Miyerkules, Oktubre 9, 2024

SHARE THE TRUTH

 4,510 total views

Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir
o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari

Galacia 2, 1-2. 7-14
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Lucas 11, 1-4

Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Denis, Bishop, and Companions, Martyrs (Red)
or Optional Memorial of St. John Leonardi, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Galacia 2, 1-2. 7-14

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, makalipas ang labing-apat na taon, muli akong pumunta sa Jerusalem na kasama sina Bernabe at Tito. Nagbalik ako sapagkat ipinaalam sa akin ng Diyos na dapat akong pumaroon. Nakipagpulong ako nang sarilinan sa mga pangunahin sa simbahan, at ipinaliwanag ko sa kanila ang Mabuting Balita ng kaligtasan na ipinangangaral ko sa mga Hentil. Ginawa ko ito sapagkat ayokong mawalan ng kabuluhan ang aking pagpapagal sa nakaraan at sa kasalukuyan.

Sa halip, kinilala nilang ako’y hinirang ng Diyos upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa mga Hentil, tulad din ng pagkahirang kay Pedro upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa mga Judio. Ang Diyos na humirang kay Pedro bilang apostol sa mga Judio ang siya ring humirang sa akin bilang apostol sa mga Hentil. Nabatid nina Santiago, Pedro at Juan, mga kilalang haligi ng simbahan, na ang Diyos ang siyang nagbigay sa akin ng tanging kaloob na ito. Kaya’t kami ni Bernabe’y tinanggap nila bilang mga kamanggagawa. Pinagkasunduan namin na kami’y sa mga Hentil at sa mga Judio naman sila. Ang hiling lamang nila ay huwag naming pababayaan ang mga dukha, na talaga namang pinagsisikapan kong gawin.

Nang si Pedro’y nasa Antioquia, hayagan kong sinabi sa kanyang mali ang kanyang ginagawa. Sapagkat noong hindi pa dumarating ang ilang lalaking pinaparoon ni Santiago, siya’y sumasalo sa mga Hentil. Subalit nang dumating ang mga iyon, siya’y lumayo at hindi na nakisalo sa kanila dahil sa takot sa pangkat ng mga Judio. At gumaya rin sa kanya ang ibang mga kapatid doon na mga Judio; pati na si Bernabe’y natangay sa kanilang pagkukunwari. Nang makita kong hindi sila namumuhay ayon sa tunay na diwa ng Mabuting Balita, sinabi ko kay Pedro sa harapan nilang lahat, “Kung ikaw na isang Judio ay namumuhay na parang Hentil at di bilang isang Judio, paano mo mapipilit ang mga Hentil na mamuhay na gaya ng mga Judio?”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

o kaya: Aleluya.

Purihin ang Poon!
Dapat na purihin ng lahat ng bansa,
Siya ay purihin
ng lahat ng tao sa balat ng lupa.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Pagkat ang pag-ibig
na ukol sa ati’y dakila at wagas,
at ang katapatan niya’y walang wakas.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

ALELUYA
Roma 8, 15bk

Aleluya! Aleluya!
Espiritu ng Diyos Anak
ay siyang ating tinanggap
nang D’yos Ama ay matawag.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 11, 1-4

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Minsan, nananalangin si Hesus. Pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.” Sinabi ni Hesus, “Kung kayo’y mananalangin, ganito ang sabihin ninyo:

‘Ama, sambahin nawa ang pangalan mo.
Magsimula na sana ang iyong paghahari.
Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Manalangin tayo sa Amang nasa Langit na mayroong ganap na pananalig sa kanya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, bigyan Mo kami ng makakakain sa araw-araw.

Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y magpahayag ng malalim na pananalig sa pagdating ng Kaharian ng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa gitna ng mga pagsubok sa buhay, nawa’y patuloy tayong nagdarasal at hindi magpadaig sa anumang tukso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng sapat na makakain sa araw-araw na pangangailangan at magkaroon ng dakilang puso upang patawarin ang ating mga kaaway, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at ang mga nakararanas ng paghihirap sa buhay nawa’y matulungan ng kanilang kapwa sa pagpapasan ng kanilang krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makita ang Panginoon nang harapan sa kanyang walang hanggang tahanan sa paraiso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa iyong pakikinig sa aming mga panalangin. Tulungan ninyo kaming manalig palagi sa iyong pagmamahal at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

REAL LIFE

 6,167 total views

Gospel Reading for August 7, 2026 – Matthew 16: 24-28

REAL LIFE

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake will find it. What profit would there be for one to gain the whole world and forfeit his life? Or what can one give in exchange for his life? For the Son of Man will come with his angels in his Father’s glory, and then he will repay each according to his conduct. Amen, I say to you, there are some standing here who will not taste death until they see the Son of Man coming in his Kingdom.”

————

There is a story about a man from the province who visited Metro Manila for the first time. He was taken to the huge malls, magnificent fountains, and luxurious resorts. Overwhelmed by what he saw, he exclaimed, “So, this is the REAL LIFE! I wish I could stay here.”

But is it really?

Working on a farm to grow vegetables and fruit, raising livestock to feed one’s family and to provide food for others—including those living in crowded cities where there are few farms; having more time to spend with family because life is not consumed by the countless distractions of the metropolis; enjoying the beauty of nature at its finest; breathing cleaner air with less pollution; living in peace and quiet with less traffic, construction, and noise; and experiencing a strong sense of community where neighbors genuinely care for one another. Life moves at a slower pace, bringing less pressure and stress.

Isn’t this the REAL LIFE?

Many of us, however, are tempted to believe that REAL LIFE consists of having every comfort and luxury imaginable; becoming popular and occupying prestigious positions in business, government, or the academe; earning far more than the average worker; accumulating wealth and properties; moving in elite social circles; and building a large bank account.
Yet the more our hearts become attached to these things, the more difficult it becomes to follow Jesus, who tells us, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me.”

Does this mean that Jesus does not want us to enjoy life? Certainly not. Rather, he teaches us not to pursue happiness at the expense of others—not to become indifferent to the suffering and needs of those around us, or worse, to become the very cause of their suffering. A life centered only on ourselves is not the life Jesus calls us to live. We are not created for nothing. Ironically, the more we cling to that kind of life, the more we lose what REAL LIFE truly is.

We are created for a purpose: to do our share in making the world a good place to live in for everyone, using the gifts/talents God gave us.

Lord Jesus, help us to live the life you desire for us, for we believe that this is the only life that leads to eternal life. Amen.

Our continuing journey in Christ

 7,054 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
First Friday in August, Eighteenth Week of Ordinary Time, Year II
07 August 2026
Nahum 2:1, 3; 3:1-3, 6-7     <*((((>< + ><))))*>     Matthew 16:24-28
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Thank you for this
first Friday in August,
Lord Jesus; 
your words remind us 
of our continuing journey
in you
and with you;
many times, 
we go towards you
but sometimes
we go on so many detours
because we think them
as shortcuts,
as better,
most often but wrongly,
much lighter.

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses hisnlife for my sake will find it (Matthew 16:24-25).

Christian journey
is a continual turning 
of our hearts to you,
Lord Jesus;
problem is how we 
easily forget,
how foolishly we insist
like the people of Nineveh
to live in power and wealth,
in greed and violence,
in selfishness;
life and its fullness can only
be found in you, Jesus;
help us find our way back to you
when we are lost,
let us leave the sidewalks
to join you on the road itself
as we journey to the Cross
so that along the way
experience your life
and joy and fulfillment.
Amen.

Jesus meek and humble of heart,
make my heart like thine!
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.

CONFIDENTIAL FUND

 51,133 total views

Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o pera ng taumbayan. Maaring iba’t-iba ang paraan ng pag-audit, ngunit naroon ang obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan na magpaliwanag at mag-liquidate sa ponding ginasta.

