Miyerkules, Enero 15, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,104 total views

Miyerkules ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Arnold Jannsen, pari

Hebreo 2, 14-18
Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Marcos 1, 29-39

Wednesday of the First Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Arnold Janssen, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Hebreo 2, 14-18

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Yamang ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Hesus, tulad nila – may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay maigupo niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. Sa gayun, pinalaya niya ang lahat ng naging alipin habang panahon dahil sa kanilang takot sa kamatayan. Hindi ang mga anghel ang kanyang tinutulungan kundi “Ang lahi ni Abraham.” Kaya’t kinailangang matulad siya sa kanyang mga kapatid sa lahat ng paraan. Sa gayun, siya’y naging isang dakilang saserdote, mahabagin at tapat, naglilingkod sa Diyos at naghahandog ng hain sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ng tao. Sapagkat siya ma’y tinukso at nagbata, kaya ngayo’y matutulungan niya ang mga tinutukso.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Dapat na ang Diyos, itong Panginoon, ay pasalamatan,
ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa’y dapat ipaalam.
Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan
ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Tayo ay magalak yamang lahat ay tunay na kanya,
ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,
lahat ng may nais maglingkod sa Poon, dapat na magsaya.
Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,
siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Ito’y nasaksihan ng mga alipi’t anak ni Abraham,
gayun din ang lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.
Ang Panginoong Diyos ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
sa kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Ang tipang pangako’y laging nasa isip niya kailanman,
ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan.
Ang tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham,
at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 1, 29-39

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, mula sa sinagoga, si Hesus ay nagtuloy sa bahay nina Simon at Andres. Kasama niya sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at ito’y agad nilang sinabi kay Hesus. Nilapitan ni Hesus ang babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon di’y inibsan ito ng lagnat at naglingkod sa kanila.

Pagkalubog ng araw, dinala kay Hesus ang lahat ng maysakit at ang mga inaalihan ng demonyo, at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino siya.

Madaling-araw pa’y bumangon na si Hesus at nagtungo sa ilang na pook at nanalangin. Hinanap siya ni Simon at kanyang mga kasama. Nang siya ay matagpuan, sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng lahat.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan upang makapangaral ako roon – ito ang dahilan ng pag-alis ko sa Capernaum.” At nilibot niya ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Tulad ng mga taong nagdala kay Jesus ng mga maysakit at mga inaalihan ng demonyo, dalhin natin sa ating Amang nasa Langit ang lahat ng may dalang hinagpis at paghihirap at nangangailangan ng kagalingang puno ng pagmamahal.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoong mahabagin, iligtas mo kami.

Ang Simbahan nawa’y laging manalig sa Panginoon sa harap ng mga pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghihikahos sa daigdig, lalo na ang mga walang katarungang pinagkaitan ng pagkain, damit, o kalayaan nawa’y mabigyan natin ng pag-asa at kalakasan ng kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nahihirapan dahil sa pamimighati at pag-aalala nawa’y makatagpo kay Kristo ng matatag na kanlungan at katigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghihirap dahil sa karamdaman at yaong mga taong mabibigat ang mga pasanin sa buhay nawa’y matagpuan ang Panginoon sa kanilang dinaranas na mga pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao at yaong mga namimighati dahil sa kanilang paglisan nawa’y makatagpo ng pag-asa at kaginhawahan sa Pagkabuhay na mag-uli ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Amang makapangyarihan, bantayan mo ang aming pamilya, iligtas at pangalagaan mo kami sapagkat lahat ng aming pag-asa ay nasa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon Amen.

Pax Silica

 18,684 total views

Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan ang ating binubuo gamit ang AI—at ano ang magiging kapalit nito? 

Abril ngayong taon nang sumali ang Pilipinas sa Pax Silica, isang inisyatibang pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang pandaigdigang supply chain para sa AI. Layunin nitong bawasan ang pagdepende sa China, na nangunguna ngayon sa produksyon at pagproseso ng mahahalagang mineral at iba pang materyales na kailangan sa makabagong teknolohiya.

Sa pagsali ng Pilipinas, naglaan ang pamahalaan ng humigit-kumulang 1,620 na ektaryang lupa sa New Clark City sa Tarlac—halos kasinlaki ng Pasay City—para sa kauna-unahang “AI-native industrial acceleration hub.” Doon gagawin ang mga semiconductors na gagamitin naman sa mga computer chips na inilalagay sa mga electronics. Doon din ipoproseso ang mga critical minerals na gagamitin sa paggawa ng mga baterya, semiconductor, at iba pang makabagong teknolohiya. Itatalaga ito bilang isang Economic Security Zone (ESZ) sa ilalim ng joint governance framework na kasalukuyang pang isinasapinal ng Pilipinas at US.

Nitong Hulyo, muling umingay ang usapin tungkol sa Pax Silica matapos ihayag ni Finance Secretary Frederick Go na itinuturing ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton na “top priority” ang inisyatiba. Dahil dito, minamadali na nila ang pagbuo ng naturang joint governance framework. Target ng dalawang panig na maisapinal at maisapubliko ito sa ASEAN Summit sa Nobyembre, na inaaasahang dadaluhan ni US President Donald Trump.

Ayon sa pamahalaan, isang pambihirang pagkakataon ang mapasali sa Pax Silica para makasabay ang Pilipinas sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at AI. Ipinangako rin nitong hindi lamang lilikha ng libu-libong trabaho at magpapasok malaking kita ang inisiyatiba, kundi maghihikayat din ng mas maraming mamumuhunan, kumpanya, at inobasyon.

Ipinaaalala sa Catholic social teaching ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas na ang paggamit ng AI ay hindi “purely technical” lamang. Kapag ang proseso sa likod ng AI ay negatibo nang nakaaapekto sa ating buhay, lipunan, at kapaligiran, hindi na sumasapat ang anumang pangako na trabaho, pamumuhunan, at inobasyon. 

