in you, Jesus;
help us find our way back to you
when we are lost,
let us leave the sidewalks
to join you on the road itself
as we journey to the Cross
so that along the way
experience your life
and joy and fulfillment.
Amen.

Jesus meek and humble of heart,
make my heart like thine!
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.

CONFIDENTIAL FUND

 32,611 total views

Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o pera ng taumbayan. Maaring iba’t-iba ang paraan ng pag-audit, ngunit naroon ang obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan na magpaliwanag at mag-liquidate sa ponding ginasta.

Kapag sinasabing confidential fund, hindi ibig sabihin na confidential kung saan napunta, kung saan ginastos ang pera, at naaayon ba sa batas. Maaring classified ang pangalan ng informant, target ng operasyon, mga detalye ng paniniktik, kung paano isinagawa ang intelligence gathering.

Tandaan Kapanalig, sa ilalim ng Article VI, Section 29 ng 1987 constitution na walang perang maaring ilabas sa national treasury maliban sa appropriation na ginawa ng batas. Binibigyan din ng Article IX-D Section 2(1) ang Commission on Audit ng kapangyarihan, otoridad na suriin, i-audit ang lahat ng accounts sa paggastos ng pondo at ari-arian ng gobyerno. Ang COA din ang may kapangyarihang magtakda ng saklaw, paraan at mga tuntunin ng audit, kabilang ang pagbabawal sa irregular, unnecessary, sobra-sobrang, maluho at hindi maipaliwanag na paggastos sa pondo ng bayan.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1445 o Government Auditing Code. Sinasabi sa Section 2 na, lahat ng resources ng gobyerno ay dapat pamahalaan at gastusin alinsunod sa batas at protektahan laban sa illegal o improper disposition. Sa Section 4, government funds must be used solely for public purposes, ang bawat disbursement ay dapat aprubado ng tamang opisyal, at ang claims laban sa pondo ng gobyerno ay dapat suportado ng complete documentation.

Upang mapangalagaan ang classified information, pinagtibay ng COA, DBM, DILG, GCG at DND ang joint circular no. 2015-01 na inaatas ang disbursement mula sa confidential funds ay dapat suportado ng documentary evidence of payment at isumite sa specialized audit ng COA sa selyadong envelope. Ang bawat disbursement ay dapat samahan ng sertipikasyon under oath ng accountable officer na ang gastos ay konektado sa confidential o intelligence operations, may suportang dokumento, hindi ginamit sa ipinagbabawal na bagay.

Kapanalig, ito ang kasalukuyang kuwestyon sa impeachment trial ni VP Duterte. Kung ating susuriin gamit ang mga panununtunan sa government auditing code at joint circular no.2015-01, nabigo, at nagkulang ang Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ng dating Vice-President na isumite sa COA ang tama at naaangkop na documentary evidence na magpapatunay na ginamit sa tama ang 162-milyong pisong confidential fund.

Malinaw Kapanalig sa testimonya ni dating state auditor Roderick Wamil na ang confidential fund ng OVP at Department of Education ay ginamit ni VP Duterte sa kanyang personal na interes matapos mabigo ang kanyang tanggapan na i-liquidate ang pondo sa kabila ng formal demand mula sa COA.

Bukod dito, tinangka din ng mga tauhan ni VP Duterte na impluwensiyahan ang mga opisyal ng COA na downgrade ang COA audit findings sa “query” lamang upang maabsuwelto ang bise-presidente sa pananagutan.

Kapanalig, ating nasaksihan sa impeachment trial ni VP Duterte kung sino ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling.

Sinasabi ng Proverbs 12:17-“An honest witness tells the truth, but a false witness tells lies”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 32,612 total views

 32,612 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 106,054 total views

 106,054 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 137,336 total views

 137,336 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 169,352 total views

 169,352 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 320,162 total views

 320,162 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Agosto 10, 2026

 648 total views

 648 total views Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 2,020 total views

 2,020 total views Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Sabado, Agosto 8, 2026

 3,293 total views

 3,293 total views Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

Biyernes, Agosto 7, 2026

 4,334 total views

 4,334 total views Biyernes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sixto II, papa, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay

Read More »

Huwebes, Agosto 6, 2026

 5,915 total views

 5,915 total views Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (A) Daniel 7, 9-10. 13-14 Salmo 96, 1-2. 5-6. 9 Panginoo’y maghahari, lakas n’ya’y mananatili.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top