Huwebes, Agosto 13, 2026

SHARE THE TRUTH

 5,945 total reads

Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon

o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir

Ezekiel 12, 1-12
Salmo 77, 56-57. 58-59. 61-62

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Mateo 18, 21 – 19, 1

Thursday of the Nineteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of Sts. Pontian, Pope, and Hippolytus, Priests, Martyrs (Red)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 12, 1-12

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, nasa gitna ka ng isang mapaghimagsik na bayan. May mga mata sila ngunit hindi nakakikita at mga taingang hindi nakaririnig pagkat sila’y mapaghimagsik. Kaya nga, magbalot ka ng kailangan mo sa paglalakbay bilang isang itinapon. Bago dumating ang gabi, maglalakad ka sa lansangan nang nakikita nila at baka sakaling makaunawa sila sa kabila ng pagiging mapaghimagsik nila. Samantalang maliwanag pa, maghanda ka ng iyong dala-dalahan nang nakikita nila at kinagabihan ay maglalakad kang parang manlalakbay. Pagkatapos, bumutas ka sa pader at doon ka magdaan. Pasanin mo ang iyong dala-dalahan at lumakad kang nakikita nila. Magtakip ka ng mukha para hindi mo makita ang lupain pag-alis mo pagkat ikaw ang gagawin kong pinakababala sa mga Israelita.”

At ginawa ko ang lahat ayon sa utos sa akin. Nang araw na iyon, naghanda ako ng aking madadala bilang isang takas. Kinagabihan, bumutas ako sa pader at nagpatuloy sa paglalakbay na nakikita nila habang pasan ko ang akin mga dala-dalahan.

Kinaumagahan, sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, hindi ba’t itinanong sa iyo ng mapaghimagsik na mga Israelitang yaon kung ano ang iyong ginagawa? Sabihin mo sa kanila na ipinasasabi ko: ‘Ang pahayag na ito ay para sa pinuno ng Jerusalem at sa buong Israel. Sabihin mong ang ginawa mo ang pinakababala sa gagawin sa kanila: Itatapon sila, at ipabibihag.’ Pagdilim, papasanin ng pinuno ng Jerusalem ang kanyang dala-dalahan at tatakas sa pamamagitan ng butas sa pader. Magtatakip siya ng kanyang mukha para hindi niya makita ang lupaing iiwan niya.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 77, 56-57. 58-59. 61-62

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Ngunit sila’y naghimagsik sa Kataas-taasang Diyos,
hindi nila iginalang ang kanyang mga utos;
katulad ng nuno nila sila’y kusang tumalikod,
nagtaksil na wari’y panang lumipad nang walang taros.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Nanibugho itong Diyos, sa kanila ay nagalit,
nang makita ang dambana ng larawang iniukit.
Sumama ang loob niya noong ito ay mamasid,
itinakwil ang Israel sa tindi ng kanyang galit.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Sagisag ng kanyang lakas, ang kaban ng kanyang tipan,
binayaan na mahulog at makuha ng kaaway.
Nagalit sa kanyang baya’t ibinigay sa kaaway,
kaya naman ang marami sa kanila ay namatay.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

ALELUYA
Salmo 118, 135

Aleluya! Aleluya!
Poon, iyong pasikatin
kagandahan ng loobin
ng kabutihan mo sa ‘min.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 21 – 19, 1

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit si Pedro at nagtanong kay Hesus, “Panginoon, makailan pong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampungmilyong piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.

“Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka ng utang mo!’ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito’y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya’t ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw — napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayun din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.”

Pagkatapos sabihin ni Hesus ang mga bagay na ito, siya’y umalis sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Manalangin tayo sa Diyos upang makapagdulot ng pakikipagkasundo sa daigdig ang kanyang bayan na nakadama ng kanyang pagpapatawad.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mahabaging hari, padaluyin Mo ang iyong pagpapatawad sa amin.

Ang Bayan ng Diyos na pinalaya ng Dugo ni Kristo nawa’y hindi magkahiwa-hiwalay at mamuhay sila sa pagkakaunawaan at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may dinaramdam o sama ng loob bunga ng mga kalupitan at pagkakamaling ginawa sa kanila nawa’y huwag magkimkim ng hinanakit sa kanilang puso bagkus maging bukas sa kapayapaan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nahihirapang magpatawad nawa’y mapagtanto at maunawaan ang mayamang habag ng Diyos sa bawat isa at matutong makapagpatawad mula sa puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nakadarama ng malalim na sugat ng pisikal at espiritwal na pagkakamali nawa’y makatagpo ng kagalingan sa pagpapatawad ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na namayapa nawa’y patawarin sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, masdan mo nang may habag ang aming mga pagkakamali, iadya mo kami sa katigasan ng puso at tulungan mo kaming maging handang makapagpatawad sa mga tinamo naming mga pasakit, upang mabuklod na muli ang nagkakahiwa-hiwalay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Homily October 4, 2026

