Lunes, Hunyo 30, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,414 total reads

Lunes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita sa Mga Unang Martir ng Banal na Sambayanan ng Diyos sa Roma

Genesis 18, 16-33
Salmo 102, 1-2. 3-4. 8-9. 10-11

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Mateo 8, 18-22

Monday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (White)

or Optional Memorial of the First Martyrs of the Holy Roman Church (Red)

UNANG PAGBASA
Genesis 18, 16-33

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Nang umalis ang tatlong lalaki, inihatid sila ni Abraham sa labasan. Umahon sila sa isang dako na natatanaw ang Sodoma. Sinabi ng Panginoon, “Hindi ko dapat ilihim kay Abraham ang aking gagawin, yamang pinili ko siyang maging ama ng isang makapangyarihang bansa. Lahat ng lahi sa daigdig ay pagpapalain ko sa pamamagitan niya. Pinili ko siya upang ipasunod niya sa kanyang lahi ang aking mga utos, sa pamamagitan ng paggawa nang matuwid at pagpapairal ng katarungan. Sa gayo’y matutupad ko ang aking pangako sa kanya.”

Kaya’t sinabi pa ng Panginoon, “Katakut-takot na ang sumbong sa akin laban sa Sodoma at Gomorra, at napakalaki ng kanilang kasalanan. Paroroon ako at aalamin ko kung ito’y totoo.”

Umalis nga ang mga lalaki at nagpunta sa Sodoma, ngunit nanatili ang Panginoon sa tabi ni Abraham. Itinanong ni Abraham, “Lilipulin po ba ninyo ang lahat ng tao, may kasalanan man o wala? Sakaling may limampung matuwid sa lungsod, wawasakin po ba ninyo iyon? Hindi ba ninyo patatawarin ang lungsod dahil sa limampung iyon? Naniniwala akong hindi idaramay ang mabubuti. Hindi ninyo gagawin iyon sapagkat kung ganito ang mangyayari, parehong magdurusa ang masama at mabuti. Hindi ito mangyayari! Makatarungan ang Hukom ng buong daigdig!”

At tumugon ang Panginoon, “Hindi ko ipahahamak ang lungsod dahil sa limampung matuwid.”

“Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan,” wika ni Abraham, “wala po akong karapatang magsalita sa inyo, pagkat alabok lamang ako. Kung wala pong limampu, at apatnapu’t lima lamang ang matuwid, wawasakin ba ninyo ang lungsod?”

“Hindi, hindi ko wawasakin dahil sa apatnapu’t limang iyon,” tugon ng Panginoon.

Nagtanong na muli si Abraham, “Kung apatnapu lamang?”

“Hindi ko wawasakin ang lungsod dahil sa apatnapung iyon,” tugon sa kanya.

“Huwag sana kayong magagalit, magtatanong pa ako. Kung tatlumpu lamang ang taong matuwid doon, hindi rin ninyo wawasakin?”

Sinagot siya, “Hindi ko wawasakin ang lungsod dahil sa tatlumpung iyon.”

Sinabi pa ni Abraham, “Mangangahas po uli ako. Kung dalawampu lamang ang matuwid na naroon?”

“Hindi ko pa rin wawasakin ang lungsod dahil sa dalawampung iyon,” muling tugon sa kanya.

Sa katapusa’y sinabi ni Abraham, “Ito na po lamang ang itatanong ko: Kung sampu lamang ang matuwid na naroon?

“Hindi ko pa rin wawasakin ang lungsod dahil sa sampung iyon,” tugon ng Panginoon. Pagkasabi nito, umalis na siya at umuwi naman si Abraham.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 3-4. 8-9. 10-11

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,
ang anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos,
kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos.
Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim;
yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway;
di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan.
Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,
gayun ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 8, 18-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang makapal na tao sa kanyang paligid, iniutos niya sa mga kasama na maghandang tumawid sa ibayo. Nilapitan siya ng isang eskriba at sinabi sa kanya, “Guro, susunod po ako sa inyo saan man kayo pumaroon?” Sumagot si Hesus: “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.” Isa naman sa mga alagad ang nagsabi sa kanya, “Panginoon, maaari po bang umuwi muna ako upang ipalibing ang aking ama?” Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin, at ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Iluhog natin ang ating mga pangangailangan sa Diyos Ama, kung saan naroon ang kanyang Anak na nauna na sa atin at tumatawag sa atin na sundan siya. Manalangin tayo nang may pananalig sa biyaya sa pagtanggap sa pagtawag na ito.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, bigyan mo kami ng biyaya na sundan ang iyong anak.

