Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, ENERO 25, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,142 total views

Kapistahan ng Pagbabagong-Buhay ni Apostol San Pablo

Mga Gawa 22, 3-16
o kaya Gawa 9, 1-22
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Marcos 16, 15-18

Feast of the Conversion of Saint Paul, Apostle (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 22, 3-16

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Pablo sa mga tao, “Ako’y isang Judio, ipinanganak sa Tarso ng Cilicia ngunit lumaki rito sa Jerusalem. Nag-aral ako kay Gamaliel at buong higpit na tinuruan sa Kautusan ng ating mga ninuno. Tulad ninyong lahat, ako’y masugid na naglilingkod sa Diyos. Inusig ko at ipinapatay ang mga sumusunod sa Daang ito. Ipinagapos ko at ipinabilanggo sila, lalaki’t babae. Makapagpapatotoo tungkol dito ang pinakapunong saserdote at ang buong kapulungan ng matatanda. Binigyan pa nila ako ng mga sulat para sa mga Judio sa Damasco, at pumunta ako roon upang dakpin ang mga tagasunod doon at dalhin dito sa Jerusalem upang parusahan.

“Magtatanghaling-tapat noon, at malapit na ako sa Damasco. Biglang kumislap sa aking paligid ang isang matinding liwanag mula sa langit. Nasubasob ako sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsabi sa akin, ‘Saulo, Saulo! Bakit mo ako pinag-uusig?’ Ako’y sumagot, ‘Sino po kayo, Panginoon?’ ‘Ako’y si Hesus na taga-Nazaret na iyong pinag-uusig,’ tugon niya. Nakita ng mga kasama ko ang liwanag, ngunit hindi nila narinig ang tinig ng nagsalita sa akin. At akin ding itinanong, ‘Ano po ang gagawin ko, Panginoon?’ Ang tugon sa aki’y, ‘Tumindig ka at pumunta sa Damasco. Sasabihin sa iyo roon ang lahat ng dapat mong gawin.’ Nabulag ako dahil sa kaningningan ng liwanag na iyon, kaya’t ako’y inakay na lamang ng mga kasama ko papasok sa Damasco.

“May isang lalaki sa Damasco na ang pangala’y Ananias. Siya’y taong may takot sa Diyos, tumutupad sa Kautusan, at iginagalang ng mga Judiong naninirahan doon. Pinuntahan niya ako, tumayo sa tabi ko at sinabi sa akin, ‘Kapatid na Saulo, makakakita ka na.’ Noon di’y nanauli ang aking paningin at nakita ko siya. Sinabi pa niya, ‘Hinirang ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang mabatid mo ang kanyang kalooban, makita ang kanyang Banal na Lingkod at marinig ang kanyang tinig. Sapagkat ikaw ay magiging saksi niya upang patotohanan sa lahat ng tao ang iyong nakita at narinig. At ngayon, huwag ka nang mag-atubili. Tumindig ka, tumawag ka sa kanyang pangalan at magpabinyag, at magiging malinis ka sa iyong mga kasalanan.’”

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Gawa 9, 1-22

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, masidhi ang pagnanais ni Saulo na usigin at patayin ang mga alagad ng Panginoon. Kaya’t lumapit siya sa pinakapunong saserdote, at humingi ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang madakip niya ang sinumang matagpuan niya roong kaanib sa bagong pananampalataya – maging lalaki, maging babae – at madala sa Jerusalem.

Naglakbay si Saulo patungong Damasco. Nang siya’y malapit na sa lungsod, biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakasisilaw na liwanag mula sa langit, anupat nasubasob siya. At narinig niya ang isang tinig na nagsalita sa kanya, “Saulo! Saulo! Bakit mo ako inuusig?” “Sino po kayo, Panginoon?” tanong niya. “Ako’y si Hesus, ang iyong inuusig,” tugon sa kanya. “Tumindig ka’t pumasok sa lungsod. Sasabihin sa iyo roon kung ano ang dapat mong gawin.” Natigilan ang mga kasama ni Saulo; narinig nila ang tinig ngunit wala silang makitang sinuman. Tumindig si Saulo at idinilat ang kanyang mata ngunit hindi siya makakita, kaya’t siya’y inakay nila hanggang sa Damasco. Tatlong araw na hindi siya nakakita, at hindi kumain ni uminom.

