MARTES, NOBYEMBRE 28, 2023

SHARE THE TRUTH

 6,761 total views

Martes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Daniel 2, 31-45
Daniel 3, 57. 58. 59. 60. 61

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Lucas 21, 5-11

Tuesday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Daniel 2, 31-45

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Daniel kay Nabucodonosor, “Mahal na hari, ang napanaginip ninyo ay isang malaki at nakasisilaw na rebulto. Nakatayo ito sa harap ninyo at nakatatakot tingnan. Ang ulo nito ay dalisay na ginto, pilak ang dibdib at mga bisig, tanso ang tiyan at mga hita. Ang mga binti at ang mga paa ay bakal at luwad. Habang ito’y tinitingnan ninyo, may batong natipak sa bundok. Bumagsak sa mga paa ng rebulto at nadurog ang mga paa. Pagkatapos, nadurog ding lahat ang bakal, luwad, tanso, pilak, at ginto; anupat naging parang ipa. Tinangay ito ng hangin at walang naiwan kahit bakas. Samantala, ang tipak ng batong bumagsak dito ay naging isang napakalaking bundok na pumuno sa buong daigdig.

“Mahal na hari, iyan po ang inyong panaginip, at narito naman ang kahulugan. Kayo ay pinagkalooban ng Diyos ng kaharian, pinuspos ng kapangyarihan, kapamahalaan, at karangalan. Niloob ng Diyos na masakop ninyo ang lahat ng tao, hayop, at ibon sa lahat ng dako. Kayo ang katumbas ng ulong ginto. Ang susunod sa inyo ay ikalawang kaharian ngunit mahina kaysa sa inyo. Pagkatapos, lilitaw ang pangatlong kaharian na sinasagisag ng tanso, at sasakupin nito ang mga naunang kaharian. Ang pang-apat na kaharian ay sintigas ng bakal. Katulad ng nagagawa ng bakal, dudurugin ng kahariang ito ang buong daigdig. Ang ibig namang sabihin ng nakita ninyong mga paa na yari sa bakal at luwad ay ito: mahahati ang kaharian ngunit mananatili ang tigas ng bakal pagkat ito’y pinaghalong bakal at luwad. Ganito naman ang ibig sabihin ng mga paang yari sa pinaghalong bakal at luwad: Magiging makapangyarihan ang kaharian ngunit madaling babagsak. Ang kahulugan ng pinagsamang bakal at putik ay haluang pag-aasawa; ngunit hindi ito magtatagal kung paanong di maaaring paghaluin ang bakal at putik. Sa panahon ng mga haring yaon, ang Diyos ay magtitindig ng isang kahariang hindi maibabagsak kailanman ni masasakop ninuman. Dudurugin nito at ganap na wawasakin ang iba pang kaharian. Anupat hindi na makababangon ang mga iyon kahit kailan. Ang katulad nito’y yaong tipak ng batong dumurog sa rebultong yari sa bakal, luwad, tanso, pilak, at ginto. Mahal na hari, ang mangyayari sa hinaharap ay ipinaaalam na sa inyo ng dakilang Diyos. Iyan po ang inyong panaginip at ang kanyang kahulugan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 57. 58. 59. 60. 61

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilikha,
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat, mga anghel ng Panginoon;
awitin siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat, mga kalangitan;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat, mga tubig sa ibabaw ng langit;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na bumubuo ng kanyang hukbo;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

ALELUYA
Pahayag 2, 10k

Aleluya! Aleluya!
Manatili kang matapat
hanggang iyong kamatayan
pagkat buhay, aking bigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 5-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pinag-uusapan ng ilang tao ang templo – ang kahanga-hangang mga bato na ginamit dito at ang mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Darating ang panahong lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, walang batong ititira sa ibabaw ng kapwa bato.”

Tinanong nila si Hesus, “Guro, kailan po ito mangyayari? At ano ang magiging palatandaan na ito’y magaganap na?”

Sumagot siya, “Mag-ingat kayo at nang hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na magsasabi, ‘Ako ang Mesias!’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. Huwag kayong mabagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi darating karaka-raka ang wakas.” At sinabi pa niya, “Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sama-samang natitipon bilang Bayan ng Diyos, may pananalig nating dalhin ang ating mga pangangailangan sa Ama, umaasang ipagkakaloob niya ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, umaasa kami sa Iyo.

