Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, NOBYEMBRE 6, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,476 total views

Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Roma 11, 29-36
Salmo 68, 30-31. 33-34. 36-37

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

Lucas 14, 12-14

Monday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Roma 11, 29-36

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa taga-Roma

Mga kapatid, ang Diyos ay hindi nagbabago ng isip tungkol sa kanyang mga kaloob at pagtawag. Dati, masuwayin kayo sa Diyos, ngunit ngayo’y kinahahabagan sa panahon ng pagsuway ng mga Judio. Gayun din naman sila’y naging masuwayin ngayong kayo’y kinahahabagan upang sila’y kahabagan din. Sapagkat hinayaan ng Diyos na maalipin ng kanilang kasalanan ang lahat ng tao upang maipadama sa kanila ang kanyang habag.

Napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kayamanan, karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi malirip ang kanyang mga panukala at pamamaraan! Gaya ng nasusulat:

“Sapagkat sino ang nakaalam sa pag-iisip ng Panginoon,
O sino ang naging tagapayo niya?”
“Sino ang nakapagkaloob ng anuman sa Diyos
para siya nama’y gantimpalaan?”

Sapagkat mula sa kanya at sa pamamagitan niya at sa kanya ang lahat ng bagay. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 68, 30-31. 33-34. 36-37

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

Naghihirap ako’t mahapdi ang sugat,
O Diyos, itayo mo, ako ay iligtas.
Pupurihin ang diyos, aking aawitan,
dadakilain ko’t pasasalamatan.

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
Lingkod na bilanggo’y di nalilimutan.

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

Ang Lungsod ng Sion, kanyang ililigtas,
bayang nasa Juda’y muling itatatag:
doon mananahan ang mga hinirang,
ang lupain doo’y aariing tunay.
Magmamana nito’y yaong lahi nila
may pag-ibig sa Diyos ang doo’y titira.

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

ALELUYA
Juan 8, 31b-32

Aleluya! Aleluya!
Kapag ang aking salita
sa inyo’y naidambana,
taglay n’yo ang aking diwa.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 14, 12-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa pinuno ng mga Pariseo na nag-anyaya sa kanya: “Kapag naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo’y nagantihan ka na. Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayo’y magiging mapalad ka. Gagantihin ka ng Diyos sa muling pagkabuhay ng mga banal.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan ang kalusugan

 7,201 total views

 7,201 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 23,032 total views

 23,032 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 115,463 total views

 115,463 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 133,730 total views

 133,730 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 151,392 total views

 151,392 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 56,143 total views

 56,143 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 56,374 total views

 56,374 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 56,891 total views

 56,891 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 41,178 total views

 41,178 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 41,287 total views

 41,287 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top