Martes, Hunyo 30, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,723 total reads

Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita sa Mga Unang Martir ng Banal na Sambayanan ng Diyos sa Roma

Amos 3, 1-8; 4, 11-12
Salmo 5, 5-6. 7. 8

Poon, ako’y pangunahan
nang landas mo’y aking sundan.

Mateo 8, 23-27

Tuesday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the First Martyrs of the Holy Roman Church (Red)

UNANG PAGBASA
Amos 3, 1-8; 4, 11-12

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos

Pakinggan ninyo, mga taga-Israel, itong sinabi ng Panginoon: “Pinatnubayan kong palabas sa Egipto ang inyong lahi. Sa lahat ng bansa sa ibabaw ng lupa, kayo lamang ang aking itinangi at inalagaan. Kaya’t parurusahan ko kayo dahil sa inyong mga kasalanan.”

Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang tao kung di muna sila magtipan?

Uungal ba ang leon sa kagubatan malibang makatagpo siya ng biktima?

Aatungal ba ang batang leon sa loob ng yungib kung wala siyang nahuling anuman?

Mabibitag ba ang isang ibon kung walang pain?

Iigkas ba ang bitag kung walang huli?

Maaari bang di sakmalin ng takot ang mga mamamayan kapag hinipan ng bantay-lungsod ang trumpeta?

Mangyayari ba sa isang lungsod ang isang kahindik-hindik na bagay malibang ito’y itulot ng Panginoon?

Tunay na ang Panginoon ay di gumagawa ng anumang bagay na di ipinababatid ang kanyang balak sa kanyang mga lingkod na mga propeta.

Pag ungal ng leon, maaari bang hindi ka matakot?

Kapag nagsalita ang Panginoon, mapipigilan mo bang ipahayag ang kanyang sinabi?

“Pinuksa ko ang ilan sa inyong lungsod tulad ng aking ginawa sa Sodoma at Gomorra. Kayo’y parang nagdiringas na kahoy na inagaw sa apoy. Ngunit ayaw pa rin kayong manumbalik sa akin,” sumbat pa ng Panginoon. “Kaya, mga taga-Israel, humanda kayo sa di mapipigil na paghuhukom ng inyong Diyos!”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 5, 5-6. 7. 8

Poon, ako’y pangunahan
nang landas mo’y aking sundan.

Ang gawang masama’y di mo kalulugdan,
ang gawaing hidwa’y di mo papayagan;
ang mga palalo’t masasamang asal,
iyong itatakwil at kasusuklaman.

Poon, ako’y pangunahan
nang landas mo’y aking sundan.

Parurusahan mo yaong sinungaling,
pati mararahas at ang mga taksil.

Poon, ako’y pangunahan
nang landas mo’y aking sundan.

Dahilan sa iyong tanging pagmamahal,
ako ay dudulog sa iyong tahanan;
sasambahin kita sa templo mong banal,
bilang isang tanda ng aking paggalang.

Poon, ako’y pangunahan
nang landas mo’y aking sundan.

ALELUYA
Salmo 129, 5

Aleluya! Aleluya!
Poon, ikaw ang pag-asa,
ang Salita mo’y ligaya,
pag-asa ko sa tuwina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 8, 23-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sumakay si Hesus sa bangka, kasama ang kanyang mga alagad. Bumugso sa lawa ang isang malakas na unos at halos matabunan ng mga alon ang bangka. Ngunit natutulog noon si Hesus. Kaya’t nilapitan siya ng mga alagad at ginising. “Panginoon, tulungan ninyo kami!” sabi nila. “Lulubog tayo!” At sinabi niya sa kanila, “Ano’t kayo’y natatakot? Napakaliit naman ng pananalig ninyo!” Bumangon siya, sinaway ang hangin at ang dagat, at tumahimik ang mga ito. Namangha silang lahat at ang sabi, “Anong tao ito? Kahit ang hangin at ang dagat ay tumatalima sa kanya!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sumusunod sa Anak ng Diyos maging ang hangin at alon. Mulat sa katotohanang ito, manalangin tayo nang may pananalig para sa katahimikan ng napakagulong mundo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ipagkaloob Mo sa amin ang Iyong kapayapaan.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga miyembro, nawa’y maging malakas sa pananampalataya higit sa lahat sa kanilang pagharap sa mga paghihirap at pagsubok sa ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglalakbay sa karagatan, ang mga mandaragat, mga mangingisda, at yaong mga taong sa dagat nagmumula ang ikinabubuhay nawa’y makadama ng kasiguruhan at kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nanghihina sa kanilang pananampalataya nawa’y mapatatag sa pamamagitan ng tulong at suporta ng kanilang mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may kapansanan at mga nagdurusa sa matagal na karamdaman nawa’y makatagpo ng kapayapaan kay Kristong may kapangyarihang magpagaling, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makadama ng walang hanggang kapayapaan kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama sa Langit, patatagin nawa kami ng mga pagsubok at suliranin ng buhay na puno ng unos, at magdulot nawa ito ng kapayapaan sa aming mga kaluluwa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Kapag ginagawang sandata ang batas

 3,809 total reads

Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila?

