Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

SHARE THE TRUTH

 18,140 total views

Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Tito 3, 1-7
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Lucas 17, 11-19

Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White)
Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II)

UNANG PAGBASA
Tito 3, 1-7

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Tito

Pinakamamahal, paalalahanan mo silang pasakop sa mga pinuno at mga maykapangyarihan, sundin ang mga ito, at maging handa sa paggawa ng mabuti. Pagbawalan mo silang magsalita ng masama kaninuman. Kailangang maging maunawain sila, mahinahon at maibigin sa kapayapaan. Noong una, tayo’y nalihis ng landas dahil sa ating kamangmangan at katigasan ng ulo; naging alipin tayo ng sariling damdamin at lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Tayo’y kinapootan ng iba at sila’y kinapootan din natin. Ngunit nang mahayag ang kagandahang-loob at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, tayo’y iniligtas niya. Natamo natin ito hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Naligtas tayo at ipinanganak na muli sa Espiritu Santo na siyang luminis at nagbigay ng bagong buhay sa atin. Sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo, ibinubuhos sa atin ng Diyos ang Espiritu Santo upang tayo’y pabanalin ng kanyang pag-ibig at kamtan natin ang buhay na ating inaasahan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

ALELUYA
1 Tesalonika 5, 18

Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos Ama’y naghahangad
lagi tayong pasalamat
kaisa ng kanyang Anak.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 17, 11-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Sa paglalakbay ni Hesus patungong Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. Nang papasok na siya sa isang nayon, siya’y sinalubong ng sampung ketongin. Tumigil sila sa malayu-layo at humiyaw ng: “Hesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!” nang makita sila ay sinabi niya, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.” At samantalang sila’y naglalakad, gumaling sila. Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at nagpasalamat. Ang taong ito’y Samaritano. “Hindi ba sampu ang gumaling?” tanong ni Hesus. “Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Labis na mapagbigay ng biyaya, kagalingan, at kapatawaran ang Panginoon. Subalit ipinagwawalang-bahala natin ang mga ito. Nakakalimutan natin siyang pasalamatan. Dalhin natin ang ating mga panalangin sa kanya sa diwa ng pasasalamat.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pasasalamat, tumatawag kami sa Iyo, Panginoon.

Ang Simbahan sa lupa nawa’y patuloy na hilumin sa kapangyarihan ng Espiritu Santo ang mga may wasak na buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang purihin at pasalamatan ang Diyos sa mga biyaya ng buhay, pananampalataya, kalusugan, kaligayahan, at alab ng pagmamahalan ng pamilya, kaibigan, at komunidad, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y laging magpasalamat sa lahat ng aspeto ng ating buhay para sa pag-ibig na ibinuhos sa atin ng Diyos noong angkinin niya tayo bilang kanyang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nabibigatan sa buhay nawa’y makita ang katangi-tanging pag-ibig at kalinga ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamalasakit ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mapabilang sa mga banal sa pagsamba sa Diyos sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, pinasasalamatan ka namin para sa aming mga buhay at sa bagong buhay na iyong ipinagkakaloob sa amin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 20,369 total views

 20,369 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 194,303 total views

 194,303 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 171,936 total views

 171,936 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 235,352 total views

 235,352 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 253,669 total views

 253,669 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Mayo 28, 2026

 39 total views

 39 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A) Genesis 22, 9-18 o kaya Hebreo 10, 4-10 Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17 Handa

Read More »

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 1,703 total views

 1,703 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 3,360 total views

 3,360 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 3,348 total views

 3,348 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 2,626 total views

 2,626 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top