Miyerkules, Hulyo 1, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,493 total reads

Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Amos 5, 14-15. 21-24
Salmo 49, 7. 8-9. 10-11. 12-13. 16bk-17

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Mateo 8, 28-34

Wednesday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Amos 5, 14-15. 21-24

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos

“Gawin ninyo ang matuwid, huwag ang liko, upang kayo’y mabuhay. Sa gayun, sasainyo ang Panginoon, ang Diyos na Makapangyarihan, tulad ng sinasabi ninyo. Kamuhian ninyo ang masama, ibigin ang mabuti, at pairalin sa mga hukuman ang katarungan. Baka sakaling kahabagan ng Panginoon ang matitirang buhay sa bansang ito.

“Namumuhi ako sa inyong mga piging, hindi ako nalulugod sa inyong mga pagdiriwang. Hindi ko matatanggap ang inyong mga handog ng pasasalamat. Tigilan na ninyo ang magugulong awitan; ayokong marinig ang inyong mga tugtugan. Sa halip ay pairalin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog na umaagos nang patuloy.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 49, 7. 8-9. 10-11. 12-13. 16bk-17

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Kayong aking mga lingkod, makinig sa sasabihin;
Ako ay Diyos, ang inyong Diyos, salita ko’y unawain;
Ako’y mayroong patotoo’t saksi laban sa Israel.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog.
ni sa inyong mga haing sa dambana’y sumusunog,
bagaman ang mga toro’y hindi ko na kailangan,
maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Pagkat akin iyang hayop sa gitna ng kagubatan,
maging bakang naglipana sa maraming kaburulan.
Akin din ang mga ibong lumilipad sa itaas,
at ang lahat na may buhay sa parang ay aking lahat.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Kung ako ma’y nagugutom, hindi ko na sasabihin,
yamang lahat sa daigdig na narito’y pawang akin.
Ang karne ng mga toro, iyon ba’y aking pagkain?
At iyon bang inumin ko ay dugo ng mga kambing?

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos?
At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod?
Pag kayo ay tinutuwid agad kayong napopoot,
at ni ayaw na tanggapin yaong aking mga utos.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

ALELUYA
Santiago 1, 18

Aleluya! Aleluya!
Magulang nati’y Diyos Ama,
anak ng salita niya
tayong mga aning una.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 8, 28-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang dumating si Hesus sa ibayo, sa lupain ng mga Gadenero, sinalubong siya ng dalawang lalaking galing sa libingan. Sila’y inaalihan ng mga demonyo at napakababangis kaya’t walang mangahas dumaan doon. Pagdaka’y sumigaw sila: “Ano ang pakialam mo sa amin, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang pahirapan kami nang hindi pa panahon?” Sa di kalayuan ay may malaking kawan ng baboy na nanginginain. At namanhik sa kanya ang mga demonyo, “Kung kami’y palalayasin mo, bayaan mo kaming pumasok sa mga baboy na iyon.” Sinabi ni Hesus, “Humayo kayo.” Kaya’t lumabas sila sa dalawang lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ay biglang sumibad ng takbo tungo sa bangin, nahulog sa lawa, at nalunod.

Patakbong umuwi ng bayan ang mga tagapag-alaga ng kawan at pagdating doon ay ipinamalita ang lahat ng bagay, pati ang nangyari sa mga inalihan ng demonyo. Kaya’t lumabas ang buong bayan upang salubungin si Hesus. Pagkakita sa kanya, ipinamanhik nilang siya’y umalis sa kanilang lupain.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerukles

Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, nagsasalita si Kristo nang may walang hanggang kapangyarihan at kumikilos nang may kapangyarihang nagpapagaling. Sa pamamagitan niya, manalangin tayo nang may pananalig.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Ama, iunat mo sa amin ang iyong kamay.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga pastol, nawa’y maging tunay na lingkod ng pagpapagaling at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y hindi madaig ng tukso ng kapangyarihan at kayamanan bagkus makita nila ang kasamaan ng korapsyon sa pamumuno, manalangin tayo sa Panginooon.

Ang maruming espiritu na nagkalat sa ating lipunan nawa’y mabuwag ng kalinisan at paggalang sa dangal ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y makita at madama ang mapagpagaling na presensya ng Diyos sa pamamagitan ng mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y masiyahan sa bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, dinadala namin sa iyo ang aming mga pangangailangan at may pananalig na nagdarasal kami sa iyong tulong upang makalaya kami sa impluwensya ng kasamaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Kapag ginagawang sandata ang batas

 4,295 total reads

Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila?

