Martes, Hulyo 1, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,283 total views

Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Genesis 19, 15-29
Salmo 25, 2. 3. 9-10. 11-12

Pag-ibig mong walang hangga’y
lagi kong inaasahan.

Mateo 8, 23-27

 

Tuesday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Genesis 19, 15-29

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, inapura ng mga anghel si Lot, “Madali! Ialis mo na ang iyong asawa’t mga anak nang hindi kayo madamay sa pagkawasak ng lungsod.” Nag-aatubili pa si Lot datapwat sa habag ng Panginoon, halos kaladkarin na sila ng mga lalaki, palabas ng lunsod. Pagkatapos, sinabi ng isa sa mga anghel, “Iligtas ninyo ang inyong sarili! Huwag kayong lilingon o hihinto sa kapatagan! Magtago kayo sa kaburulan para hindi kayo mamatay!”

Ngunit sumagot si Lot, “Huwag na roon, Ginoo. Sabagay napakalaki na ang utang na loob ko sa inyo; iniligtas na ninyo ako. Ngunit napakalayo ng mga kaburulan. Baka hindi na ako makarating doon. Hindi ba maaaring doon na lamang sa maliit na bayang iyon?”

“Oo, doon na kayo magpunta, at hindi ko wawasakin ang bayang iyon. Kaya, madali ka! Hindi ko maitutuloy ang gagawin ko hangga’t wala kayo roon.”

Maliit ang bayang iyon kaya tinawag na Zoar.

Mataas na ang araw nang sapitin ni Lot ang Zoa. Ang Sodoma at Gomorra ay saka pa lamang pinaulanan ng Diyos ng nagninigas na asupre. Tinupok ng Panginoon ang mga lunsod na iyon at ang buong kapatagan, lahat ng mamamayan doon pati ang mga pananim. Ngunit lumingon ang asawa ni Lot kaya’t siya’y naging haliging asin.

Kinabukasan, si Abraham ay nagmamadaling pumunta sa dakong pinagtagpuan nila ng Panginoon. Mula roon, tinanaw niya ang Sodoma at Gomorra, at ang buong kapatagan. Nakita niyang pumapailanglang ang makapal na usok na parang nagmumula sa malaking hurno. Nang gunawin ng Diyos ang mga lungsod na iyon, hindi rin nawaglit sa kanyang isipan si Abraham kaya iniligtas niya si Lot.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 25, 2. 3. 9-10. 11-12

Pag-ibig mong walang hangga’y
lagi kong inaasahan.

Poon, ako’y iyong siyasatin, ako’y ‘yong subukin,
hatulan mo ang iniisip ng sarili’t layunin.
Pag-ibig mong walang maliw ang kasama at kaakbay,
at ang iyong pagtatapat ang palagi kong patnubay.

Pag-ibig mong walang hangga’y
lagi kong inaasahan.

Sa parusa ng masama, h’wag mo akong idaramay,
ilayo rin sa parusa ng mahilig sa pagpatay.
Ilayo mo sa kanilang ang gawai’y kasamaan,
mga taong sa tuwina’y naghihintay ng suhulan.

Pag-ibig mong walang hangga’y
lagi kong inaasahan.

Ngunit ako, ang pasiya ko ay matuwid ang gagawin,
kaya naman iligtas mo at mahabag ka sa akin.
Ako’y ligtas sa panganib, panganib na ano pa man,
sa hayag na pagsamba ko’y pupurihin ang Maykapal!

Pag-ibig mong walang hangga’y
lagi kong inaasahan.

ALELUYA
Salmo 129, 5

Aleluya! Aleluya!
Poon, ikaw ang pag-asa,
ang Salita mo’y ligaya,
pag-asa ko sa tuwina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 8, 23-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sumakay si Hesus sa bangka, kasama ang kanyang mga alagad. Bumugso sa lawa ang isang malakas na unos at halos matabunan ng mga alon ang bangka. Ngunit natutulog noon si Hesus. Kaya’t nilapitan siya ng mga alagad at ginising. “Panginoon, tulungan ninyo kami!” sabi nila. “Lulubog tayo!” At sinabi niya sa kanila, “Ano’t kayo’y natatakot? Napakaliit naman ng pananalig ninyo!” Bumangon siya, sinaway ang hangin at ang dagat, at tumahimik ang mga ito. Namangha silang lahat at ang sabi, “Anong tao ito? Kahit ang hangin at ang dagat ay tumatalima sa kanya!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sumusunod sa Anak ng Diyos maging ang hangin at alon. Mulat sa katotohanang ito, manalangin tayo nang may pananalig para sa katahimikan ng napakagulong mundo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ipagkaloob Mo sa amin ang Iyong kapayapaan.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga miyembro, nawa’y maging malakas sa pananampalataya higit sa lahat sa kanilang pagharap sa mga paghihirap at pagsubok sa ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglalakbay sa karagatan, ang mga mandaragat, mga mangingisda, at yaong mga taong sa dagat nagmumula ang ikinabubuhay nawa’y makadama ng kasiguruhan at kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nanghihina sa kanilang pananampalataya nawa’y mapatatag sa pamamagitan ng tulong at suporta ng kanilang mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may kapansanan at mga nagdurusa sa matagal na karamdaman nawa’y makatagpo ng kapayapaan kay Kristong may kapangyarihang magpagaling, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makadama ng walang hanggang kapayapaan kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama sa Langit, patatagin nawa kami ng mga pagsubok at suliranin ng buhay na puno ng unos, at magdulot nawa ito ng kapayapaan sa aming mga kaluluwa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 83,423 total views

 83,423 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 111,714 total views

 111,714 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 157,646 total views

 157,646 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 190,728 total views

 190,728 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 213,794 total views

 213,794 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Hulyo 28, 2026

 821 total views

 821 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 2,379 total views

 2,379 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 3,825 total views

 3,825 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 5,251 total views

 5,251 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 7,038 total views

 7,038 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top