Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, MAYO 6, 2024

SHARE THE TRUTH

 32,457 total views

Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 16, 11-15
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Juan 15, 26 – 16, 4a

Monday of the Sixth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 16, 11-15

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Mula sa Troas, tuluy-tuloy kaming naglayag patungong Samotracia, at kinabukasa’y sa Neapolis. Mula roo’y nagtungo kami sa Filipos, isang kolonyang Romano at pangunahing lungsod sa dakong iyon ng Macedonia. Nanatili kami roon ng ilang araw. At nang Araw na Pamamahinga, lumabas kami ng lungsod at nagpunta sa tabing-ilog, sa isang pook na inakala naming dakong panalanginan ng mga Judio. Naupo kami at nakipag-usap sa mga babaing nagkakatipon doon. Kabilang dito ang isang nagngangalang Lydia, taga-Tiatira at mangangalakal ng mga telang purpura. Siya’y may takot sa Diyos. Binuksan ng Panginoon ang kanyang isip at siya’y naniwala sa ipinangangaral ni Pablo. Nagpabinyag siya, at ang mga kasambahay niya. Pagkatapos, sinabi niya, “Kung itinuturing po ninyo akong tapat na lingkod ng Panginoon, doon na kayo tumuloy sa amin.” Mahigpit ang kanyang anyaya kaya’t hindi namin napahindian.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

o kaya: Aleluya!

Ang Panginoo’y purihin, awitan ng bagong awit,
purihin sa pagtitipon ng tapat sa pananalig.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
dahilan sa iyong hari, ikaw Sion ay matuwa.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;
alpa’t tambol ay tugtugin at siya ay papurihan.
Panginoo’y nagagalak sa kanyang mga hirang.
Sa nangagpapakumbaba’y tagumpay ang ibibigay.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang.
Sa kanilang pagpipista ay magsaya’t mag-awitan.
Sa pagpuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan.
Ang tatanggap ng tagumpay, ay ang kanyang mga hirang.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

ALELUYA
Juan 15, 26b. 27a

Aleluya! Aleluya!
Kayo at ang Espiritu
ang s’yang magpapatotoo
tungkol sa aral ni Kristo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 15, 26 – 16, 4a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu ng Katotohanan, ang paparito mula sa Ama. Susuguin ko siya sa inyo buhat sa Ama, at siya ang magpapatotoo tungkol sa akin. At magpapatotoo rin kayo tungkol sa akin, sapagkat sa pasimula pa’y kasama ko na kayo.

“Sinasabi ko ito sa inyo upang huwag kayong mawalan ng pananalig sa akin. Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga. Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos. At gagawin nila ito sapagkat hindi nila ako nakikilala ni ang Ama. Ito’y sinasabi ko sa inyo upang, pagdating ng oras na gawin nila, maalaala ninyong ipinagpauna ko na ito sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes

Marami ang nagpapatotoo sa kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang buhay. Dahil sa kanilang halimbawang nagdudulot ng inspirasyon sa atin, tumawag tayo sa Diyos na ating Ama at sabihin natin sa kanya:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, loobin Mong maging mga saksi kami para sa Iyo.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y walang patid na magsikap sa paghahatid ng mensahe ng Diyos ng pagsisisi sa kasalanan sa mga taong may pusong tapat na naghahanap sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pulitiko at mga taong tinitingala sa larangan ng pulitika nawa’y maging mga kasangkapan ng katotohanan ni Kristo sa pamamagitan ng marangal nilang pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pagsubok na dinaranas natin araw-araw nawa’y hindi magpahina ng ating loob at sa halip ay magpalago ng ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maging matatag sa kanilang pananampalataya at masigasig sa kanilang mithiin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapanatagan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, pagkalooban mo kami ng karunungan at katatagan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu upang kami ay maging malalakas at matatapat na saksi sa iyong pag-ibig sa bawat yugto ng aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 57,560 total views

 57,560 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 80,392 total views

 80,392 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 104,792 total views

 104,792 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 123,591 total views

 123,591 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 143,334 total views

 143,334 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 34,635 total views

 34,635 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 34,866 total views

 34,866 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 35,361 total views

 35,361 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 25,664 total views

 25,664 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 25,773 total views

 25,773 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top