Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, NOBYEMBRE 27, 2023

SHARE THE TRUTH

 7,505 total views

Lunes ng Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Daniel 1, 1-6. 8-20
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Lucas 21, 1-4

Monday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Daniel 1, 1-6. 8-20

Ang simula ng aklat ni propeta Daniel

Nang ikatlong taon ng pamamahala ni Haring Joaquim sa Juda, ang Jerusalem ay nasakop ni Haring Nabucodonosor. Pinabayaan ng Panginoon na bihagin niya si Haring Joaquim at samsamin ang ilang kasangkapan sa templo ng Diyos. Lahat ng ito ay dinala ni Nabucodonosor sa templo ng kanyang diyus-diyusan sa Babilonia at inilagay sa silid na taguan ng kanyang kayaman.

Iniutos ng hari kay Aspenaz, pinuno ng kanyang mga tauhan, na pumili ng ilang Israelitang kabilang sa angkan ng mga hari at ilan sa angkan ng mga maharlika. Ang pipiliin nila ay yaong kabataan, walang kapansanan, makisig, matalino, madaling turuan, may kaalaman sa lahat ng sangay ng karunungan upang maging karapat-dapat na lingkod sa palasyo. Ang mga ito ay tuturuan ng salitang Caldeo. Iniutos ng hari na sila’y paglaanan ng pagkain at alak araw-araw mula sa kanyang sariling pagkain at alak. Tatlong taon silang tuturuan bago maglingkod sa hari. Kabilang sa mga ito sina Daniel, Ananias, Misael, at Azarias na pawang kabilang sa lipi ni Juda.

Ngunit ipinasiya ni Daniel na huwag tikman man lamang ang pagkain at alak na bigay ng hari upang hindi siya makakain ng mga bagay na marumi ayon sa Kautusan. Kaya, ipinakiusap niya kay Aspenaz na huwag silang pakanin niyon. Niloob naman ng Diyos na siya’y makalugdan at pagbigyan nito. Ngunit sinabi niya kay Daniel, “Natatakot lamang ako sa gagawin sa akin ng mahal na hari kapag nakita niyang mas mahina kayo kaysa ibang kasinggulang ninyo. Tiyak na ako’y papupugutan niya pagkat siya mismo ang naglaan ng pagkain ninyo araw-araw.”

Dahil dito, lumapit si Daniel sa bantay na nangangalaga sa kanila. Sinabi niya, “Subukin ninyo kami sa loob ng sampung araw. Gulay lamang at tubig ang ibigay ninyo sa amin. Pagkatapos, pagparisin ninyo kami ng mga kasinggulang naming pinakakain ninyo ng pagkaing bigay ng hari at tingnan ninyo ang magiging resulta.”

At sinubok nga sila sa loob ng sampung araw. Nang sila’y pagparisin pagkaraan ng sampung araw, nakitang mas maayos sila at malusog kaysa mga kasinggulang nilang pinakain ng pagkain ng hari. Kaya, gulay at tubig na lamang ang ibinigay sa kanila sa halip na pagkain at inumin ng hari.

Niloob ng Diyos na silang apat ay matuto ng lahat ng uri ng kaalaman. Bukod dito, si Daniel ay binigyan pa ng kaalaman tungkol sa pangitain at panaginip. Pagkaraan ng tatlong taong itinakda ng hari sa pagsasanay sa kanila, ang lahat ng kabataang pinili ni Aspenaz ay iniharap niya kay Haring Nabucodonosor. Isa-isa silang kinausap ng hari, ngunit nakita niyang nakahihigit sina Daniel, Ananias, Misael at Azarias. Kaya, sila ang napili ng hari upang maglingkod sa palasyo. Sa lahat ng bagay na isangguni sa kanila, nakita ng hari na higit na di hamak ang kaalaman nila kaysa mga salamangkero at engkantador ng kaharian.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Pinupuri ka namin, Panginoon;
Diyos ng aming mga ninuno;
karapat-dapat kang ipagdangal at dakilain magpakailanman.
Purihin ang iyong banal at maluwalhating pangalan,
nararapat purihin at ipagdangal magpakailanman

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa iyong banal at marangal na tahanan;
lubhang karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka na nakaluklok sa maringal mong trono.
Karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Mula sa iyong luklukan sa ibabaw ng mga kerubin,
nakikita mo ang kalaliman, ang daigdig ng mga patay.
Karapat-dapat kang purihin at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa buong sangkalangitan;
karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

ALELUYA
Mateo 24, 42a. 44

Aleluya! Aleluya!
Lagi tayong magtanod
sapagkat di natin talos
ang pagbabalik ni Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 1-4

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nang tumingin si Hesus, nakita niya ang mayayamang naghuhulog ng kanilang kaloob sa lalagyan nito sa templo. Nakita rin niya ang isang dukhang babaing balo na naghulog ng dalawang kusing. Ang wika ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog nang higit kaysa kanilang lahat. Sapagkat bahagi lang ng di na nila kailangan ang kanilang ipinagkaloob, ngunit ibinigay ng balong iyon na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Inihandog ng balo sa Templo ang lahat-lahat sa kanya. Pinapaging mapagkumbaba tayo ng kanyang pagiging mapagbigay. Maging mapagbigay tayo sa ating pananalangin para sa ating kapwa bilang pagtugon sa Diyos na nagbibigay sa atin ng biyayang walang humpay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagbigay na Diyos, basbasan Mo kami.

Bilang Simbahan, maging mapagbigay tayo nang sapat upang magbahagi tayo hindi lamang mula sa ating kasaganaan kundi mula rin sa ating kasalatan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lingkod bayan nawa’y maging malaya sa kasakiman at pagmamalabis sa kapangyarihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga balo, mga solong magulang, at mga ulila nawa’y umunlad sa kabanalan at mabasbasan ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maibahagi ang kanilang pagdurusa sa pagpapakasakit ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at mga kaibigan nawa’y tanggapin sa walang hanggang tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, buksan mo ang aming mga puso sa mga nakapaligid sa amin upang makilala namin ang iyong presensya sa aming mga kapwa at mga kaibigan at matuklasan namin ang kaligayahan ng pagbabahagi ng aming buhay sa kanila. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 21,216 total views

 21,216 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 27,440 total views

 27,440 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 36,133 total views

 36,133 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 50,901 total views

 50,901 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 58,023 total views

 58,023 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Setyembre 15, 2024

 648 total views

 648 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 1,625 total views

 1,625 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 2,112 total views

 2,112 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 2,507 total views

 2,507 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 2,810 total views

 2,810 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »

Martes, Setyembre 10, 2024

 2,903 total views

 2,903 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 2,465 total views

 2,465 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 2,494 total views

 2,494 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 2,808 total views

 2,808 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 3,044 total views

 3,044 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 3,680 total views

 3,680 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 3,937 total views

 3,937 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 4,319 total views

 4,319 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 4,733 total views

 4,733 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 5,391 total views

 5,391 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »
Scroll to Top