Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

SHARE THE TRUTH

 17,748 total views

Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Filemon 7-20
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.

Lucas 17, 20-25

Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Filemon 7-20

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon

Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig ay nagdulot sa akin ng malaking katuwaan at kaaliwan, sapagkat dahil sa iyo, sumigla ang kalooban ng mga banal.

Dahil kay Kristo, maaari kong sabihing dapat mong gawin ito; gayunman, pag-ibig ang nagbunsod sa akin upang makiusap sa iyo. Akong si Pablo, sugo ni Kristo Hesus at ngayo’y nakabilanggo dahil sa kanya, ang nakikiusap sa iyo tungkol kay Onesimo, na naakit ko sa pananampalataya samantalang ako’y naririto sa bilangguan. Dati, wala kang pakinabang sa kanya, ngunit ngayo’y malaking tulong siya sa ating dalawa.

Pinababalik ko siya sa iyo, at para ko nang ipinadala sa iyo ang aking puso. Ibig ko sanang panatilihin siya sa aking piling, upang, sa halip mo, siya ang maglingkod sa akin habang ako’y nabibilanggo dahil sa Mabuting Balita. Ngunit ayokong gawin iyon nang wala kang pahintulot upang hindi maging sapilitan kundi kusa ang pagtulong mo sa akin.

Marahil, nawalay sa iyo nang kaunting panahon si Onesimo upang sa pagbabalik niya’y makasama mo siya habang panahon – hindi na bilang alipin kundi isang minamahal na kapatid. Mahal siya sa akin, ngunit lalo na sa iyo – hindi lamang bilang isang alipin kundi isang kapatid pa sa Panginoon!

Kaya’t kung inaari mo akong tunay na kasama, tanggapin mo siya tulad ng pagtanggap mo sa akin. Kung siya ma’y nagkasala sa iyo o nagkautang kaya, sa akin mo singilin. Ako ang siyang sumusulat nito; Ako, si Pablo, ang magbabayad sa iyo. Hindi ko na ibig banggitin na utang mo sa akin ang iyong pagkakilala kay Kristo. Ipinakikiusap ko sa iyo, alang-alang sa Panginoon, pagbigyan mo ang aking kahilingan, dulutan mo ng kaligayahan ang puso ko bilang kapatid kay Kristo!

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.

o kaya: Aleluya.

Ang maaasahang lagi’y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.

Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapo ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.

Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.

Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.

Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.

Walang hanggang Hari, ang Diyos na Panginoon!
Ang Diyos mo, Sion, ay mananatili sa lahat ng panahon!

Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.

ALELUYA
Juan 15, 5

Aleluya! Aleluya!
Ako’y puno, kayo’y sanga;
kapag ako ay kaisa,
kayo’y t’yak na mamumunga.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 17, 20-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, si Hesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan itatatag ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, “Ang pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay walang makikitang palatandaan. At wala ring magsasabing nagsisimula na roon o rini. Sapagkat ang totoo’y nagsimula nang maghari ang Diyos sa puso ng mga nananalig sa kanya.”

At sinabi niya sa mga alagad, “Darating ang panahong hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ang Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo makikita iyon. At may magsasabi sa inyo, ‘Naroon siya!’ o, ‘Narini siya!’ Huwag kayong pumunta upang siya’y hanapin. Sapagkat pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Tao’y darating na parang kidlat. Ngunit kailangan munang magbata siya ng maraming hirap, at itakwil ng mga tao sa ngayon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Manalangin tayo nang may ganap na pananalig sa Panginoon ng buhay na naghihintay sa atin sa dulong hangganan ng daan ng buhay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sumaamin nawa ang iyong paghahari, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y palagiang ihanda ang mga tao sa pagtanggap kay Kristo sa kanyang pagbabalik, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagpapasyang kumilos para sa katarungan at kapayapaan, ang mga Kristiyano nawa’y pagbuklurin ang lahat ng tao nang sama-sama sa pananampalataya at pag-asa, at ihanda sila sa muling pagdating ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga trahedya, gawa man ng tao o ng kalikasan, nawa’y hindi magpaligalig o magpahina ng ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y tanggapin si Jesus sa kanilang mga puso at makita siyang kasa-kasama nila sa kanilang dinaranas na mga pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga yumao nawa’y mapalaya mula sa mga suliranin ng mundong ito at lumigaya sa walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, laging kang malapit sa amin. Alam mo ang aming mga pangangailangan, higit pa sa aming pagkabatid. Tulungan mo kaming maging mulat sa iyong presensya ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 9,726 total views

 9,726 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 55,449 total views

 55,449 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 57,659 total views

 57,659 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 130,831 total views

 130,831 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 142,928 total views

 142,928 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Hunyo 17, 2026

 485 total views

 485 total views Miyerkules ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 2, 1. 6-14 Salmo 30, 20, 21. 24 Magpakatatag ang tanang may tiwala

Read More »

Martes, Hunyo 16, 2026

 487 total views

 487 total views Martes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 21, 17-29 Salmo 50, 3-4. 5-6a. 11 at 16 Poon, iyong kaawaan kaming

Read More »

Lunes, Hunyo 15, 2026

 3,337 total views

 3,337 total views Lunes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 21, 1-16 Salmo 5, 2-3. 5-6. 7 Panginoon, ako’y dinggin, pagbigyan sa aking

Read More »

Linggo, Hunyo 14, 2026

 3,148 total views

 3,148 total views Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 19, 2-6a Salmo 99, 2. 3. 5 Lahat tayo’y kanyang bayan, kabilang sa kanyang kawan. Roma

Read More »

Sabado, Hunyo 13, 2026

 5,919 total views

 5,919 total views Paggunita sa Kalinis-linisang Puso ng Birheng Maria Mga Panaghoy 2, 2. 10-14. 18-19 Salmo 73, 1 – 2. 3-5a. 5b-7. 20-21 Iyong laging

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top