Kapag sinasabing confidential fund, hindi ibig sabihin na confidential kung saan napunta, kung saan ginastos ang pera, at naaayon ba sa batas. Maaring classified ang pangalan ng informant, target ng operasyon, mga detalye ng paniniktik, kung paano isinagawa ang intelligence gathering.

Tandaan Kapanalig, sa ilalim ng Article VI, Section 29 ng 1987 constitution na walang perang maaring ilabas sa national treasury maliban sa appropriation na ginawa ng batas. Binibigyan din ng Article IX-D Section 2(1) ang Commission on Audit ng kapangyarihan, otoridad na suriin, i-audit ang lahat ng accounts sa paggastos ng pondo at ari-arian ng gobyerno. Ang COA din ang may kapangyarihang magtakda ng saklaw, paraan at mga tuntunin ng audit, kabilang ang pagbabawal sa irregular, unnecessary, sobra-sobrang, maluho at hindi maipaliwanag na paggastos sa pondo ng bayan.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1445 o Government Auditing Code. Sinasabi sa Section 2 na, lahat ng resources ng gobyerno ay dapat pamahalaan at gastusin alinsunod sa batas at protektahan laban sa illegal o improper disposition. Sa Section 4, government funds must be used solely for public purposes, ang bawat disbursement ay dapat aprubado ng tamang opisyal, at ang claims laban sa pondo ng gobyerno ay dapat suportado ng complete documentation.

Upang mapangalagaan ang classified information, pinagtibay ng COA, DBM, DILG, GCG at DND ang joint circular no. 2015-01 na inaatas ang disbursement mula sa confidential funds ay dapat suportado ng documentary evidence of payment at isumite sa specialized audit ng COA sa selyadong envelope. Ang bawat disbursement ay dapat samahan ng sertipikasyon under oath ng accountable officer na ang gastos ay konektado sa confidential o intelligence operations, may suportang dokumento, hindi ginamit sa ipinagbabawal na bagay.

Kapanalig, ito ang kasalukuyang kuwestyon sa impeachment trial ni VP Duterte. Kung ating susuriin gamit ang mga panununtunan sa government auditing code at joint circular no.2015-01, nabigo, at nagkulang ang Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ng dating Vice-President na isumite sa COA ang tama at naaangkop na documentary evidence na magpapatunay na ginamit sa tama ang 162-milyong pisong confidential fund.

Malinaw Kapanalig sa testimonya ni dating state auditor Roderick Wamil na ang confidential fund ng OVP at Department of Education ay ginamit ni VP Duterte sa kanyang personal na interes matapos mabigo ang kanyang tanggapan na i-liquidate ang pondo sa kabila ng formal demand mula sa COA.

Bukod dito, tinangka din ng mga tauhan ni VP Duterte na impluwensiyahan ang mga opisyal ng COA na downgrade ang COA audit findings sa “query” lamang upang maabsuwelto ang bise-presidente sa pananagutan.

Kapanalig, ating nasaksihan sa impeachment trial ni VP Duterte kung sino ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling.

Sinasabi ng Proverbs 12:17-“An honest witness tells the truth, but a false witness tells lies”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 51,134 total views

 51,134 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 122,892 total views

 122,892 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 154,174 total views

 154,174 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 186,190 total views

 186,190 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 335,749 total views

 335,749 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Agosto 10, 2026

 1,465 total views

 1,465 total views Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 2,837 total views

 2,837 total views Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Sabado, Agosto 8, 2026

 4,110 total views

 4,110 total views Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

Biyernes, Agosto 7, 2026

 4,909 total views

 4,909 total views Biyernes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sixto II, papa, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay

Read More »

Huwebes, Agosto 6, 2026

 6,490 total views

 6,490 total views Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (A) Daniel 7, 9-10. 13-14 Salmo 96, 1-2. 5-6. 9 Panginoo’y maghahari, lakas n’ya’y mananatili.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top