MIYERKULES, NOBYEMBRE 8, 2023

SHARE THE TRUTH

 4,298 total views

Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Roma 13, 8-10
Salmo 111, 1-2. 4-5. 9

Ang taong tunay na mat’wid
ay mahabagi’t mabait.

Lucas 14, 25-33

Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Roma 13, 8-10

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, liban sa saguting tayo’y mag-ibigan; sapagkat ang umiibig sa kapwa ay nakatutupad sa kautusan. Ang mga utos, gaya ng, “Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mag-iimbot,” at ang alinmang utos na tulad ng mga ito ay nabubuo sa ganitong pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya’t ang pag-ibig ang kabuuan ng kautusan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 111, 1-2. 4-5. 9

Ang taong tunay na mat’wid
ay mahabagi’t mabait.

o kaya: Aleluya.

Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,
siyang sumusunod nang buong alindog.
Ang kanyang lipi’y magiging dakila,
pati mga angkan ay pinagpapala.

Ang taong tunay na mat’wid
ay mahabagi’t mabait.

Ang taong matuwid, may bait at habag,
kahit sa madilim taglay ay liwanag.
Ang mapagpautang nagiging mapalad,
kung sa hanapbuhay siya’y laging tapat.

Ang taong tunay na mat’wid
ay mahabagi’t mabait.

Mabait na lubha, lalo sa mahirap,
ang pagiging mat’wid ay di nagwawakas.
Buong karangalan siyang itataas.

Ang taong tunay na mat’wid
ay mahabagi’t mabait.

ALELUYA
1 Pedro 4, 14

Aleluya! Aleluya!
Hirap kaisa ni Kristo
ay kapalarang totoo,
kaloob ng Espiritu.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 14, 25-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sumama kay Hesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko. Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung, may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon? Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman maipatapos – siya’y kukutyain ng lahat ng makakakita nito. Sasabihin nila: ‘Nagsimulang magtayo ang taong ito pero hindi naipatapos.’ O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang sampunlibo niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may dalawampunlibong tauhan? At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo. Gayun din naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Lumapit tayo sa Diyos Ama upang makasunod tayo kay Kristo nang hindi pabagu-bago at makatugon sa mga hamon ng pagiging alagad.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa Ngalan ni Jesus, pakinggan mo ang aming panalangin.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y patuloy na magpakita ng tunay na pagiging alagad, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang iwaksi ang pananalig sa mga materyal na kayamanan at matagpuan ang tunay na katatagan sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi tumalikod sa mga pagsubok, at sa halip harapin natin ang mga krus na dumarating sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may pinapasang krus sa katawan, isip, o sa espiritwal na paghihirap nawa’y matutong lumakad sa mga yapak ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at kapatid na nagpasan ng krus ni Kristo sa mundong ito nawa’y maging maligaya na sa walang hanggang kasiyahan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, alam mo ang marami at iba’t ibang pangangailangan namin sa buhay na ito. Bigyan mo kami ng tapang upang pasanin ang aming krus at sumunod sa mga yapak ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 101,371 total views

 101,371 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 124,530 total views

 124,530 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 145,804 total views

 145,804 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 307,856 total views

 307,856 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Abril 17, 2026

 4,803 total views

 4,803 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling.

Read More »

Huwebes, Abril 16, 2026

 5,898 total views

 5,898 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag

Read More »

Miyerkules, Abril 15, 2026

 5,898 total views

 5,898 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay

Read More »

Martes, Abril 14, 2026

 3,337 total views

 3,337 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y

Read More »

Lunes, Abril 13, 2026

 2,668 total views

 2,668 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 4, 23-31 Salmo 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top