Lunes, Pebrero 24, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,495 total reads

Lunes ng Ika-7 ng Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Sirak 1, 1-10
Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Marcos 9, 14-29

Monday of the Seventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sirak 1, 1-10

Ang simula ng aklat ni Sirak

Mula sa Panginoon ang lahat ng karunungan
at iyon ay taglay niya magpakailanman.
Sino ang makabibilang ng butil ng buhangin sa dagat,
O ng patak ng ulan, o ng mga araw,
sa panahong walang pasimula at walang katapusan?
Sino ang makasusukat sa taas ng langit, o sa lawak ng lupa?
Sino ang makaaarok sa kalaliman ng dagat
at sino ang makasasaliksik sa Karunungan?
Bago pa likhain ang alinmang nilalang,
nalikha na ang Karunungan,
at ang tunay na pagkaunawa,
bago pa nagsimula ang mga panahon.
Ang Karunungan ay nagmula sa salita ng Diyos
sa kataas-taasang langit,
at ang kanyang mga aral ay batas na walang hanggan.
Kanino ipinahayag ang simula ng Karunungan,
at sinong nakatatalastas ng kanyang pamamaraan?
Kanino ipinagkaloob ang makakilala sa Karunungan,
at sinong nakauunawa ng kanyang masaganang mga karanasan?
Iisa lamang ang talagang marunong;
dapat tayong gumalang na may paghanga
sa harap ng kanyang luklukan.
Ang Panginoon ang maylikha ng Karunungan,
kinilala niya ang kahalagahan nito
sa lahat ng kanyang nilalang.
Binahaginan niya ng Karunungan ang lahat ng tao,
ngunit higit na masagana ang bigay niya
sa mga umiibig sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Panginoo’y naghahari, na ang suot sa katawan
ay damit na maharlika at batbat ng kalakasan.

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Ang sandigan ng daigdig, matatag ang pinatungan
kahit ano ang gawin pa’y hindi ito magagalaw.
Ang trono mo ay matatag simula pa noong una.
Bago pa ang ano pa man, likas ika’y naroon na.

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Walang hanggan, Panginoon, ang lahat ng tuntunin mo,
sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 9, 14-29

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, habang bumababa si Hesus sa bundok, kasama sina Pedro, Santiago at Juan, ay nakita nila ang napakaraming taong nakapaligid sa mga alagad na naiwan, at ang mga eskriba na nakikipagtalo sa mga ito. Nagulat ang mga tao nang makita nila si Hesus. Sila’y patakbong lumapit sa kanya, at binati siya. Tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad, “Ano ba ang pinagtatalunan ninyo at ng mga taong iyon?” Sumagot ang isa mula sa karamihan, “Guro, dinala ko po rito sa inyo ang aking anak na lalaki, sapagkat siya’y inaalihan ng masamang espiritu, at hindi makapagsalita. Tuwing aalihan siya nito, siya’y inilulugmok; bumubula ang kanyang bibig at nagngangalit ang kanyang ngipin, at siya’y naninigas. Hiniling ko po sa inyong mga alagad na palayasin ang espiritu, ngunit hindi nila napalayas ito!” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Lahing walang pananampalataya! Hanggang kailan ako dapat manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!” At dinala nga nila ito sa kanya. Nang si Hesus ay makita ng espiritu, biglang pinapangisay nito ang bata, anupa’t napalugmok ito sa kanya, at gumugulong-gulong na bumubula ang bibig. “Kailan pa siya inalihan ng masamang espiritu?” tanong ni Hesus sa ama. “Mula pa po sa kanyang pagkabata!” tugon niya. “Madalas siyang ihagis nito sa apoy at sa tubig upang patayin. Kaya kung may magagawa kayo, mahabag po kayo sa amin at tulungan ninyo kami.” “Kung may magagawa!” ulit ni Hesus. “Mapangyayari ang lahat sa may pananalig.” Kaagad sumagot nang malakas ang ama ng bata, “Nananalig po ako! Tulungan ninyo ako bagamat ako’y nagkulang.”

Nang makita ni Hesus na dumaragsa ang mga tao, pinagsabihan niya ang masamang espiritu, “Ikaw, espiritung nagpapapipi at nagpapabingi – iniuutos ko sa iyo: lumabas ka sa bata! At huwag ka nang papasok sa kanya!” Nagsisigaw ang masamang espiritu, pinapangisay ang bata, at saka lumabas. Naging mistulang bangkay ang bata, kaya’t ang sabi ng marami. “Patay na!” Subalit siya’y hinawakan ni Hesus sa kamay at ibinangon. At tumindig ang bata.