Ang mga pinuno ng Simbahan at yaong mga nagpapahayag ng Salita ng Diyos nawa’y maging masigasig sa kanilang pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating komunidad sa araw-araw nawa’y mapanibago sa pananampalataya sa Salita ng Diyos na tumatawag sa atin sa isang mabuting buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nawalan ng pag-asa dahil sa mga pagkakasala nawa’y mapagtanto na kasa-kasama natin si Kristo, ang ating pinuno, at pinapasan ang ating mga suliranin, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga pinahina ng pagkakasakit at karamdaman nawa’y mapanatag sa kasiyahan ng Diyos dulot ng kalinga at pagtulong ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y makasunod kay Kristo at makapasok sa walang katapusang presensya ng Diyos sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama, sa aming pagnanais na sumunod sa yapak ng iyong Anak, gawin mo kaming iisa sa isip at puso sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 10,859 total reads

Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon. 

Mayorya ng mga upuan sa kanilang House of Representatives at Senado ay nakuha ng mga kandidato mula sa Democratic Party; si Pangulong Trump ay mula naman sa Republican Party. Ang ibig sabihin nito, mas malakas na muli ang tinatawag na “legislative check” sa ehekutibong sangay. Sa mahabang panahon kasi, kontrolado ng mga kakampi at kapartido ni Pangulong Trump ang Kongreso doon, kaya natatabunan ang mga kumukuwestyon sa kanyang mga ginagawa. Ngayon, ayon sa mga analysts, magiging malaking hamon para kay Pangulong Trump ang pagkuha ng suporta ng mga kongresista at senador para sa mga gagawin niya sa nalalabing panahon ng kanyang termino.

Malayo man ang Amerika sa Pilipinas, ramdam na ramdam natin ang epekto ng mga ginagawa ng kanilang gobyerno. Pinakamatindi sa mga ito ang giyerang sinimulan ng Amerika sa Middle East, partikular na sa Iran, sa unang bahagi ng 2026. 

Krisis na ngang maituturing ang pagsirit ng presyo ng langis, lalo pa’t 95% ng langis natin ay inaangkat mula sa Middle East. Dahil sa giyera, pahirapan ang paglabas ng langis sa rehiyon, at ang resulta nito ay mas kaunting suplay at mas mahal na presyo. Naaalala pa ba ninyo nang lumampas sa sandaang piso ang kada litro ng diesel? Napililtan ang gobyerno natin na magdeklara ng national energy emergency. Sumunod dito ang pagtaas ng pamasahe, singil sa kuryente, at presyo ng mga pagkain. Dahil malaking bahagi ng kinikita ng mga ordinaryong pamilya ang napupunta sa mga bagay na ito, bumagsak sa kanila ang bigat ng krisis.

Marami rin sa mga overseas Filipino workers (o OFW) ay nagtatrabaho sa Middle East. Nasa 2.5 milyon ang OFW doon, kaya hindi biro ang bilang ng mga pamilya nila rito na umaasa sa kanilang remittances. Dahil malapit sila sa lugar kung saan may kaguluhan, may mga pinagtatrabahuhan sila na nagbawas ng operasyon o tuluyang nagsara. Depende sa bansang target puntahan ng mga Pilipinong manggagawa, may mga lugar na hindi pinapayagang pumasok ang mga bagong OFW. Maaari namang bumalik ang mga kababayan nating may umiiral na employment contracts, pero hindi man apektado ang kanilang trabaho, nalalagay naman sa panganib ang kanilang buhay. 

Maliban sa giyerang sinimulan ng Amerika, apektado rin ang ating ekonomiya ng mas matass na buwis na ipinapataw sa mga produktong ine-export natin. Maswerte pa rin tayo kumpara sa mga kapitbahay natin na pinatawan ng mas mataas na tariff, pero ang patakarang ito ng Amerika ay nagpahina sa halaga ng piso laban sa dolyar. Kapag mas mahina ang piso—ibig sabihin, mas maraming piso ang kailangan para bilhin ang mga produktong dolyar ang halaga—nagiging mas mahal ang mga ini-import nating produkto gaya nga ng langis. 

