Miyerkules, Agosto 12, 2026

SHARE THE TRUTH

 5,988 total reads

Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos

Ezekiel 9, 1-7; 10, 18-22
Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6

Laganap sa sansinukob
ang kadakilaan ng D’yos.

Mateo 18, 15-20

Wednesday of the Eighteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Frances de Chantal, Religious (White)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 9, 1-7; 10, 18-22

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sumisigaw ang Panginoon, “Halikayo, mga itinalaga upang magpahirap sa lungsod. Dalhin ninyo ang inyong mga sandata.” Mula sa pintunan sa hilaga ay pumasok ang anim na taong tigi-tig-isa ng sandata. May kasama silang nakasuot ng kayong lino at may panulat sa baywang. Tumayo sila sa may altar na tanso.

Noon, ang kaningningan ng Panginoon ay lumagay sa itaas ng kerubin sa may pagpasok ng Templo. Tinawag niya ang lalaking nakadamit ng kayong lino at may panulat sa baywang. Sinabi niya rito, “Libutin mo ang lungsod ng Jerusalem at lagyan mo ng tanda sa noo ang lahat ng nagdalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa roon.” Sa iba naman ay narinig kong sinabi niya, “Sumunod kayo sa kanya at patayin ninyo ang mga tagaroon. Huwag kayong magtitira maliban sa mga may tanda sa noo. Patayin ninyong lahat ang mga tagaroon: matanda, binata, dalaga, babae at bata. Umpisahan ninyo sa santwaryo.” Inuna nga nilang patayin ang matatanda ng bayan sa harap ng bahay. Sinabi niya sa kanila, “Parumihin ninyo ang Templo at punuin ninyo ng bangkay ang patyo. Lakad na kayo!” Lumakad sila at pumatay nang pumatay sa lungsod.

Ang kaningningan ng Panginoon ay umalis sa may pagpasok ng Templo at lumagay sa may ulunan ng kerubin. Lumipad ang mga kerubin kasama ang mga gulong, at tumigil sa may pintuan ng Templo sa gawing silangan. Nasa ulunan pa rin nila ang kaningningan ng Diyos ng Israel.

Ang mga ito ay siya ring apat na nilalang na nakita ko sa may Ilog Kebar at nalaman kong sila’y mga kerubin. Sila’y tig-aapat ng mukha at tig-aapat din ng pakpak at may mga tila kamay sa ilalim ng kanilang mga pakpak. Ang mukha nila’y tulad din nang makita ko sila sa may Ilog Kebar. Kung saan gumawi yaong isa ay doon din yaong iba.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6

Laganap sa sansinukob
ang kadakilaan ng D’yos.

Dapat na magpuri ang mga alipin,
ang ngalan ng Poon ay dapat purihin.
Ang kanyang pangalan ay papurihan,
magmula ngayo’t magpakailanman.

Laganap sa sansinukob
ang kadakilaan ng D’yos.

Buhat sa silangan, hanggang sa kanluran,
ang ngalan ng Poon, pupurihing tunay.
Siya’y naghahari sa lahat ng bansa,
lampas pa sa langit ang pagkadakila.

Laganap sa sansinukob
ang kadakilaan ng D’yos.

Walang makatulad ang Panginoong Diyos,
na sa kalangitan doon naluluklok;
buhat sa itaas siya’y tumutunghay,
ang lupa at langit kanyang minamasdan.

Laganap sa sansinukob
ang kadakilaan ng D’yos.

ALELUYA
2 Corinto 5, 19

Aleluya! Aleluya!
Pinagkasundo ni Kristo
ang Diyos at mga tao;
kaya’t napatawad tayo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 15-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Kapag nakinig siya sa iyo, ang pagsasama ninyong magkapatid ay napapanauli mo sa dati at napapanumbalik mo siya sa Ama. Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo ito sa pagtitipon ng simbahan. At kung hindi pa siya makinig sa natitipong simbahan, ituring mo siyang Hentil o isang publikano.

