MARTES, MAYO 9, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,110 total views

Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 14, 19-28
Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21

Talastas ng mga tao,
dakilang paghahari mo.

Juan 14, 27-31a

Tuesday of Fifth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 14, 19-28

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, may mga Judiong dumating doon mula sa Antioquia at Iconio. Sinulsulan nila ang mga tao laban kay Pablo at kanilang binato siya. Pagkatapos, kinaladkad siya sa labas ng bayan, sa pag-aakalang patay na. Subalit nang paligiran siya ng mga alagad, nagtindig si Pablo at pumasok sa lungsod. Kinabukasan, nagtungo sila ni Bernabe sa Derbe.

Ipinangaral nina Pablo at Bernabe ang Mabuting Balita sa Derbe, at marami silang nahikayat na maging alagad. Pagkatapos, nagbalik sila sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia ng Pisidia. Pinatatag nila ang kalooban ng mga alagad at pinagpayuhan na manatiling tapat sa pananampalataya. “Magdaranas muna tayo ng maraming kapighatian bago makapasok sa kaharian ng Diyos,” turo nila sa kanila. Sa bawat simbahan, humirang sila ng matatandang mamamahala, at matapos manalangin at mag-ayuno, ang mga ito’y itinagubilin nila sa Panginoon na kanilang pinananaligan.

Tinahak nila ang Pisidia, at nakarating ng Panfilia. Ipinangaral nila sa Perga ang salita ng Diyos, at pagkatapos ay bumaba sila sa Atalia. Mula roon, naglayag silang pabalik sa Antioquia. Dito sila nagsimula ng gawaing ginanap nila matapos silang itagubilin sa pagkalinga ng Diyos.

Pagdating doon, tinipon nila ang mga kaanib ng simbahan at isinalaysay ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at kung paanong binuksan niya ang daan upang makapanampalataya ang mga Hentil. At mahabang panahon silang nanatili roon, kasama ng mga alagad.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

o kaya: Aleluya!

Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Aking pupurihin ang Diyos na Panginoon, di ko tutugutan
sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

ALELUYA
Lucas 24, 46. 26

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo’y laang magtiis
nang tagumpay ay makamit
at sumaatin ang langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 14, 27-31a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot. Sinabi ko na sa inyo, ‘Ako’y aalis, ngunit babalik ako.’ Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat dakila ang Ama kaysa sa akin. Sinasabi ko na ito sa inyo bago pa mangyari upang, kung mangyari na, kayo’y manalig sa akin. Hindi na ako pakahahaba ng pagsasalita sa inyo, sapagkat dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin, subalit dapat makilala ng sanlibutan na iniibig ko ang Ama at ang ginagawa ko’y ang iniutos niya sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes

Ang pinakadakilang handog sa atin ng ating Panginoong Muling Nabuhay ay ang kapayapaang hindi maibibigay ng mundo. Sa ngalan niya, hingin natin sa Ama ang lahat ng ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ipagkaloob Mo sa amin ang iyong kapayapaan.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magsikap na itaguyod ang lahat ng tao tungo sa pagkakaunawaan, pagtutulungan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mamamayan ng lahat ng bansa nawa’y magtaguyod ng katarungan at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naliligalig, natatakot, at nababagabag nawa’y makatagpo ng tunay na kapayapaan at kaligayahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga tahanan at lugar ng hanapbuhay nawa’y maghari ang kapayapaan at pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamasa ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaang kailangan namin. Tulungan mo kaming makipagkasundo sa aming mga sarili, sa aming kapwa, at higit sa lahat sa aming mga kaaway. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 40,259 total views

 40,259 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 40,259 total views

 40,259 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 40,259 total views

 40,259 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 38,950 total views

 38,950 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 35,515 total views

 35,515 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Marso 7, 2026

 2,231 total views

 2,231 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 6, 2026

 2,231 total views

 2,231 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 5, 2026

 2,231 total views

 2,231 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 4, 2026

 921 total views

 921 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y

Read More »

Martes, Marso 3, 2026

 921 total views

 921 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top