Ilan lamang ang mga epektong ito sa katotohanang kinikilala maging ng mga panlipunang turo ng Simbahan: na ang lahat ng tao ay magkakaugnay, at ang mga bansa ay dapat nakasalalay sa isa’t isa. Ang desisyong ginagawa ng mga makapangyarihang bansa katulad ng Estados Unidos ay may kaakibat na responsabilidad dahil may implikasyon ito sa mga bansang hindi nila kasinlakas o kasinlaki, gaya ng Pilipinas. Kapag ang isang malaking bansa ay gumagawa ng hakbang na hindi lang nagpapataas sa presyo ng langis kundi nagbabanta sa buhay ng mga mamamayan, nalalagay sa alanganin ang prinsipyo ng solidarity. Dapat tandaan ng mga tinaguriang global superpowers na hindi lang dapat sarili nilang interes ang kanilang itinataguyod. 

Mga Kapanalig, gaya ng paalala sa 1 Timoteo 2:1-2, “idalangin [natin] ang mga may kapangyarihan, upang tayo’y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.”

Sumainyo ang katotohanan.

Isabuhay ang “see, judge at act” upang matugunan ang krisis pangkalikadan, apela ng Diocese of Borongan

 10,048 total reads

Hinimok ng Diocese of Borongan ang mga mananampalataya na isabuhay ang pamamaraang “See, Judge, and Act” o “Tumingin, Magnilay at Kumilos” upang tugunan ang lumalalang krisis pangkapaligiran, kasabay ng paggunita sa ika-13 anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda.

Sa mensaheng inilabas nitong Nobyembre 8, 2026, sinabi ni Diocesan Administrator Rev. Fr. Jan Michael J. Gadicho na hindi lamang takot at pinsala ang dapat alalahanin sa trahedya kundi pati ang pag-asa, karunungan, pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pilipinong bumangon at muling nagtayo ng kanilang mga komunidad.

“Thirteen years ago, Super Typhoon Yolanda swept over our land. As we remember it today, we do not go back to the horror and the fear. We go back to the hope and the wisdom it left us. Out of our ruins, God raised a people who learned to stand, to share, and to rebuild together.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gadicho.

Muli ring ipinagkatiwala ng diyosesis sa habag ng Diyos ang mga kaluluwa ng mga nasawi at ang mga naulilang pamilya, habang pinasalamatan ang mga indibidwal, komunidad at organisasyong tumulong sa mga nasalanta.

Gayunman, binigyang-diin ni Fr. Gadicho na hindi sapat ang pag-alala lamang sa trahedya dahil patuloy na lumalala ang mga suliraning pangkapaligiran.

“We continue to entrust the souls of the victims to the compassionate hands of God, and the grieving families to his consoling heart. We thank the Lord for the generous people, communities, institutions, and organizations who eased our burdens and inspired us by their generosity. But remembering is not enough. Yolanda asks something of us today, in the midst of an environmental emergency that grows more urgent each year. The Church gives us a way to respond: see, judge, and act.” Dagdag pa ni Fr. Gadicho.

Hinimok ng tagapangasiwa ng Diyosesis ng Borangan ang publiko “TO SEE,” o buksan ang mga mata sa paghihirap ng kalikasan at ng mahihirap na mamamayan, kabilang ang mapanirang pagmimina, mas malalakas na bagyo, pagtaas ng lebel ng dagat, pagguho ng mga baybayin at pagkasira ng kabuhayan.

Binigyang-diin rin ng Pari sa kanyang mensahe ang paalala ni Pope Francis sa Laudato Si’ na ang pagtangis ng daigdig ay pagtangis rin ng mga dukha dahil ang mga mahihirap at bulnerableng komunidad ang unang nakararanas ng pinakamabigat na epekto ng krisis na hindi nila pangunahing kagagawan.

“Let us open our eyes to the suffering of creation and of the poor: our islands exploited by mining, stronger storms, rising seas, eroded coasts, destroyed livelihoods, and families who must rebuild again and again. “The cry of the earth is the cry of the poor” (Laudato Si, 49). Those who suffer first and most are those who did the least to cause the crisis.” Ayon pa kay Fr. Gadicho.

Hinimok rin ng Pari ang mga mananampalataya “TO JUDGE” o suriin ang mga suliraning pangkapaligiran batay sa liwanag ng Ebanghelyo at ipinaalala na ang mundo ay kaloob ng Diyos na ipinagkatiwala sa tao, hindi pag-aari upang abusuhin o pagsamantalahan.

Ayon kay Fr. Gadicho, “Let us weigh what we see in the light of the Gospel. The earth is a gift entrusted to us by the Creator, not a possession to be exploited.

