MIYERKULES, ABRIL 5, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,931 total views

Miyerkules Santo

Isaias 50, 4-9a
Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Mateo 26, 14-25

Wednesday of Holy Week (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 50, 4-9a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ang Makapangyarihang Panginoon,
ang nagturo sa akin ng sasabihin ko,
para tulungan ang mahihina.
Tuwing umaga’y
nananabik akong malaman
kung ano ang ituturo niya sa akin.
Binigyan niya ako ng pang-unawa,
hindi ako naghimagsik ni tumalikod sa kanya.
Hindi ako tumutol
nang bugbugin nila ako,
hindi ako kumibo
nang ako’y kanilang insultuhin.
Pinabayaan ko silang bunutin
ang buhok ko’t balbas,
gayun din nang lurhan nila ako sa mukha.
Ang mga pagdustang ginawa nila’y
di ko pinapansin,
pagkat ang Makapangyarihang Panginoon,
ang tumutulong sa akin.
Handa akong magtiis
pagkat aking batid
na ang sarili ko’y di mapapahiya.
Ang Diyos ay malapit
at siya ang magpapatunay na wala akong sala.
May mangangahas bang maghabla sa akin?
Magharap kami sa hukuman,
at ilahad ang kanyang bintang.
Ang Panginoon mismo ang magtatanggol sa akin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

“Dahilan sa iyo, ako’y inaglahi,
napahiyang lubos sa pagkaunsiyami.
Sa mga kapatid parang ako’y iba,
kasambahay ko na’y di ako kilala.
Ang pagmamahal ko sa banal mong templo,
matinding-matindi sa kalooban ko;
sa akin bumagsak, paghamak sa iyo.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Kaya naman ako’y wala nang magawa;
ang inasahan kong habag ay nawala,
ni walang umaliw sa buhay kong aba.
Sa halip na pagkain, nang ako’y magutom,
ang dulot sa aki’y mabagsik na lason.
Suka at di tubig ang ipinainom.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Pupurihin ang Diyos, aking aawitan,
dadakilain ko’t pasasalamatan.
Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
lingkod na bilanggo’y di nalilimutan.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

Nagpupuri kami sa ‘yo,
Hari naming Hesukristo,
ang pagdamay mo sa tao
ay talagang patotoo
na kami’y minamahal mo.

o kaya:

Nagpupuri kami sa ‘yo,
Hari naming Hesukristo,
masunurin kang Kordero,
sa katubusan ng tao
hain sa krus ang buhay mo.

MABUTING BALITA
Mateo 26, 14-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong saserdote. “Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Hesus?” tanong niya. Noon din ay binilangan nila siya ng tatlumpung salaping pilak. Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Hesus.

Dumating ang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura. Lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?” Sumagot siya, “Pumunta kayo sa lungsod at hanapin ninyo ang taong ito. Sabihin sa kanyang ganito ang ipinasasabi ng Guro: ‘Malapit na ang aking oras. Ako at ang mga alagad ko’y sa bahay mo kakain ng Hapunang Pampaskuwa.’” Sinunod ng mga alagad ang utos ni Hesus, at inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.

Nang gabing yaon, dumulog sa hapag si Hesus, kasama ang labindalawang alagad. Samantalang sila’y kumakain, nangusap si Hesus, “Sinasabi ko: isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.” Nanlumo ang mga alagad, at isa’t isa’y nagtanong sa kanya, “Ako po ba, Panginoon?” Sumagot siya, “Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na ipinanganak ang taong iyon.” Si Judas, na magkakanulo sa kanya, ay nagtanong din, “Guro, ako po ba?” Sumagot si Hesus, “Ikaw na ang nagsabi.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Miyerkules Santo

Habang nalalapit tayo sa Biyernes Santo, taglay ang pagtitiwala sa ating mapagmahal na Diyos, alalahanin natin ang mapanligtas na gawain ni Kristo na kanyang Lingkod.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, basbasan Mo kami sa dugo ni Kristo.