Ang ating mga pastol nawa’y ganap na maiukol ang kanilang buhay sa pagpapahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsaksi nila dito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at mga guro nawa’y maging mga buhay na halimbawa ng pananampalataya sa mga taong nasa ilalim ng kanilang pagkalinga, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magsumikap na gawin kung ano ang tama at ang Salita ng Diyos ang maging buhay na pwersa na gumagabay sa ating pagkilos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magmalasakit sa mga matatanda, mga nalulumbay, at mga maysakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapahingahan at bagong buhay sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, palalimin mo ang aming pananampalataya upang umunlad kami sa iyong pag-ibig at tuwinang maglingkod sa iyo nang may bukas-palad at tapat na puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 20,816 total views

 20,816 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Pwedeng taumbayan naman?

 34,651 total views

 34,651 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 69,876 total views

 69,876 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »

Proteksyon para sa mga gig workers

 115,751 total views

 115,751 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »

Online work at kababaihan

 116,787 total views

 116,787 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »

Watch Live

Related Story

SABADO, PEBRERO 24, 2024

 759 total views

 759 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 23, 2024

 1,702 total views

 1,702 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

 2,049 total views

 2,049 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 21, 2024

 2,045 total views

 2,045 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Lucas 11, 29-32 Wednesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jonas 3, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas Sinabi uli ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta

Read More »

MARTES, PEBRERO 20, 2024

 2,028 total views

 2,028 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan. Mateo 6, 7-15 Tuesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 55, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Ang ulan at

Read More »

LUNES, PEBRERO 19, 2024

 1,555 total views

 1,555 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Mateo 25, 31-46 Monday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Levitico 19, 1-2. 11-18 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin

Read More »

LINGGO, PEBRERO 18, 2024

 956 total views

 956 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 9, 8-15 Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, iyong minamahal ang tapat sa iyong tipan. 1 Pedro 3, 18-22 Marcos 1, 12-15 First Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 9, 8-15 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Ito ang

Read More »

SABADO, PEBRERO 17, 2024

 743 total views

 743 total views Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 9b-14 Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6 Ituro mo ang ‘yong loob nang matapat kong masunod. Lucas 5, 27-32 Saturday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 9b-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Kung titigilan ninyo ang pang-aalipin at pagsuway sa

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 16, 2024

 731 total views

 731 total views Biyernes kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 1-9a Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Mateo 9, 14-15 Friday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 1-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas, ang sala ng

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 15, 2024

 7,503 total views

 7,503 total views Huwebes kasunod ng Miyerkules ng Abo Deuteronomio 30, 15-20 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 9, 22-25 Thursday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 30, 15-20 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao, “Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 14, 2024

 8,003 total views

 8,003 total views Miyerkules ng Abo Joel 2, 12-18 Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17 Poon, iyong kaawaan kaming sa ‘yo’y nagsisuway. 2 Corinto 5, 20 – 6, 2 Mateo 6, 1-6. 16-18 Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Joel 2, 12-18 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel Sinasabi ngayon ng Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi

Read More »

MARTES, PEBRERO 13, 2024

 9,285 total views

 9,285 total views Martes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Santiago 1, 12-18 Salmo 93, 12-13a. 14-15. 18-19 Mapalad ang tumatanggap ng aral ng Poong tapat. Marcos 8, 14-21 Tuesday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Santiago 1, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago Mapalad ang taong nananatiling tapat,

Read More »

LUNES, PEBRERO 12, 2024

 10,093 total views

 10,093 total views Lunes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Santiago 1, 1-11 Salmo 118, 67. 68. 71. 72. 75. 76 Poon, ako’y kahabagan upang mabuhay kailanman. Marcos 8, 11-13 Monday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Santiago 1, 1-11 Ang simula ng sulat ni Apostol Santiago Mula kay Santiago, alipin

Read More »

LINGGO, PEBRERO 11, 2024

 11,182 total views

 11,182 total views Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Levitico 13, 1-2. 44-46 Salmo 31, 1-2. 5. 11 Sa ‘yong tulong at pagtubos ako’y binigyan mong lugod. 1 Corinto 10, 31 – 11, 1 Marcos 1, 40-45 Sixth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Levitico 13, 1-2. 44-46 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi

Read More »

SABADO, PEBRERO 10, 2024

 8,019 total views

 8,019 total views Paggunita kay Santa Escolastica, dalaga 1 Hari 12, 26-32; 13, 33-34 Salmo 105, 6-7a. 19-20. 21-22 Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain. Marcos 8, 1-10 Memorial of St. Scholastica, Virgin (White) Mga Pagbasa mula sa Sabado ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA 1 Hari 12, 26-32; 13, 33-34 Pagbasa mula sa

Read More »
Scroll to Top