 3,296 total reads

27th Sunday in Ordinary Time Cycle A
Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43

Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay.” Talagang kailangan natin ang ganitong payo kasi madali tayong maguluhan, madali tayong mangamba, puno tayo ng worry sa maraming bagay. Oo kailangan tayong mabahala sa mga responsibilidad natin sa buhay, pero hindi kailangang mabalisa, hindi kailangang maguluhan. Ano kaya ang maari nating gawin upang hindi tayo mabalisa?

May tatlong paraan na sinasabi sa atin sa mga pagbasa natin ngayong Linggo. Una: “Hingin natin sa Diyos ang lahat ng ating pangangailangan sa panalangin ng may pasasalamat.” Hindi tayo nag-iisa sa pagpapasan ng ating mga tungkulin sa buhay. May ka-partner tayo. Nandiyan ang Diyos. Humingi tayo ng tulong sa kanya; ginagawa natin ito sa ating pagdarasal. Pero hindi lang basta anong pagdarasal. Magdasal tayo ng buong tiwala, na humihingi pa lang nagpapasalamat na kasi alam natin na pagbibigyan tayo ng Diyos. Kung tayo mismo ay nagdududa kung pagbibigyan ba tayo, paano niya tayo diringgin? Kung buo ang tiwala natin, hindi tayo bibiguin ng Diyos na nagmamahal sa atin. Kaya humihingi pa lang, nagpapasalamat na tayo.

Pangalawang paraan para hindi tayo mabalisa: Punuin natin ng magagandang bagay ang ating isip. Huwag tayong maging negative sa ating pananaw. Kaya nga sinabi ni San Pablo: “Dapat maging laman ng inyong pag-iisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri, mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig at kagalang-galang.” Isipin natin ang mga ito. Think positive thoughts. Maraming nagpapabigat sa ating damdamin at nanggugulo sa ating mga kaisipan ay ang mga negatibong pag-iisip. Kaya piliin natin at dalisayin ang ating iniisip, at susunod na rin ang magagaang damdamin.

Pangatlong paraan para huwag tayong mabalisa ay gawin natin ang inaasahan ng Diyos sa atin. May inaasahan ang Diyos at kumilos siya upang ito ay mangyari. Ipinaghanda niya ang lahat upang makuha ang resulta na kanyang inaasahan. Sa ating unang pagbasa at sa ating ebanghelyo, kumilos ang may-ari ng ubasan. Siya ang nagtanim ng piling ubas. First class na binhi ang kanyang tinanim. Binakuran pa niya ang ubasan. Nagtayo pa siya ng tore upang mabantayan ang tanim. Ganoon na lang ang pag-asa niya na gumawa pa siya ng pisaan ng ubas upang ito ay gawing alak. Handa na ang lahat. Pero malaki ang pagkabigo niya kasi ang inaasahan niya ay hindi nangyari. Sa unang pagbasa, ang tumubo ay ligaw na ubas, hindi iyong first class na ubas na kanyang tinanim. Ang sumibol ay maliliit at mapapait. Sa ating ebanghelyo umaasa siya ng kanyang kaparte sa ani ngunit hindi ito binigay ng mga katiwala. Ayaw nilang ibigay ang kaparte ng may ari at gusto pa nilang angkinin ang ubasan kaya pinatay nila ang anak ng may-ari.

Ang ubasan ay ang bayan ng Diyos. Tayo ang ubasan na inalagaan ng Diyos. Dahil sa pag-alaga niya sa atin, nag-aantay siya ng mabubuting gawa at pagmamahalan, pero pinagsasamantalahan natin ang kapwa. Naghahanap siya ng katarungan ngunit pang-aapi at corruption ang nangyayari sa ating bayan. Limang daang taon na niya inaalagaan ang pananampalataya sa ating bansa, bakit tayong Kristiyanong bansa ay kilala sa corruption sa ating pamahalaan? Huwag nating sisihin ang mga opisyales kasi tayo ang bumoto sa kanila. Tayo ang lumuklok sa kanila. Nagpadala tayo sa mga pangako nila o nagpabayad pa. Nasaan na ang pangakong mawawala ang droga sa bansa sa loob ng anim ng buwan? Ang daming pinatay dahil sa pangakong ito! Bakit ang mga leaders natin noon ay humihingi ng confidential funds? Aanhin ang confidential funds sa education? Huwag natin sisihin ang mga opisyales kasi hindi lang na tayo ang lumuklok sa kanila, ngayong nalalaman na natin ang katiwalian na kanilang ginagawa, tahimik pa tayo. Nilulunok na lang natin ang pang-aabuso ng kanilang kapangyarihan. Kasama na rin tayo sa kanilang kasamaan at corruption.