Noong Agosto 3, inaresto sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang isang anti-mining leader na si Florentino Daynos II dahil sa mga kasong grave threats at coercion. Ayon sa kanyang abogado, inaresto siya nang hindi man lamang nakatanggap ng subpoena. Kahit na nakapagpiyansa siya kinabukasan, nananawagan ang Council for People’s Development and Governance na ibasura ang walang basehan at mapanupil na mga kaso laban kay Daynos at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Kabilang si Daynos sa mga tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Banta kasi ang pagmimina sa mga sakahan, pinagkukunan ng tubig, biodiversity, at maging sa mga karapatan ng mga katutubo. Hindi rin daw maituturing na tunay na konsultasyon ang ginagawa ng mga mining corporations para makuha ang tinatawag na free, prior, and informed consent mula sa mga maaapektuhang komunidad.

Noong  2025, binigyan ng gobyerno ang Woggle Corporation ng permit para magsagawa ng mineral exploration sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte. Pero dahil sa matinding pagtutol ng mga residente, pansamantalang sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (o MGB) ang exploration permit noong Pebrero 2026.

Taóng 2025 din nang bigyan ng MGB at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ng exploration permit ang North Luzon Mineral Resources Corporation (o NLMRC) upang magsagawa ng paghahanap ng ginto at iba pang mineral sa mahigit 4,000 na ektarya ng lupa sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang Kasibu ay 39 na kilometro lamang mula sa Dupax del Norte, kung saan matagal nang lumalaban ang mga residente sa mga proyektong pagmimina.

Kapansin-pansin din ang sunod-sunod na paghahain ng mga kaso laban sa mga environmental defenders at iba pang tumututol sa mga mining projects sa Nueva Vizcaya. Naghain ang NLMRC ng cyberlibel complaint laban sa residenteng si Lei Jin Dugay dahil sa isang social media post. Kinasuhan din ng kompanya ang mga abogado ng komunidad na sina Atty. Edgardo Balgos at Atty. Fidel Santos. Maging sina Bishop Jose Elmer Mangalinao at Fr. Christian Dumangeng, na nakiisa sa isang mapayapang community barricade, ay dati ring kinasuhan ng forcible entry. Halimbawa ang mga ito kung paano ginagamit ang batas sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso para takutin at patahimikin ang mga kritiko ng pagmimina.

Tinatawag ng mga human rights at legal groups ang ganitong taktika na Strategic Lawsuits Against Public Participation (o SLAPP). Ito ay mga kasong inihahain hindi para makamit ang hustisya, kundi para takutin, pagastusin, at patahimikin ang mga nagsasalita laban sa mga makapangyarihang interes. Ayon sa Human Rights Watch, dapat ibasura ng mga piskal ang ganitong mga reklamo na ginagamit lamang ng mga kompanya para itikom ng mga tao ang kanilang bibig.

Hindi maihihiwalay ang karapatang pantao sa pangangalaga sa kalikasan. Paalala ni Pope Francis na ang tao ay bahagi ng sangnilikha at hindi maaaring iwalay ang dignidad ng tao sa kalagayan ng kapaligiran Kapag nasisira ang kagubatan, mga ilog, at kabundukan, naaapektuhan din ang kabuhayan, kalusugan, at kinabukasan ng mga taong umaasa sa mga ito. Kaya’t ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol din sa buhay at karapatan ng tao.

Mga Kapanalig, hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan. Lalong hindi dapat gamitin ang batas para patahimikin ang mga taong mapayapang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Paalala nga ng Kawikaan 17:15: “Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.” Nawa’y manatiling instrumento ng katarungan ang ating mga batas—hindi sandata laban sa mga taong matapang na ipinaglalaban ang tama at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Praying to be a cheerful giver

 4,341 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 4,187 total reads

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 3,810 total reads

 3,810 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 41,799 total reads

 41,799 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 95,637 total reads

 95,637 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 159,114 total reads

 159,114 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 226,898 total reads

 226,898 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Agosto 13, 2026

 560 total reads

 560 total reads Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir Ezekiel 12, 1-12

Read More »

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 2,189 total reads

 2,189 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 4,014 total reads

 4,014 total reads Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 6,066 total reads

 6,066 total reads Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 6,854 total reads

 6,854 total reads Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top