Nang pumasok na si Hesus sa bahay, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Bakit po hindi namin napalayas ang espiritu?” Sumagot si Hesus, “Ang ganitong uri ng espiritu ay hindi mapalalayas kundi sa pamamagitan ng panalangin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, nagsasalita si Kristo nang may walang hanggang kapangyarihan at kumikilos sa kanyang mapagpalang mga gawa. Sa pamamagitan niya, manalangin tayo nang may pananalig.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, tulungan Mo kami sa aming kahinaan.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na magturo ng katotohanan ni Kristo at labanan ang kasamaan sa ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng daigdig nawa’y isulong ang kabutihan sa kanilang mga gobyerno at maging masigasig sa pagwawaksi ng kasamaan sa kanilang mga lipunan na kanilang sinumpaang paglingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y hindi manghinawa sa ating buhay panalangin upang hindi maghari ang mga masasamang espiritu sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at yaong mga nagdurusa sa bawat uri ng karamdamang pangkaluluwa at pangkatawan nawa’y lumaya mula sa kanilang mahirap at malungkot na kalagayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y magkaroon ng kasiyahan sa masikat na liwanag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, patuloy mo kaming hilumin sa kasamaan; hayaan mong ang iyong kabutihan ang siyang magliwanag sa amin sa kapangyarihan ni Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

MODERN-DAY PHARISEES

 19,323 total reads

Gospel Reading for October 16, 2026 – Luke 12: 1-7

MODERN-DAY PHARISEES

At that time: So many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven–that is, the hypocrisy–of the Pharisees. “There is nothing concealed that will not be revealed, nor secret that will not be known. Therefore whatever you have said in the darkness will be heard in the light, and what you have whispered behind closed doors will be proclaimed on the housetops. I tell you, my friends, do not be afraid of those who kill the body but after that can do no more. I shall show you whom to fear. Be afraid of the one who after killing has the power to cast into Gehenna; yes, I tell you, be afraid of that one. Are not five sparrows sold for two small coins? Yet not one of them has escaped the notice of God. Even the hairs of your head have all been counted. Do not be afraid. You are worth more than many sparrows.”

————

Perhaps there are very few people in the world who would not fear murderers or members of groups operating in the underworld or engaged in criminal activities. For Jesus, however, this fear is secondary to the fear of those who can lead us astray—those who have managed to convince others that what has always been morally right is wrong, and what is wrong is now morally right.

Jesus is not merely speaking about the Pharisees. We have MODERN-DAY PHARISEES who manipulate the Word of God to serve their personal interests or promote their advocacies that run counter to the teachings of Jesus and Sacred Scripture.

If we are to be true Christians who wish to enjoy eternal life with God someday, we have to be wary of these people. They are the ones we must avoid because, although they cannot kill us physically, they can kill us spiritually.

Lord Jesus, help us to always seek the truth in Sacred Scripture and in the teachings of Jesus in the New Testament.

Sealed with the Holy Spirit

 21,422 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 16 October 2026
Ephesians 1:11-14     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Luke 12:1-7
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
What's happening in the world,
Lord where everyone seems to thrive 
in chaos?
Trash talks like cussings,
making fun of other people's
disabilities, smart shaming and
body shaming are so glorified and
imitated especially in social media;
many have no more sense of shame at all,
stretching their rights without any regard
for their responsibilities nor rights of others
that we are like in that gospel scene today:

At that time, so many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven – that is, hypocrisy – of the Pharisees (Luke 12:1).

Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Are we not like those
people crowding together,
already trampling just to hear you
speak, Jesus?
Give us the wisdom,
awaken us from our glorification of
everything that is crass and low,
giving only emphasis on the body
forgetting about the soul,
its dignity and value
along with virtues:
"I tell you,
 my friends,
do not be afraid of those
who kill the body
but after that can do no more"
(Luke 12:4).
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Let us see St. Paul's
alternative vision for the world
in which God's plan is to restore
all things in you, Christ;
let us see more the love and 
mercy you have lavished upon us
when you suffered and died 
on the Cross to save us,
rising from the dead on the third day
to reconcile us to the Father 
and with everyone;
how consoling that we are
not our own,
that despite the chaos 
and darkness all over us these days,
"In Christ we were also chosen,
destined in accord with purpose of
the one who accomplishes all things
according to the intention of his will...
were sealed with the Holy Spirit"
(Ephesians 1:11, 13).
How lovely are
these words, Lord!
May we be like St. Paul
in proclaiming to this sick and dark world
that there is an alternative, 
better vision of the world 
from the Father
in Christ Jesus.
Give us the courage to work on this,
to cooperate with your grace in
showing the world 
life is so beautiful!
Amen.

WALANG KAHIHIYAN

 187,578 total reads

Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan.

Sinasabi sa Philippians 2: 6-7, “Who, being in very nature[a] God, did not consider equality with God something to be used to his own advantage; rather, he made himself nothing by taking the very nature of a servant, being made in human likeness.