The Word of God reminds us, The LORD God took the man and put him in the garden of Eden to till it and keep it ” (Genesis 2:15). The cry of the earth is also a cry for justice and stewardship. Neglecting creation and neglecting the poor are one and the same failure of love.”

nanawagan din si Fr. Gadicho sa bawat mananampalata “TO ACT” o konkretong kumilos para pangalagaan ang ating iisang tahanan.

Kabilang sa mga iminungkahing hakbang ng Pari ang pagtutol sa mapanirang pagmimina, pagtatanim at pangangalaga ng mga puno at bakawan, pagbabawas ng basura, paghahanda ng mga pamilya at parokya sa mga sakuna, pagtulong sa mga bulnerableng sektor at pagsusulong ng makatarungan at responsableng mga patakaran pangkapaligiran.

“Let us act with care for our common home: reject destructive mining, plant and protect trees and mangroves, reduce waste, prepare our families and parishes for disasters, support those most vulnerable, and make our voices heard for just and responsible policies. Let us begin in our homes, parishes, schools, and communities.” Ani Fr. Gadicho.

Hinimok din ang bawat isa na simulan ang pagkilos sa kani-kanilang tahanan, parokya, paaralan at komunidad.

“We ask the Lord for guidance and strength, that, learning from the impact of Yolanda, we may be compelled to see, to judge, and to act. May the God who walked with us through the storm keep us steadfast in hope and generous in love.” Panalangin ni Fr. Gadicho.

Ayon kay Fr. Gadicho, ang tunay na pag-alala sa mga nasalanta ng Yolanda ay dapat magbunga ng malasakit, katarungan at sama-samang pagkilos, lalo na para sa mga mahihirap na higit na nagdurusa sa epekto ng pagkasira ng kalikasan.

Rekindle my zeal for you, O Lord…

 8,618 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Feast of the Dedication of the Lateran Basilica, 09 November 2026
Ezekiel 47:1-2, 8-9, 12  ><}}}}*>  1 Corinthians 3:9-16-17  ><}}}}*>  John 2:13-22
Photo by author, Cathedral of the Our Lady of Pillar, Imus, Cavite, 27 October 2026.
Let your zeal 
for your house
consume me, Lord Jesus!
On this feast of the dedication
of the St. John Lateran Basilica
which is the "mother and head 
of all churches of Rome 
and the world",
I pray for a thorough
cleansing of ourselves
and of the Church
from the inside;
as I pray on that scene
when you "made a whip
out of cords and drove out 
all the money changers with
their tables" along with the
animals and doves being sold
there, I see the present situation
of your Church, Jesus;
yes, we have made the Father's house
a marketplace - 
everything has become a business 
because we are
so afraid of having less,
of being poor,
of going hungry and thirsty
that is why we have gravitated
towards the rich and powerful,
including corrupt politicians 
we love rubbing elbows with
totally forgetting the poor and
the hungry, the very people themselves
we are meant to serve
we have actually detached from.
Cleanse our very hearts,
Jesus, for we your clergy 
are your vessels and instruments 
to make known your gospel 
but sadly we have become so busy 
with so many other works
we have justified, 
leaving us without time with you
in personal, daily prayers
that have made our celebrations
of the Mass empty,
becoming selective in dispensing 
the sacraments especially
Confession and Anointing
while our lives drift apart from
your ways, we becoming the 
influencer,
the star.
Reignite our zeal
for your Church, Jesus
that we finally make 
a firm stand against sin
and evils perpetrated by brothers
hiding in cassocks and vestments;
we pray for every bishop
not to dilly dally in their being
teachers of faith that they may
defend always the teachings of
the Church instead of being 
accommodating with the ways of
the world; we pray for every bishop
to use their staff in disciplining
wayward priests
while being fair and just
with all their priests.
Let us overturn,
Jesus, the systemic 
culture of silence among us
your priests so that we may 
walk our talks,
do away with clericalism
and petty turf wars that bloated
our ego to forget our calling
to bring life
and joy
to those suffering
and in pain
especially those
at the margins.
Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 10,860 total reads

 10,860 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 60,017 total reads

 60,017 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 161,283 total reads

 161,283 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 231,459 total reads

 231,459 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 317,345 total reads

 317,345 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 15,706 total reads

 15,706 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 18,229 total reads

 18,229 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 20,312 total reads

 20,312 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 18,831 total reads

 18,831 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 19,931 total reads

 19,931 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top