MARTES, ENERO 24, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,498 total views

Paggunita kay San Francisco de Sales,
obispo at pantas ng Simbahan

Hebreo 10, 1-10
Salmo 39, 2 at 4ab. 7-8a. 10. 11

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Marcos 3, 31-35

Memorial of St. Francis de Sales, Bishop and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Hebreo 10, 1-10

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, ang Kautusan ay malabong anino lamang at hindi ganap na larawan ng mabubuting bagay na darating. Hindi ito nagpapabanal sa lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga haing inihahandog taun-taon. Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganitong mga handog, wala na sana silang aalalahanin pa tungkol sa kanilang mga kasalanan, at hindi na kailangang maghandog pa. Subalit ang mga haing ito pa nga ang taun-tao’y nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasanalan, sapagkat ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi makapapawi ng mga kasalanan.

Dahil diyan, nang si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa Diyos,
“Ang mga hain at handog na mga hayop ay hindi mo ibig,
Kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain.
Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan.
Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong kalooban’
ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.”

Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin ay mga handog dahil sa kasalanan” bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. Saka niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Kristo. At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng kanyang sarili at iyo’y sapat na.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 2 at 4ab. 7-8a. 10. 11

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ako ay naghintay sa ‘king Panginoon.
At dininig niya ang aking pagtaghoy;
tinuruan niya ako pagkatapos
ng bagong awiting pampuri sa Diyos.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang mga panghandog, pati mga hain,
at mga hayop na handang sunugin
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang pagliligtas mo’y aking inihayag
saanman magtipon ang ‘yong mga anak;
di ako titigil ng pagpapahayag.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang pagliligtas mo’y ipinagsasabi,
di ko inilihim sa aking sarili;
pati pagtulong mo’t pag-ibig na tapat,
sa mga lingkod mo’y isinisiwalat.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 3, 31-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus. Sila’y nasa labas ng bahay at ipinatawag siya. Noon nama’y maraming taong nakaupo sa palibot ni Hesus, at may nagsabi sa kanya, “Nariyan po sa labas ang inyong ina at mga kapatid; ipinatatawag kayo.” “Sino ang aking ina at mga kapatid?” ani Hesus. Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot niya at nagwika: “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang tumatalima sa kalooban ng Diyos; ay siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Ang mensahe ng kaligtasan ni Jesus at ng kanyang buhay ay ating pamantayan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo sa ating Diyos Ama upang tumalima at mamuhay tayo sa kanyang mga aral.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin Mo kaming mga lingkod ng Iyong kalooban.

Ang Simbahan nawa’y mamuhay sa diwa ng Ebanghelyo at laging hanapin ang kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating pananampalataya nawa’y mapalalim natin sa pamamagitan ng ating paglilingkod sa mga dukha, may kapansanan, at mga mahihina, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y maging mga tunay na miyembro ng pamilya ng Diyos sa pagiging tapat sa kalooban ng Amang nasa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos nawa’y gawin nating buhay sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito sa lahat ng pagkakataon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y makatanggap ng walang hanggang liwanag at walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, gawin mo kaming karapat-dapat na maging bahagi ng iyong pamilya sa pamamagitan ng aming buhay pananampalataya na ipinahayag ng aming mabubuting gawain. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 14,288 total views

 14,288 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 36,293 total views

 36,293 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 60,635 total views

 60,635 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 84,603 total views

 84,603 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 119,345 total views

 119,345 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Mayo 3, 2026

 190 total views

 190 total views Ika-5 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y

Read More »

Sabado, Mayo 2, 2026

 190 total views

 190 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas.

Read More »

Biyernes, Mayo 1, 2026

 4,260 total views

 4,260 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa

Read More »

Huwebes, Abril 30, 2026

 6,856 total views

 6,856 total views Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 13, 13-25 Salmo 88, 2-3.

Read More »

Miyerkules, Abril 29, 2026

 8,262 total views

 8,262 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top