Sinasabi ko sa inyo: anumang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at anumang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.

Sinasabi ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo rito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Sinabi ni Jesus sa atin, “Kung dito sa lupa ay may dalawa sa inyo na nagkakaisang humihingi ng anuman, gagawin ito para sa kanila ng aking Amang nasa Langit.” (Mt 18:19) Kaya manalangin tayo ngayon nang sama-sama,

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Punuin nawa kami ng iyong presensya, Panginoon.

Ang mga miyembro ng Simbahan nawa’y maging malapit ang kalooban sa isa’t isa at mamuhay sa kapayapaan at pagkakasunduan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng bansa nawa’y igalang ang karapatan ng bawat tao at iwaksi ang pag-uusig at pananakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makapagsalita ng katotohanan nang may katatagan at pagmamahal, at tanggapin ang anumang pagtatama ng iba nang may kagandahang-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, matatanda, at ang mga nakaratay na sa kanilang tahanan nawa’y makita nila ang kaginhawahan at kasiyahan sa kagandahang-loob ng mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maging malinis ang budhi at maihanda sa walang hanggang pakikiisa kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, kapiling namin ang iyong Anak, hinihiling namin na tulungan mo kaming manalig sa kabutihan ng bawat tao at maging mahinahon kami sa isa’t isa tulad ng pagiging mabuti mo sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Paghilom ng ozone layer

 26,131 total reads

Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima.

Naaalala ba ninyo noong naging mainit na usapin ang butas sa ozone layer? Ang ozone layer ay isang bahagi ng atmosphere na nagsisilbing panangga ng ating planeta laban sa matinding init at sikat ng araw.

Ipinagbawal noon ang paggamit ng mga kemikal gaya ng chlorofluorocarbons (o CFC)—na ginagamit sa refrigeration, air conditioning, at aerosol sprays—dahil sinisira nito ang ozone layer na sanhi ng pag-init ng mundo. Pero sa mga nakaraang dekada, unti-unting nabawasan ang pagtuon natin sa problemang ito. Bakit kaya?

Noong dekada ‘80, natuklasan ang lumalaking butas sa ozone layer sa ibabaw ng Antarctica o pinakatimog na bahagi ng planeta. Dahil dito, tumitindi ang pag-init ng mundo. Kaya naman, nagkasundo ang mga bansa na ipagbawal ang mga kemikal na sumisira sa ozone layer. Hindi naging mabilis ang resulta. Maraming dekada ang dumaan bago makita ang resulta ng pagbabawal sa CFC. Noong 2006, naitala ang pinakamalaking pagkasira sa ozone layer, pero hindi tumigil ang mga bansa sa pagtutulungan at lalo pang pinalakas ang kasunduang labanan ito. Noong 2016, nagsimula nang lumiit ang butas sa ozone layer. Noong nakaraang taon—apat na dekada simula noong natuklasan ang butas—sinabi ng United Nations (o UN) na “the ozone layer is healing.” Kung magpapatuloy ang pagbabawal sa CFC, tuluyang maghihilom ang ozone layer sa susunod na apat na dekada.

Isa itong tagumpay sa usapin ng klima at kapaligiran.

Gayunpaman, hindi rito nagtatapos ang pagkilos laban sa climate change. Marami pa ring ginagawa ang mga tao na kayang baliktarin ang paghilom ng ozone layer. Maaaring manumbalik nga ang ozone layer, pero patuloy na umiinit pa rin ang mundo dahil sa ibinubugang greenhouse gases mula sa pagsusunog ng fossil fuels gaya ng petrolyo. Hindi lang ito dahil sa mga sasakyan at negosyong umaasa sa langis; ang mga nagpapatuloy na giyera ay pinagmumulan din ng greenhouse gases.

Sa Pilipinas naman, kinakalbo natin ang kagubatan para gawing minahan. Pinuputol natin ang mga puno sa kalunsuran para tayuan ng mga expressways na gagamitin ng mga sasakyan. Kamakailan pa nga, sa halip na palakasin ang pampublikong transportasyon na makababawas sa greenhouse gas emissions ng bansa, hindi binigyan ng alokasyon sa panukalang badget ng administrasyong Marcos Jr sa susunod na taon ang EDSA Carousel o ang bus rapid transit system ng Metro Manila.

