Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,836 total views

Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

2 Juan, 4-9
Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Lucas 17, 26-37

Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
2 Juan, 4-9

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan

Hirang na Ginang, labis kong ikinagagalak na makitang namumuhay ayon sa katotohanan ang ilan sa iyong mga anak, alinsunod sa utos sa atin ng Ama. At ngayon, Ginang, ako’y may hihilingin sa iyo. Hindi isang bagong utos ang isinisulat ko sa iyo kundi ang dating utos na sa simula pa’y nasa atin na: mag-ibigan tayong lahat. Ito ang utos na ibinigay sa inyo noon pang una: mamuhay kayo ayon sa pag-ibig. At ito ang kahulugan ng pag-ibig na binabanggit ko: mamuhay ayon sa mga utos ng Diyos.

Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga magdaraya – mga taong hindi nagpapahayag na si Hesukristo’y naging tao. Ang gayong mga tao ay magdaraya at anti-Kristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawala ang inyong pinagpaguran, kundi lubusan ninyong kamtan ang gantimpala.

Ang hindi nananatili sa turo ni Kristo kung nagdaragdag dito, ay hindi pinananahan ng Diyos. Sinumang nananatili sa turo ni Kristo ay pinananahan ng Ama at ng Anak.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay,
ayon sa utos ng Poon ang gawain araw-araw.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Mapalad ang sumusunod sa kaniyang kautusan,
buong puso ang pagsunod sa utos na ibinigay.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Buong puso ang hangad ko na ikaw ay paglingkuran,
sa pagsunod sa utos mo, huwag mo akong babayaan.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Ang banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan,
upang hindi magkasala laban sa ‘yo kailanman.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Itong iyong abang lingkod, O Diyos, sana’y pagpalain,
upang ako ay mabuhay at ang utos mo ang sundin.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Buksan mo ang paningin ko pagkat nananabik masdan,
yaong buting idudulot sa akin ng iyong aral.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

ALELUYA
Lucas 21, 28

Aleluya! Aleluya!
Naririto, malapit na
ang kaligtasang pag-asa
upang ating matamasa.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 17, 26-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ang pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa kapanahunan ni Noe. Noon, ang mga tao’y nagsisikain at nagsisiinom, nag-aasawa, hanggang sa araw na sumakay si Noe sa daong. Dumating ang baha at namatay silang lahat. Gayun din noong panahon ni Lot. Ang mga tao’y nagsisikain at nagsisiinom, namimili at nagbibili, nagtatanim at nagtatayo ng bahay. Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat. Gayun din sa pagdating ng Anak ng Tao.

“Sa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba upang kunin ang kanyang mga ari-arian sa loob ng bahay. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi. Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot. Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makapagliligtas nito. Sinasabi ko sa inyo: may dalawang lalaking natutulog sa isang higaan sa gabing iyon; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang lalaking gumagawa sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.” “Saan po, Panginoon?” tanong ng kanyang mga alagad. Sumagot siya, “Kung saan naroon ang mga bangkay, doon naman nagkakatipon ang mga buwitre.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sa wakas ng panahon, ipadadala ng Diyos ang kanyang mga anghel upang tipunin ang kanyang mga hinirang. Habang ating ipinapanalangin ang pangangailangan ng lahat ng sangkatauhan, hilingin natin sa Diyos na matagpuan niya taong handang humarap sa kanya sa kanyang muling pagbabalik.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sumaamin nawa ang iyong habag.

Ang Simbahan sa pamamagitan ng kanilang pagsaksi sa kanilang buhay nawa’y higit na makahikayat ng mga tao at mga bansa sa daan ng kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong sumasampalataya nawa’y magpahayag ng kanilang pananampalataya sa buhay na walang hanggan at maunawaan ang walang hanggang bunga ng bawat kilos natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating sarili nawa’y maihanda natin sa pagdating ng paghahari ng Diyos sa pamamagitan ng tuwinang pamumuhay sa katotohanan, katapatan, at pagmamahal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga biktima ng pag-uusig at pang-aabuso nawa’y makatagpo ng tunay na kagalingan upang makamit nila ang katarungan, kalayaan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y bumangong muli sa kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, hindi namin alam ang oras ng iyong pagbabalik ngunit umaasa kaming hindi kami pababayaan ng iyong pagmamahal. Gawin mo kaming aktibong umaasa, at nawa’y tanggapin ka namin ngayon sa aming puso. Hinihiling namin ito kay Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 7,668 total views

 7,668 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 16,378 total views

 16,378 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 25,137 total views

 25,137 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 33,530 total views

 33,530 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 41,547 total views

 41,547 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 5,984 total views

 5,984 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 6,568 total views

 6,568 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 6,753 total views

 6,753 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 7,079 total views

 7,079 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 5,742 total views

 5,742 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 6,239 total views

 6,239 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 6,037 total views

 6,037 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 6,190 total views

 6,190 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 6,434 total views

 6,434 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 6,643 total views

 6,643 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 6,509 total views

 6,509 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 6,631 total views

 6,631 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 6,879 total views

 6,879 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 7,023 total views

 7,023 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »

Huwebes, Oktubre 31, 2024

 3,357 total views

 3,357 total views Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 6, 10-20 Salmo 143, 1. 2. 9-10 Ang Poon ay papurihan, siya ang aking sanggalang. Lucas 13, 31-35 Thursday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Efeso 6, 10-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Sa wakas,

Read More »
Scroll to Top