Iginiit din ng yumaong Pope Francis na ang “Compassion is the language of God. Let us learn to live with kindness, to love everyone, even when they do not love us.”

Sinususugan naman ni dating South African President Nelson Mandela na “Our human compassion binds us the one to the other — not in pity or patronizingly, but as human beings who have learnt how to turn our common suffering into hope for the future.”

Mayroong kasabihan na “A leader chooses compassion without weakness, correct without cruelty, build people up”.

Pero Kapanalig, tila wala ang katangiang ito sa mga kasalukuyang lider ng bansa, walang natututo sa mga ating pulitiko, walang accountability sa ating mga lider, walang malasakit sa ating bayan.,walang malasakit sa ating mga Pilipino.

Sa ating bansa, ang pera ng bayan…ang pondo ng taumbayan mula sa kanilang pinaghihirapang pagbabayad ng buwis, ay mistulang pag-aari na ng ating mga hinalal na lider o pulitiko. Sila na ang nagsisilbing “opera conductor”, sa bawat kumpas nila, sa bawat naiisin nila sa pera ng taumbayan ay kanilang magagawa. Ang masakit, ang mga politiko na mismo ang nagiging “account holder” ng pondo ng mamamayang Pilipino.

Sa report ng People’s Budget Coalition, “hindi na sila nahiya”, tinukoy dito ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos walang kaabog-abog na ipasa ang 7.2-trilyong pisong national budget para sa taong 2027.

Ipinagbabawal na ng korte suprema ang pork barrel, gayunman nakagawa pa rin ang mga mambabatas ng eskima, natuklasan ang parking scheme., pinalitan ito ng unprogrammed appropriations. Matapos mabunyag ang unprogrammed appropriations sa multi-bilyong pisong budget insertions sa flood control projects ng DPWH, pinalitan naman ang eskima ng “leadership fund”.

Ang tindi ng apog ng mga walanghiya sa Kongreso! Kapanalig, sa inaprubahang 7.2 trilyong pisong national budget ng House of the Representatives., na red-flag o kuwestiyunable ang 1.2-trilyong pisong unprogrammed appropriations na maaring magamit sa political patronage at korapsyon. Natukoy ang 120-bilyong pisong pondo na pang-ayuda o doleouts ng mga pulitiko., 695-bilyong pisong lump sum infrastructure na walang tinukoy na proyekto, 43-bilyong piso sa Office of the President, House of the Representatives at Senado., 112-bilyong pisong unprogrammed appropriations, at merong pang idinagdag na 84-bilyong pisong budget insertions ang House Committee on Appropriations na blangko kung saan gagamitin. Isa itong malalang paglapastangan sa pondo ng bayan.

Kapanalig, ang 1.06-trilyong pisong red-flagged budget allocations ay 15-percent ng kabuuang 7.2-trilyong pisong 2027 national budget. Nasaan ang malasakit ng mga congressman sa taumnbayan? Ang bansa ay nahaharap sa mataas na inflation, laylay na ang balikat ng taumbayan sa mataas na presyo ng langis, mataas na bayarin sa pamasahe, mahal na halaga ng mga bilihin, mahal na serbisyo publiko. Pero Kapanalig, pagdating sa pera ng taumbayan, magagaling sa pagpa-plano., magagaling sa pagkuwenta ang ating mga congressman., magagaling sila gumawa ng paraan kung paano magkapera, magaling guwama ng eskima para manakaw ang pondo ng bayan ng hindi napapawisan.

Ang mga mambabatas natin, magagaling sa kawalanghiyaan!

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 187,580 total reads

 187,580 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 258,243 total reads

 258,243 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 291,692 total reads

 291,692 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 326,992 total reads

 326,992 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 545,958 total reads

 545,958 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Oktubre 22, 2026

 315 total reads

 315 total reads Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Pablo II, papa Efeso 3, 14-21 Salmo 32,

Read More »

Miyerkules, Oktubre 21, 2026

 2,948 total reads

 2,948 total reads Kapistahan ni San Pedro Calungsod, Martir Sirak 51, 1-12 (gr. 1-8) Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8 Tayo’y ibong nakatakas nang ang bitag ay

Read More »

Martes, Oktubre 20, 2026

 4,699 total reads

 4,699 total reads Martes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 2, 12-22 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y

Read More »

Lunes, Oktubre 19, 2026

 6,197 total reads

 6,197 total reads Lunes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Juan de Brebeuf at San Isaac Jogues, mga pari

Read More »

Linggo, Oktubre 18, 2026

 7,331 total reads

 7,331 total reads Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 45, 1. 4-6 Salmo 95, 1 at 3, 4-5. 7-8. 9-10a at k Dakilang kapangyarihan

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top