Balik tayo sa pagliit ng butas sa ozone layer. ‘Ika nga, malayo pa, pero malayo na. Marami na tayong nagawa, pero marami pa ang kailangang gawin.

Ngayon araw ay ang International Day for the Preservation of the Ozone Layer. Hindi na natin gaanong naririnig ang problema sa ozone layer dahil gumagana na ang mga patakarang ipinatupad upang tugunan ito. Sa gitna ng mga problema at kaguluhan sa mundo, ang paghilom ng ozone layer ay isa sa magagandang balita na nagbibigay sa atin ng pag-asa at patunay sa kapangyarihan ng pandaigdigang pagtutulungan at sama-samang pagkilos. 

Mga Kapanalig, ipinapaalala sa atin ng paghilom ng ozone layer na hindi imposibleng solusyunan ang mga hamong kinahaharap ng ating mundo. Sana’y magsilbing aral sa atin ang ipinamalas na pagkakaisa ng mundo para pangalagaan ang kabutihang panlahat o common good, isa sa mga prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan. Huwag sana tayong mawalan ng pag-asa sa patuloy na pagkilos upang makamit ang isang mundong ligtas, maunlad, at mapayapa. Alalahanin natin ang papuri sa mapayapang pagkakaisa sa Mga Awit 133:1: “Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang nagkakaisa’t laging sama-sama na magkakapatid!”

Sumainyo ang katotohanan.

Pagnanakaw sa kabataan

 70,446 total reads

Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!  

Lumabas noong isang linggo ang report ng Philippine Center for Investigative Journalism (o PCIJ) na tumukoy sa mga contractors ng mga kuwestyonableng proyekto sa mga paaralan. Marami sa kanila ay contractors din ng mga palpak o pekeng flood control projects. 

Mula 2016 hanggang 2026, nakakuha sina Curlee at Sarah Discaya ng kontratang may halagang mahigit 13 bilyong piso para sa mga imprastraktura sa mga paaralan. Sa ilalim lang ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte, nakakuha ng mga proyekto sa mga paaralan ang kanilang mga kumpanya na Alpha & Omega at St. Timothy. Batay sa records ng Department of Public Works and Highways (o DPWH), ang ahensyang inatasang magtayo ng mga silid-aralan, nakakuha ang mga Discaya ng mga kontratang nagkakahalaga ng mahigit 232 milyong piso sa Bulacan 1st District Engineering Office. Matatandaang inamin sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ni Brice Fernandez, dating engineer ng DPWH sa Bulacan, na lahat ng proyekto, kasama ang mga classrooms, sa Bulacan 1st District ay overpriced (o tinaga ang presyo) o underdesigned (o tinipid). Aniya, 30% hanggang 50% lamang ng contract cost ang talagang ginastos para sa mga proyekto. Samantala, hindi lalampas sa 10% ang napupunta umano sa kickback sa mga pulitiko. Nahiya pa silang taasan ito dahil kung mas malaki pa ang kickback, magiging delikado ang mga substandard na school buildings para gamitin ng mga estudyante at mga guro. 

Kasama rin sa listahan ng mga kontratista ng mga paaralan ang kompanya ng magkapatid at dating mga mambabatas na sina Christopher at Zaldy Co. Sa loob ng sampung taon, mahigit isang bilyong piso ang halaga ng mga kontratang nakuha nila. Karamihan sa mga proyektong nakuha nila ay matatagpuan sa probinsya ng Albay, ang balwarte ng magkapatid na pulitiko. Bagamat dati nang nakakakuha ng kontrata sa mga paaralan ang kanilang kumpanya, bumulusok ito sa itaas ng listahan ng mga school contractors sa unang bahagi ng administrasyon ni Pangulong BBM. Matatandaang naging chairperson ng House Committee on Appropriations si Zaldy Co bago tumakas at magtagô matapos pumutok ang flood control scandal