Ang mga nagdaranas ng hindi makatarungang pagdurusa nawa’y magtamasa ng pagpapaginhawa ng Panginoon sa pamamagitan ng kanilang malinis na budhi, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga sariling pagdurusa nawa’y magpalago ng ating pananampalataya sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kasama natin na nagpapaliban ng kanilang pangungumpisal bunga ng pagmamalaki, takot o katamaran, nawa’y maging bukas ang isip sa pangangailangan sa kapatawaran ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at lahat ng nagdurusa nawa’y makaranas ng nakapagpapagaling na presensya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makabahagi sa Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, ibinigay mo sa amin ang halimbawa ng iyong Anak upang ipakita sa amin kung paano mabuhay at mamatay. Nawa ay pagkalooban mo kami ng pananampalatayang kailangan namin upang makasunod sa kanya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kultura ng pagpapanagot

 7,494 total views

 7,494 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 19,918 total views

 19,918 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Farm lots

 35,353 total views

 35,353 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 36,593 total views

 36,593 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 46,606 total views

 46,606 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Watch Live

Related Story

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 11 total views

 11 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »

HUWEBES, ABRIL 25, 2024

 832 total views

 832 total views Kapistahan ni San Marcos, Manunulat ng Mabuting Balita 1 Pedro 5, 5b-14 Salmo 88, 2-3. 6-7. 16-17 Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin. Marcos 16, 15-20 Feast of Saint Mark, evangelist (Red) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 5b-14 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, magpakababa kayong lahat

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 24, 2024

 505 total views

 505 total views Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8 Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao. Juan 12, 44-50 Wednesday of the Fourth Week of Easter (White) or Optional

Read More »

MARTES, ABRIL 23, 2024

 541 total views

 541 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Adalberto, obispo at martir o kaya Paggunita kay San Jorge, martir Mga Gawa 11, 19-26 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Purihin ng tanang bansa ang Panginoong Dakila. Juan 10, 22-30 Tuesday of the Fourth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St.

Read More »

LUNES, ABRIL 22, 2024

 3,178 total views

 3,178 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 11, 1-18 Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan ang Diyos na nabubuhay. Juan 10, 1-10 Monday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 11, 1-18 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga

Read More »

LINGGO, ABRIL 21, 2024

 2,878 total views

 2,878 total views Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 4, 8-12 Salmo 117, 1 at 8-9. 21-23. 26 at 28kd at 29 Batong dating tinanggiha’y siya pang naging saligan. 1 Juan 3, 1-2 Juan 10, 11-18 Fourth Sunday of Easter (White) Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations UNANG PAGBASA

Read More »

SABADO, ABRIL 20, 2024

 4,321 total views

 4,321 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 31-42 Salmo 115, 12-13. 14-15. 16-17 Sa lahat ng ‘yong kaloob ano’ng aking ihahandog? Juan 6, 60-69 Saturday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 31-42 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, ABRIL 19, 2024

 5,272 total views

 5,272 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 6, 52-59 Friday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 1-20 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, masidhi

Read More »

HUWEBES, ABRIL 18, 2024

 5,959 total views

 5,959 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 44-51 Thursday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 26-40 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, si

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 17, 2024

 5,117 total views

 5,117 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 35-40 Wednesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 1b-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Nagsimula nang araw na iyon ang

Read More »

MARTES, ABRIL 16, 2024

 5,439 total views

 5,439 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a. 17 at 21ab Poon, sa mga kamay mo habilin ko ang buhay ko. Juan 6, 30-35 Tuesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 7, 51 –

Read More »

LUNES, ABRIL 15, 2024

 5,660 total views

 5,660 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Juan 6, 22-29 Monday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 6, 8-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

LINGGO, ABRIL 14, 2024

 6,055 total views

 6,055 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Salmo 4, 2. 4. 7. 9 Poon, sa ‘mi’y pasikatin liwanag sa iyong piling. 1 Juan 2, 1-5a Lucas 24, 35-48 Third Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Read More »

SABADO, ABRIL 13, 2024

 6,183 total views

 6,183 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hiling. Juan 6, 16-21 Saturday of the Second Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Martin I, Pope and

Read More »

BIYERNES, ABRIL 12, 2024

 6,387 total views

 6,387 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling. Juan 6, 1-15 Friday of the Second Week of Easter (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 34-42 Pagbasa mula

Read More »
Scroll to Top