Sa ating ebanghelyo ang inaasahan na kaparte ng may-ari ay hindi ibinigay. Ang mga katiwala ay nagpapanggap na may-ari. Inaangkin nila ang hindi sa kanila. Pinatay pa nga ang anak ng may-ari para mapasakanila na ang mana! Iyan ay nangyayari kapag hindi tayo nagbabalik handog. Hindi tayo nagbibigay ng panahon sa pagdarasal at pagsisimba – busy kasi. Hindi ba may bahagi ang Diyos sa oras natin? Hindi lang natin ibibigay ay iyung tira-tirang oras natin. Magdarasal lang ba tayo kung may panahon? Ihahanap at bibigyan natin siya ng panahon. Ang araw ng Linggo ay Araw ng Panginoon. Hindi na iyan atin! Bakit inaaakin pa natin ang Araw ng Panginoon? Kaya pati sa araw ng Linggo nandoon tayo sa basakan, nasa laot tayo, o gumagawa ng school work. Kaya kahit na anong kayod natin, ganito pa rin ang buhay natin kasi hindi naman tayo humihingi ng tulong Diyos. Hindi naman natin kinikilala ang mga biyaya niya. Paano niya tayo pagpapalain?

Binibigyan tayo ng Diyos ng kakayahan o talento. Iba-iba ang mga biyaya niya sa atin. Nagbabalik handog ba tayo ng serbisyo sa kanya? Kapag nagpatawag ng bayanihan, nakikiisa ba tayo? Kapag may gawain sa simbahan o sa komunidad, tumutulong ba tayo? Sumasali ba tayo sa mga ministries sa simbahan na nagse-serve bilang lector, bilang choir, bilang lay minister, bilang sacristan? Nagbabalik handog tayo kasi nagpapasalamat tayo sa mga biyaya na kinikilala natin na galing sa Diyos.

Ang balik handog ay tanda rin ng ating tiwala sa Diyos. Nabibigay tayo sa Diyos kasi alam natin na hindi naman niya tayo pababayaan. Kaya may bahagi din ang Diyos sa pera na ipinagkaloob niya sa atin. Nagbibigay ba tayo ng regular sa kanya kasi regular naman niya tayong binibigyan?

Magiging mapayapa ang loob natin kung sinisikap nating gawin ang inaasahan ng Diyos sa atin. Umaasa siya na maging mabuting katiwala tayo na nagbibigay ng kaparte niya ng ating panahon, serbisyo at yaman. Umaasa siya na mamumunga tayo ng kabutihan at katarungan kasi inaalagaan niya tayo at hindi naman tayo pinababayaan.

Huwag tayong mabalisa: Papaano? Una, magdasal tayo sa Diyos na may pasasalamat. Pangalawa, think positive thoughts. Punuin ang ating isip ng magagandang bagay. Pangatlo, gawin natin ang inaasahan sa atin ng Diyos. Maging mabubuting katiwala tayo.

GREAT BLESSING

 8,862 total reads

Gospel Reading for October 03, 2026 – Luke 10: 17-24

GREAT BLESSING

The seventy-two disciples returned rejoicing and said to Jesus, “Lord, even the demons are subject to us because of your name.” Jesus said, “I have observed Satan fall like lightning from the sky. Behold, I have given you the power ‘to tread upon serpents’ and scorpions and upon the full force of the enemy and nothing will harm you. Nevertheless, do not rejoice because the spirits are subject to you, but rejoice because your names are written in heaven.

”At that very moment he rejoiced in the Holy Spirit and said, “I give you praise, Father, Lord of heaven and earth, for although you have hidden these things from the wise and the learned you have revealed them to the childlike. Yes, Father, such has been your gracious will. All things have been handed over to me by my Father. No one knows who the Son is except the Father, and who the Father is except the Son and anyone to whom the Son wishes to reveal him.”

Turning to the disciples in private he said, “Blessed are the eyes that see what you see. For I say to you, many prophets and kings desired to see what you see, but did not see it, and to hear what you hear, but did not hear it.”

————

If we are given special gifts that make the devil subject to us, or the power to remain safe in the midst of extreme danger, it is not something to brag about. This is precisely because these gifts are given to us for the propagation of the Kingdom of God and for the continuing work of salvation through Jesus Christ.