Maraming problemang kinakaharap ang sektor ng edukasyon. Nariyan ang pagkabawas ng school days dahil sa matinding pag-ulan at baha. Malaking alalahanin din ang karahasan sa mga paaralan. Heto at dumagdag pa ang nangangamoy na katiwalian sa mga gusali at silid-aralan. Ligtas nga ba ang ating mga anak sa mga paaralang may mga gusaling tinipid ng mga kontratista? Hanggang kailan magtitiis ang mga guro at estudyante sa mga siksikang silid-aralan? May napakalaking pondo naman para magpatayo ng mga classrooms pero nakagagalit na hindi ito napupunta sa dapat paggamitan.

Ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan, kinokompromiso ng katiwalian ang tungkulin ng pamahalaan. Sinisira nito ang relasyon sa pagitan ng taumbayan at ng mga namamahala, na nagdudulot ng hindi paghahatid ng mga serbisyo. Sabi nga ni Pope Francis noon, ang mahihirap ang nagbabayad sa katiwalian. Sa paglaganap ng katiwalian, ang taumbayan, lalo na ang mahihirap na umaasa sa mga serbisyo ng pamahalaan, ang nawawalan. Kung mapatutunayang may pagnanakaw sa pondo para sa mga school buildings, ang mga estudyanteng Pilipino ang nawawalan.

Mga Kapanalig, tulad ng sinasabi sa Exodo 23:8, “ang [katiwalian] ay bumubulag sa katuwiran ng tao.” Sa pamahalaan ngayon, marami ang nabubulag sa salapi, at tungkulin nating panagutin sila. Kaya huwag nating tantanan ang mga tiwali na nakinabang hindi lang sa mga flood control projects, kundi pati sa konstruksyon ng mga paaralan. Hindi lang mga silid-aralan ang kanilang ninanakaw. Ninanakaw din nila ang kinabukasan ng ating kabataan. 

Suminyo ang katotohanan. 

What goes up must first go down

 13,264 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Feast of the Exaltation of the Cross, 14 September 2026
Numbers 21:4-9  ><}}}}*>  Philippians2:6-11  ><}}}}*>  John 3:13-17
Photo by author, Basilica of Our Lady of Manaoag, Pangasinan, 09 January 2026.

Today’s celebration of the Feast of the Exaltation of the Cross started in the fourth century with the miraculous discovery of the True Cross by Helena, mother of the Emperor Constantine, on 14 September 326, while she was on a pilgrimage to Jerusalem. Being the queen Mother, she ordered through her son the emperor the building of the Church of the Holy Sepulchre that was dedicated nine years later with a portion of the True Cross placed inside it on September 13, 335. The following day, the Cross was brought outside of the church to be venerated by the clergy and the faithful.

In the year 627, during the reign of the Emperor Heraclius I of Constantinople, the Persians conquered the city of Jerusalem and removed a major part of the Cross from its sanctuary. The emperor then launched a campaign to recover the True Cross which he regarded as the new Ark of the Covenant for the new People of God.

Before embarking into war, Emperor Heraclius went to church wearing black as a sign of penance, then prostrated himself before the altar and begged God for courage. His prayer was granted as he won the war and recovered the Cross from the Persians. He brought the Cross back to Jerusalem in 641 amid great celebrations by carrying it on his shoulders. Upon reaching the gate leading to Calvary, the emperor could not go forward! Heraclius and his retinue were astonished and could not understand what had happened until the Patriarch Zachary of Jerusalem told him, “Take care, O Emperor! In truth, the imperial clothing you are wearing does not sufficiently resemble the poor and humiliated condition of Jesus carrying His cross.”

Upon hearing those words, the emperor removed his shoes and bejewelled robes, put on a poor man’s clothing and was eventually able to proceed to Calvary and replaced the Cross inside the Church of the Holy Sepulchre where a number of miracles happened during the occasion: a dead man returned to life, four paralytics were cured, ten lepers were healed, 15 blind men were given their sight, with several possessed people exorcised and many sick people totally healed!