Pinangangambahan kasi ang negatibong epekto ng mga data centers na kailangan sa AI. Ang mga data centers na nagsisilbing “utak” ng AI ay kailangang palamigin gamit ang hanggang limang milyong galon ng tubig kada araw—katumbas ng pang-araw-araw na pangangailangan ng isang munisipalidad na may 10,000 hanggang 50,000 residente! Siyempre, gagamit din ang mga data centers ng maraming kuryente. Kapos na nga tayo ngayon sa tubig at kuryente, heto at aagawan pa tayo ng mga data centers! Dapat itong linawin ng mga nagsusulong ng Pax Silica. 

Lubos na nakababahala rin ang epekto ng AI sa ating likas na yaman. Pinangangambahang lalawak ang pagmimina ng mga critical minerals na kailangan sa paggawa ng mga teknolohiyang nagpapatakbo sa AI. Marami na sa ating mga kabundukan at kagubatan ang nakalbo dahil sa pagmimina. Ibang usapan pa ang paglawak ng mga minahan sa mga lupang ninuno ng ating mga katutubo. Ano pa ang matitira kung lalo pang lalawak ang mga ito?

Mga Kapanalig, paalala sa atin sa Genesis 2:15 na inilagay ng Panginoong Diyos ang tao sa Eden upang ito ay alagaan at pagyamanin. Hindi ipinagkatiwala sa atin ang kalikasan para ubusin, kundi para pangalagaan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon. Ang pangangalaga sa sangnilikha ay hindi hadlang sa pag-unlad. Ito pa nga ang nagsisiguro na ang pag-unlad ay makakamit natin. Kaya manindigan tayo para sa isang pag-unlad na may pananagutan sa kalikasan, dahil ang kalikasang winawasak natin ngayon ang siya ring magtatakda ng hangganan ng ating pag-unlad bukas.

Sumainyo ang katotohanan.

SINCE THE BEGINNING

 8,213 total views

Gospel Reading for July 27, 2026 – Matthew 13: 31-35

SINCE THE BEGINNING

Jesus proposed a parable to the crowds. “The Kingdom of heaven is like a mustard seed that a person took and sowed in a field. It is the smallest of all the seeds, yet when full-grown it is the largest of plants. It becomes a large bush, and the ‘birds of the sky come and dwell in its branches.’” He spoke to them another parable. “The Kingdom of heaven is like yeast that a woman took and mixed with three measures of wheat flour until the whole batch was leavened.” All these things Jesus spoke to the crowds in parables. He spoke to them only in parables, to fulfill what had been said through the prophet: I will open my mouth in parables, I will announce what has lain hidden from the foundation of the world.

————

In short, the Kingdom of heaven is certain to grow, even if it begins as small as a mustard seed. Jesus’ words about the Kingdom of heaven give us hope that, despite the evil around us, every good thing we do is never lost. The Kingdom of heaven will never cease, for it has existed SINCE THE BEGINNING—the eternal dwelling place of God.

Let us not waste the time God has given us on things that have no lasting value in heaven. Our journey begins here on earth, but the ultimate goal of every Christian is to reach heaven.

Lord Jesus, help us to bring a foretaste of heaven to earth by living according to your will. Amen.

Intimacy, idolatry

 8,735 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday in the Seventeenth Week of Ordinary Time, Year II, 27 July 2026
Jeremiah 13:1-11     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Matthew 13:31-35
Photo by author, Mt. St. Paul Spirituality Center, La Trinidad, Benguet, June 2017.
How lovely and so practical,
O God,
is your portrayal to us today
of your intimacy with us
like a "linen loincloth":
the most simple and
ordinary part of our clothing
we take for granted
yet so important and crucial
because it is so close,
so intimate to our skin,
to our private parts;
an intimacy we take
for granted because
it is something hidden,
too personal.

But,
do we really care at all?

For, as close as the loincloth clings to a man’s loins, so had I made the whole house of Israel and the whole house of Judah cling to me, says the Lord; to be my people, my renown, my praise, my beauty. But they did not listen (Jeremiah 13:11).

Like that linen loincloth
you asked Jeremiah to hide
and retrieve later from a river,
ending up as "rotted, good for nothing",
we have betrayed you Lord, 
we have abandoned you
to follow our many idols
and false gods by keeping
you in name,
in rituals and rites
yet compromising your
laws and teachings
with the ways of the world;
we pretend to be close
and intimate with you,
Lord while choosing to be
fence-sitters in situations
demanding we make a stand
for you,
for what is true,
for what is good.
True intimacy with you,
O God is found 
in the most private
moments when we
choose you,
when we abide in you,
when we uphold your teachings
and live in your ways
of justice and love,
kindness and mercy
especially with those
closest to us;
may we realize, 
O Lord,
that to whom we are
most intimate
and closest in 
following and imitating
is found our Lord and God.
Or sadly,
our mammon too
for where our treasure is,
there our heart is.
Amen.
Photo by author, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 June 2026.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pax Silica

 18,685 total views

 18,685 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 60,739 total views

 60,739 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 176,086 total views

 176,086 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 204,380 total views

 204,380 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 249,484 total views

 249,484 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hulyo 30, 2026

 1,072 total views

 1,072 total views Huwebes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Crisologo, obispo at pantas ng Simbahan Jeremias 18, 1-6 Salmo

Read More »

Miyerkules, Hulyo 29, 2026

 2,874 total views

 2,874 total views Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro 1 Juan 4, 7-16 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11. Palagi kong pupurihin

Read More »

Martes, Hulyo 28, 2026

 4,698 total views

 4,698 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 5,906 total views

 5,906 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 6,785 total views

 6,785 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top