Noong Agosto 3, inaresto sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang isang anti-mining leader na si Florentino Daynos II dahil sa mga kasong grave threats at coercion. Ayon sa kanyang abogado, inaresto siya nang hindi man lamang nakatanggap ng subpoena. Kahit na nakapagpiyansa siya kinabukasan, nananawagan ang Council for People’s Development and Governance na ibasura ang walang basehan at mapanupil na mga kaso laban kay Daynos at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Kabilang si Daynos sa mga tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Banta kasi ang pagmimina sa mga sakahan, pinagkukunan ng tubig, biodiversity, at maging sa mga karapatan ng mga katutubo. Hindi rin daw maituturing na tunay na konsultasyon ang ginagawa ng mga mining corporations para makuha ang tinatawag na free, prior, and informed consent mula sa mga maaapektuhang komunidad.

Noong  2025, binigyan ng gobyerno ang Woggle Corporation ng permit para magsagawa ng mineral exploration sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte. Pero dahil sa matinding pagtutol ng mga residente, pansamantalang sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (o MGB) ang exploration permit noong Pebrero 2026.

Taóng 2025 din nang bigyan ng MGB at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ng exploration permit ang North Luzon Mineral Resources Corporation (o NLMRC) upang magsagawa ng paghahanap ng ginto at iba pang mineral sa mahigit 4,000 na ektarya ng lupa sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang Kasibu ay 39 na kilometro lamang mula sa Dupax del Norte, kung saan matagal nang lumalaban ang mga residente sa mga proyektong pagmimina.

Kapansin-pansin din ang sunod-sunod na paghahain ng mga kaso laban sa mga environmental defenders at iba pang tumututol sa mga mining projects sa Nueva Vizcaya. Naghain ang NLMRC ng cyberlibel complaint laban sa residenteng si Lei Jin Dugay dahil sa isang social media post. Kinasuhan din ng kompanya ang mga abogado ng komunidad na sina Atty. Edgardo Balgos at Atty. Fidel Santos. Maging sina Bishop Jose Elmer Mangalinao at Fr. Christian Dumangeng, na nakiisa sa isang mapayapang community barricade, ay dati ring kinasuhan ng forcible entry. Halimbawa ang mga ito kung paano ginagamit ang batas sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso para takutin at patahimikin ang mga kritiko ng pagmimina.

Tinatawag ng mga human rights at legal groups ang ganitong taktika na Strategic Lawsuits Against Public Participation (o SLAPP). Ito ay mga kasong inihahain hindi para makamit ang hustisya, kundi para takutin, pagastusin, at patahimikin ang mga nagsasalita laban sa mga makapangyarihang interes. Ayon sa Human Rights Watch, dapat ibasura ng mga piskal ang ganitong mga reklamo na ginagamit lamang ng mga kompanya para itikom ng mga tao ang kanilang bibig.

Hindi maihihiwalay ang karapatang pantao sa pangangalaga sa kalikasan. Paalala ni Pope Francis na ang tao ay bahagi ng sangnilikha at hindi maaaring iwalay ang dignidad ng tao sa kalagayan ng kapaligiran Kapag nasisira ang kagubatan, mga ilog, at kabundukan, naaapektuhan din ang kabuhayan, kalusugan, at kinabukasan ng mga taong umaasa sa mga ito. Kaya’t ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol din sa buhay at karapatan ng tao.

Mga Kapanalig, hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan. Lalong hindi dapat gamitin ang batas para patahimikin ang mga taong mapayapang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Paalala nga ng Kawikaan 17:15: “Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.” Nawa’y manatiling instrumento ng katarungan ang ating mga batas—hindi sandata laban sa mga taong matapang na ipinaglalaban ang tama at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Praying to be a cheerful giver

 4,409 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 4,256 total reads

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 4,296 total reads

 4,296 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 42,237 total reads

 42,237 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 96,075 total reads

 96,075 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 159,524 total reads

 159,524 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 227,306 total reads

 227,306 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Agosto 13, 2026

 591 total reads

 591 total reads Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir Ezekiel 12, 1-12

Read More »

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 2,220 total reads

 2,220 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 4,045 total reads

 4,045 total reads Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 6,089 total reads

 6,089 total reads Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 6,877 total reads

 6,877 total reads Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top