Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, NOBYEMBRE 29, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,462 total views

Miyerkules ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Daniel 5, 1-6. 13-14. 16-17. 23-28
Daniel 3, 62. 63. 64. 65. 66. 67

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Lucas 21, 12-19

Wednesday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Daniel 5, 1-6. 13-14. 16-17. 23-28

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Noong mga araw na iyon, si Haring Belsasar ay nagdaos ng malaking piging para sa sanlibong tagapamahala niya. Nang kasalukuyan silang nag-iinuman, ipinakuha ni Haring Belsasar ang mga kagamitang ginto at pilak na sinamsam ng ama niyang si Nabucodnosor sa templo ng Jerusalem. Ipinakuha niya ang mga ito upang inuman nila – ng mga maharlika ng kaharian, mga tunay na asawa at mga aliping asawa. Ang mga kagamitang ginto at pilak na sinamsam sa templo ng Diyos ay dinala nga sa bulwagang pinagdarausan ng piging. Habang sila’y nag-iinuman, sinasamba naman nila ang kanilang diyus-diyusang ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy at bato.

Walang anu-ano, lumitaw ang isang kamay at kitang-kita ni Haring Belsasar na ito’y sumulat sa pader ng palasyo, sa tapat ng kandelero. Dahil dito, nangalisag ang kanyang mga balahibo at namutla siya sa matinding takot.

At ipinatawag si Daniel at iniharap sa hari. Sinabi nito kay Daniel, “Ikaw ba ang Daniel na kasama sa mga binihag ng aking ama mula sa Juda? Nabalitaan kong sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos. May pambihirang talino ka raw at kaalaman. Nabalitaan ko na marunong kang magpaliwanag ng mga bagay na tulad nito at mahusay kang lumutas ng mga palaisipan. Ngayon, kung mababasa mo at maipapaliwanag ang sulat na ito, pararamtan kita ng purpura, kukuwintasan ng ginto at gagawing pangatlong tao sa kaharian.”

Sinabi ni Daniel sa hari, “Mahal na hari, huwag na po ninyo akong bigyan ng anuman; ibigay na ninyo sa iba ang sinasabi ninyong gantimpala. Babasahin ko na po lamang at ipaliliwanag ang sulat.

“Nagpakataas kayo sa harapan ng Panginoon. Ipinakuha ninyo ang mga kagamitan sa kanyang templo at ginamit sa inuman. Bukod doon, sumamba kayo sa mga diyos ninyong yari sa ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy at bato, mga diyos na hindi nakakikita ni nakaririnig. At ang Diyos na nagbibigay sa inyo ng buhay ay hindi ninyo pinarangalan. Kaya, ipinadala ang kamay na yaon at pinasulat sa dingding ng inyong palasyo.

“Ito ang sulat: Mene, mene, tekel, parsin. Ito naman ang ibig sabihin: Mene, nabibilang na ang araw ng iyong kaharian pagkat wawasakin na ito ng Diyos. Tekel, ikaw ay tinimbang at napatunayang nagkukulang. Parsin, ang kaharian mo at mahahati at ibibigay sa Media at Persia.”

Ang Salita ng Diyos

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 62. 63. 64. 65. 66. 67

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, araw at buwan;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga bituin sa langit;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga ulan at hamog;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, lahat ng hanging umiihip sa sandaigdigan;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, apoy at init;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon,
nakapapasong init at matinding lamig;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

ALELUYA
Pahayag 2, 10k

Aleluya! Aleluya!
Manatili kang matapat
hanggang iyong kamatayan,
pagkat buhay, aking bigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 12-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Darakpin kayo’t uusigin. Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Sa Diyos ang daigdig at ang sangkatauhan. Ipagkatiwala natin ang ating sarili sa kanya, nang may pananalig at umasa sa kanyang pagtatanggol.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, manatili nawa kami sa Iyong pagkalinga.

Ang Simbahan nawa’y tumingin sa kinabukasan nang may kapayapaan at pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating paggawa ng kabutihan, ang mga hinahamak, mga tinanggihan, at mga hindi minamahal sa ating lipunan nawa’y makadama ng kalinga ng Diyos sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng matatag na pananalig kay Jesus na nagbubukas ng ating paningin sa kagandahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at ang mga nagdurusa nawa’y makita at madama ang mapagpagaling na presensya ng Diyos sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at mga kaibigan nawa’y pagkalooban ng walang hanggang liwanag at biyaya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, punuin mo kami ng iyong pag-ibig at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang makakilos at makagawa kami sa liwanag ni Kristo, ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 34,377 total views

 34,377 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 40,601 total views

 40,601 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 49,294 total views

 49,294 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 64,062 total views

 64,062 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 71,182 total views

 71,182 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Setyembre 15, 2024

 1,158 total views

 1,158 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 2,135 total views

 2,135 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 2,623 total views

 2,623 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 3,017 total views

 3,017 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 3,320 total views

 3,320 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »

Martes, Setyembre 10, 2024

 3,236 total views

 3,236 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 2,795 total views

 2,795 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 2,825 total views

 2,825 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 3,139 total views

 3,139 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 3,375 total views

 3,375 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 4,010 total views

 4,010 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 4,267 total views

 4,267 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 4,650 total views

 4,650 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 5,063 total views

 5,063 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 5,722 total views

 5,722 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »
Scroll to Top