Most of the apostles were simple fisherfolk. They were unlike the scribes and Pharisees. Yet, God revealed to them through Jesus truths that were given only to a few chosen ones. But the greatest blessing they ever received as disciples was discovering who Jesus was and having the opportunity to be with Him for three years.

Three years with the Son of God! Three years of hearing nothing but wisdom! Three years of living a life the way the Giver of Life intended it!

What a GREAT BLESSING indeed!

Lord Jesus, help us recognize the gifts You have given us that are meant to be placed in the service of God’s Kingdom, and subsequently offer them to the Church. Amen.

DOUBLE CRISIS

 69,796 total reads

Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag…

Paanong hindi magiging matatag tayong mga Pilipino, 19 hanggang 20-tropical cyclones ang namiminsala sa Pilipinas kada taon. Ginupo at pinadapa tayo ni Super typhoon Yolanda., nang bagyong Ondoy, nang malalakas na lindol., matinding pagbaha., ngunit, mabilis tayong nakakabangon. Maaring dahilan, ang likas na pagiging matulungin sa kapwa at matibay na pananampalataya sa panginoon ang nagbibigay sa atin ng lakas na tumayo at lumaban upang mabuhay.

Ngunit tila bagang, sinusubukan ang pagiging “resilient”, dahil sa lumalalang climate crisis, nahaharap tayong mga Pilipino sa matinding hamon dulot ng tinaguriang 2026-2027 Godzilla super El Niño na sinasabing pinakamatindi sa nakalipas na 1,000-taon.

Sinasabi ng mga weather specialist na ang Pacific ocean ang nagdi-determina kung magiging maulan at tuyot ang lagay ng panahon sa Pilipinas. Sa kabilang banda, ang Indian ocean ang nagdidikta sa lakas at kailan tatama ang 2-weather extremes.

Base sa Philippine rainfall crisis sa sinasabing 2026-2027 super El Niño at Indian Ocean variability, mangyayari ito sa dalawang yugto: Matinding pagbaha sa gitna ng negative Indian Ocean Dipole (IOD) mula Hulyo hanggang September 2026, susundan nang mabilis na yugto ng tagtuyot (drought) mula October 2026 hanggang May 2027.

Ayon sa mga eksperto, ang El Niño-Southern Oscillation (ENSO) ay itinuturing na pangunahing nagtutulak ng rainfall variability., Sinasabi naman sa isang “hydrological research” na ang Philippine rainfall binubuo ng magkasamang ENSO, Indian Ocean Basin Wide (IOBW) warming at Indian Ocean Dipole Mode (IODM).

Sa research ni Dr. Glenn Tabios III ng University of the Philippines, base sa datos mula 1980 at 2022, lumalabas na pinapahina ng IOBW warming ang southwest monsoon, o Habagat, mula Hunyo hanggang Agosto habang ang IODM ay lumalakas mula September hanggang November, isang kritikal na panahon ng anihan at dam replenishment.

Nakakabahala ang delubyong ito Kapanalig, hindi pa tumatama ang super El Niño, 72-milyong Pilipino o 52-percent ng pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap noong March 2026. Ito ay base sa poverty incidence report ng Philippine Statistic Authority.

Ang tanong, tayo ba ay nakahanda? Nakahanda ba ang pamahalaan sa napipintong trahedya dulot ng super El Nino?
Kapanalig, upang matugunan ang hamon ng tagtuyot, nangangailangan ito ng nagkakaisa., nagtutulungan na mga Pilipino. Buhayin ang diwa ng “bayanihan”. Patatagin ang ating pananampalataya.

Kapanalig, sinasabi ng ISAIAH 41:10- “Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 69,797 total reads

 69,797 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 101,999 total reads

 101,999 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 203,825 total reads

 203,825 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 244,383 total reads

 244,383 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 261,991 total reads

 261,991 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Oktubre 7, 2026

 201 total reads

 201 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Martes, Oktubre 6, 2026

 1,940 total reads

 1,940 total reads Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Bruno, pari Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon,

Read More »

Lunes, Oktubre 5, 2026

 4,227 total reads

 4,227 total reads Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina ng Kowalska, dalaga Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2.

Read More »

Linggo, Oktubre 4, 2026

 6,516 total reads

 6,516 total reads Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 5, 1-7 Salmo 79, 9 at 12. 13-14. 15-16. 19-20 Panginoon, iyong tanim ang ubasan mong

Read More »

Sabado, Oktubre 3, 2026

 7,550 total reads

 7,550 total reads Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Job 42, 1-3. 5-6. 12-16

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top