Photo by author, inside the upper chapel of the Church of the Holy Sepulchre where the site of Crucifixion is believed to be located, May 2017.

Very notable in this story were the words of the Patriarch of Jerusalem to Emperor Heraclius: it was only after he had taken off his royal clothings and put on those of the poor was he able to carry the Cross into Jerusalem.

It is the same thing that is asked of us today: it is so easy to display the cross inside our homes and cars, or wear it as a jewelry or even as a tattoo on our skin and mean nothing at all unless we have the cross inside our hearts, our very being. More than the many signs of the cross and imaginary drawing of its lines we draw on our chest is the need for us to empty ourselves of our pride and sins so that we can be filled by Jesus Christ.

Photo by author, Chapel of St. Francis Xavier, Sacred Heart Novitiate, QC, March 2024.

Brothers and sisters: Christ Jesus, though he was in the form of God, did not regard equality with God something to be grasped. Rather, he emptied himself, taking the form of a slave, coming in human likeness; and found human in appearance, he humbled himself, becoming obedient to death, even death on a cross (Philippians 2:6-8).

Called kenosis in Greek, self-emptying is the way of the Cross of Christ. It is choosing love and mercy than self-centeredness and self-righteousness; sacrifice than satisfaction; fairness and justice than greed and possession; bearing all the pains and perseverance than complaining and whining about difficulties and trials in life like the Israelites in the wilderness (first reading); and, thinking more of others than of one’s self.

The recent COVID-19 pandemic had taught something very beautiful and amazing about the positivity of being negative, when negative was actually positive – healthy and COVID free! Remember how during those days when we would always wish we would yield negative results in our swab tests for COVID?

When we look at the sign of the cross (+), it is a positive sign, a plus sign. Though the cross calls us to let go, to be detached and dispossessed, it is actually an invitation to have more of God, of life and fulfillment!

For us to rise, to go up, we must first go down that is contrary to the ways of this time of affluence when everything is practically easily available even fame and wealth. Today’s feast reminds us that like the Cross of Christ, life is more of letting go and of giving than of having like God who “so loved the world that he gave his only Son, so that he who believes in him might not perish but might have eternal life” (Jn.3:16). St. Francis of Assisi said it perfectly why the Cross is an exaltation, a triumph:

For it is in giving that we receive,
it is in pardoning that we are pardoned,
and it is in dying that we are born to eternal life.

Amen. Have blessed week ahead!

Photo by author, St. Paul Spiritual & Renewal Center, Alfonso, Cavite, 19 August 2026.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 26,132 total reads

 26,132 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 70,447 total reads

 70,447 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 108,013 total reads

 108,013 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 214,892 total reads

 214,892 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 258,475 total reads

 258,475 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Setyembre 19, 2026

 151 total reads

 151 total reads Sabado ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Januario (Jenaro), obispo at martir o kaya Paggunita sa Mahal na

Read More »

Biyernes, Setyembre 18, 2026

 1,473 total reads

 1,473 total reads Biyernes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 15, 12-20 Salmo 16, 1. 6-7. 8b at 15 Paggising ko, Poong sinta,

Read More »

Huwebes, Setyembre 17, 2026

 3,291 total reads

 3,291 total reads Huwebes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Roberto Belarmino, obispo at pantas ng Simbahan o kaya Paggunita kay St.

Read More »

Miyerkules, Setyembre 16, 2026

 4,612 total reads

 4,612 total reads Paggunita kay San Cornelio, papa, at San Cipriano, obispo, mga martir 1 Corinto 12, 31 – 13, 13 Salmo 32, 2-3. 4-5. 12

Read More »

Martes, Setyembre 15, 2026

 6,559 total reads

 6,559 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati Hebreo 5, 7-9 Salmo 30, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 15-16. 20 Poong D’yos na maibigin ako

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top