Miyerkules, Hunyo 3, 2026

SHARE THE TRUTH

 7,654 total views

Paggunita kina San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir

2 Timoteo 1, 1-3. 6-12
Salmo 122, 1-2a. 2bkd

Ang mata ko’y nakatuon
sa ‘yo lamang, Panginoon.

Marcos 12, 18-27

Memorial of Sts. Charles Lwanga and Companions, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
2 Timoteo 1, 1-3. 6-12

Ang simula ng Ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Mula kay Pablo na niloob ng Diyos na maging apostol ni Kristo Hesus upang mangaral tungkol sa buhay na ipinangakong kakamtan natin kay Kristo Hesus.

Kay Timoteo na minamahal kong anak:

Sumaiyo nawa ang pagpapala, ang habag, at ang kapayapaan mula sa Diyos Ama at kay Kristo Hesus na ating Panginoon.

Nagpapasalamat ako sa Diyos na pinaglingkuran ko nang tapat – tulad ng ginawa ng aking mga ninuno – tuwing aalalahanin kita sa aking mga panalangin araw-gabi. Dahil dito, ipinaaalaala ko sa iyo na maging masigasig ka sa pagtupad sa tungkuling tinanggap mo sa Diyos nang ipatong ko ang aking mga kamay sa ulo mo. Sapagkat hindi espiritu ng kaduwagan ang ibinigay sa atin ng Diyos kundi Espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili.

Kaya’t huwag mong ikahiya ang pagpapatotoo tungkol sa Panginoon o ang aking pagkabilanggo dahil sa kanya. Sa halip, makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita, sa tulong ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin upang tayo’y maging kanyang bayan. Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo Hesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon. Ngunit nahayag lamang ito nang dumating si Kristo Hesus na ating Tagapagligtas. Nilupig niya ang kamatayan at inihayag ang buhay na walang haggan sa pamamagitan ng Mabuting Balita.

Ako’y ginawang apostol at guro upang ipahayag ang Mabuting Balitang ito, at iyan ang dahilan kaya ako nagdurusa nang ganito. Gayunma’y hindi ko ikinahihiya ang nangyayaring ito sa akin, sapagkat lubos kong nakikilala ang aking pinananaligan at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 122, 1-2a. 2bkd

Ang mata ko’y nakatuon
sa ‘yo lamang, Panginoon.

Ang aking pangmasid doon nakapukol,
sa luklukang trono mo, O Panginoon.
Tulad ko’y aliping ang inaasahan
ay ang amo niya para matulungan.

Ang mata ko’y nakatuon
sa ‘yo lamang, Panginoon.

Kaya walang humpay ang aming tiwala,
hanggang ikaw, Poon, sa ami’y maawa.

Ang mata ko’y nakatuon
sa ‘yo lamang, Panginoon.

ALELUYA
Juan 11, 25a. 26

Aleluya! Aleluya!
Pagkabuhay ako’t buhay;
ako’y inyong panaligan
nang di mamatay kailanman.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 18-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo ay naninindigan na hindi muling bubuhayin ang mga patay. “Guro,” anila “naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki’y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.’ May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay na wala ring anak. Gayun din ang nangyari sa pangatlo at sa mga sumusunod pa: isa-isang napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid, at sila’y namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha’y namatay rin ang babae. Ngayon, sino po sa pito ang kikilalanin niyang asawa sa muling pagkabuhay, yamang napangasawa niya silang lahat?” Sumagot si Hesus, “Maling-mali kayo. Alam ninyo kung bakit? Hindi ninyo nababatid ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao’y hindi na mag-aasawa; sila’y magiging tulad ng mga anghel sa langit. Tungkol naman sa muling pagkabuhay – hindi pa ba ninyo nababasa sa aklat ni Moises ang tungkol sa nagliliyab na mababang punongkahoy? Ganito ang nasusulat na sinabi ng Diyos kay Moises. ‘Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Napakamaluwalhati ng kapayapaan at pag-asa ng Muling Pagkabuhay! Malaya ang ating mga puso mula sa di-makatwirang pag-aalinlangan at pagdududa sapagkat naniniwala tayo sa pangako ng Iisang nabuhay na mag-uli sa walang hanggang kaluwalhatian, manalangin tayo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng mga Buhay, pakinggan mo kami

Ang Simbahan nawa’y patuloy na magpahayag ng Mabuting Balita ng Muling Pagkabuhay at ng buhay na darating, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating pang-araw-araw na buhay, tayo nawa’y makapaghatid ng liwanag ng pag-asa sa mga nabubuhay sa kadiliman at kawalang ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyano saanman nawa’y hindi maging mga taong legalismo at mga panlabas na tumutupad sa batas, kundi maging mga taong mayroong pusong ginagawa ang mga nararapat nilang gawin bilang mga anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y matagpuan ang mapagpagaling na presensya ni Kristo sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating pananalangin para sa yumao, at para sa mga nagluluksa para sa kanilang paglisan, nawa’y magdulot sa kanila ng pag-asa at kasiyahan sa kanilang paghihinagpis ang Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob, Diyos ng mga buhay at bukal ng buhay at ang lahat ng pag-iral, pakinggan mo ang aming mga panalangin na itinataas namin sa iyo sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 84,704 total views

 84,704 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 112,995 total views

 112,995 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 158,927 total views

 158,927 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 192,009 total views

 192,009 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 215,013 total views

 215,013 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Hulyo 28, 2026

 902 total views

 902 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 2,460 total views

 2,460 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 3,906 total views

 3,906 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 5,290 total views

 5,290 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 7,077 total views

 7,077 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top