Sa Damasco naman ay may isang alagad na ang pangala’y Ananias. Tinawag siya ng Panginoon sa isang pangitain, “Ananias!” “Ano po iyon, Panginoon?” tugon niya. “Pumunta ka sa kalye Matuwid, sa bahay ni Judas at ipagtanong mo ang isang lalaking taga-Tarso na ang pangala’y Saulo,” sabi ng Panginoon. “Siya’y nananalangin ngayon. Sa isang pangitain, nakita ka niyang pumasok sa kinaroroonan niya at pinatungan mo siya ng kamay upang makakita.” Sumagot si Ananias, “Panginoon, marami na po ang nagbalita sa akin tungkol sa taong ito, tungkol sa mga kasamaang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem. At naparito siya sa Damasco, taglay ang kapangyarihang galing sa mga punong saserdote, upang dakpin ang lahat ng tumatawag sa iyong pangalan.” Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Pumaroon ka! Sapagkat hinirang ko siya upang ipakilala ang aking pangalan sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel. At ipaaalam ko sa kanya ang lahat ng dapat niyang tiisin alang-alang sa akin.”

Pumunta nga si Ananias. Pumasok siya sa bahay at ipinatong ang kanyang kamay kay Saulo. “Kapatid na Saulo,” wika niya, “pinapunta ako rito ng Panginoong Hesus na napakita sa iyo sa daan nang ikaw ay papunta rito. Sinugo niya ako upang muli kang makakita, at mapuspos ng Espiritu Santo.” Pagdaka’y may nalaglag na tila mga kaliskis mula sa mga mata ni Saulo, at nakakita na siya. Tumindig siya agad at nagpabinyag. Kumain siya at nanauli ang kanyang lakas.

Si Saulo’y ilang araw na kasama-sama ng mga alagad sa Damasco. Pumasok siya sa mga sinagoga at nangaral tungkol kay Hesus. “Siya ang Anak ng Diyos,” wika niya. Nagtaka ang lahat ng nakarinig sa kanya. “Hindi ba ito ang dating umuusig sa mga tumatawag sa pangalang ito sa Jerusalem?” tanong nila. “Hindi ba’t naparito siya upang sila’y dakpin at dalhing gapos sa mga punong saserdote?”

Ngunit lalong naging mahusay si Saulo sa kanyang pangangaral at nalito ang mga Judiong naninirahan sa Damasco dahil sa kanyang matibay na pagpapatunay na si Hesus ay siyang Kristo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

o kaya: Aleluya.

Purihin ang Poon!
Dapat na purihin ang lahat ng bansa,
siya ay purihin
ng lahat ng tao sa balat ng lupa.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Pagkat ang pag-ibig
Na ukol sa ati’y dakila at wagas,
at ang katapatan niya’y walang wakas.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 16, 15-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagpakita si Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumasampalataya at magpabinyag ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Enero 25
Ang Pagbabalik-loob ni San Pablo

Ipanalangin natin ang misyon ng Simbahan at ang mga pangangailangan ng mundong tinubos ni Kristo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Maging mapagpala ka nawa sa Iyong bayan, O Panginoon.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y maging masigasig sa pangangaral ng pagsisisi sa kasalanan at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y magkaroon ng tapang na ipahayag ang Ebanghelyo maging sa mahihirap na pagkakataon at mapanganib na lugar, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aaalinlangan at nasisiraan ng loob nawa’y matuklasan ang walang hanggang katotohanan na walang iba kundi si Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, nangungulila, at maysakit nawa’y makatanggap sa kanilang paghihirap ng ginhawang dulot ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan at makatagpo nawa nila ang Diyos sa kanyang kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Manunubos, habang inuusal namin ang aming mga panalangin sa pamamagitan ni San Pablo, palalimin mo ang biyaya ng pagbabalik-loob sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Eat Healthy This Christmas 2024

 4,299 total views

 4,299 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »

Pagpapanagot kay VP Sara

 23,326 total views

 23,326 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 18,682 total views

 18,682 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 27,392 total views

 27,392 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 36,151 total views

 36,151 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 6,333 total views

 6,333 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 6,481 total views

 6,481 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 7,067 total views

 7,067 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 7,250 total views

 7,250 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 7,576 total views

 7,576 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 6,141 total views

 6,141 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 6,635 total views

 6,635 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 6,434 total views

 6,434 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 6,586 total views

 6,586 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 6,830 total views

 6,830 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 7,039 total views

 7,039 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 6,905 total views

 6,905 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 7,027 total views

 7,027 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 7,275 total views

 7,275 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 7,419 total views

 7,419 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top