Miyerkules, Pebrero 26, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,981 total views

Miyerkules ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Sirak 4, 12-22
Salmo 118, 165. 168. 171. 172. 174. 175

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Marcos 9, 38-40

Wednesday of the Seventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA

Sirak 4, 12-22

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Kinakalinga ng Karunungan ang mga humahanap sa kanya;
sila’y kanyang itatampok at padadakilain.
Ang nagmamahal sa kanya’y nagpapahalaga sa buhay;
ang maagang naghihintay sa kanya ay magtatamasa ng kaligayahan.
Ang nagkamit ng Karunungan ay magtatamo ng karangalan,
pagpapalain siya ng panginoon saanman siya pumunta.
Ang naglilingkod sa Karunungan ay naglilingkod sa Panginoon;
iibigin ng Panginoon ang sinumang umiibig sa Karunungan.
Ang tumatalima sa kanya’y humahatol nang wasto;
ang nagpapahalaga sa kanya’y nabubuhay nang matiwasay.
Magtiwala ka sa Karunungan at kakamtan mo siya,
at mananatili siya sa iyong lahi hanggang sa iyong kaapu-apuhan.
Sa pasimula’y isasama ka niya sa mga liku-likong landas,
tatakutin ka niya at pupunuin ng agam-agam.
Pagtitiisin ka niya ng bigat ng kanyang mga tuntunin,
at susubukin ka niya sa pamamagitan ng kanyang mga utos,
hanggang sa ikaw ay matutong magtiwala sa kanya.
Pagkatapos agad-agad ka niyang lalapitan;
ipahahayag niya sa iyo ang kanyang mga lihim,
at paliligayahin ka niya.
Ngunit kapag siya’y iyong tinalikuran,
pababayaan ka niya at mabubulid ka sa kapahamakan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 165. 168. 171. 172. 174. 175

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Ang magmahal sa utos mo’y mapayapa yaong buhay,
matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Sinusunod ko ang iyong kautusa’t mga aral,
ang anumang gawain ko ay kita mo’t namamasdan.

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Ako’y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin,
pagkat ako’y tinuruan ng aral mo at tuntunin.

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Dahilan sa kautusan, ako ngayon ay aawit,
sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid.

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Nasasabik ako, Poon, sa pangakong pagliligtas,
nadama ko sa utos mo ay ang ligaya at galak.

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Upang ako ay magpuri, ako’y bigyan mo ng buhay,
matulungan nawa ako ng tuntunin mo at aral.

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 9, 38-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinabi kay Hesus ni Juan, “Guro, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan mo, at pinagbawalan namin sapagkat hindi natin siya kasamahan.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat walang taong matapos gumawa ng kababalaghan sa pangalan ko ang agad magsasalita ng masama laban sa akin. Sapagkat ang hindi laban sa atin ay panig sa atin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Aming Guro, itinuro mo sa amin na ang buong pagtanggi sa kasamaan ang tunay na kahulugan ng pagiging alagad. Nananalangin kami kalakip ang aming intensyong magsakripisyo sa aming pagsunod sa Panginoon.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Guro, ilapit Mo kami sa Iyo.

Ang ating Simbahan nawa’y tunay na maipahayag ang Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y bigyan ng Diyos ng biyaya ng kapatawaran, pagbabalik-loob, at kagalingan ng mga sakit at hinanakit na dulot ng pagkakahiwa-hiwalay at pag-aaway, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng higit na pagpapahalaga sa kabutihang-loob ng tao bilang daluyan ng espiritu at gawain ng Diyos sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, mga nalulumbay, mga may kapansanan, at mga maysakit nawa’y mapalakas sa alab ng ating pagkalinga at presensya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kaibigan na nauna na sa atin nawa’y makabahagi sa kapayapaan at kaligayahan ng paghahari ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, tulungan mo kaming tingnan ang lahat ng tao ayon sa iyong pananaw. Bigyan mo kami ng lawak ng kaisipan at kabutihan saanman ito nagmula. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 52,077 total views

 52,077 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 69,977 total views

 69,977 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 116,543 total views

 116,543 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 104,316 total views

 104,316 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 121,850 total views

 121,850 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Mayo 10, 2026

 2,642 total views

 2,642 total views Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 8, 5-8. 14-17 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20 Sangkalupaang

Read More »

Sabado, Mayo 9, 2026

 3,903 total views

 3,903 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan

Read More »

Biyernes, Mayo 8, 2026

 5,311 total views

 5,311 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 22-31 Salmo 56, 8-9. 10-12 Sa gitna ng mga bansa sabihing “D’yos

Read More »

Huwebes, Mayo 7, 2026

 4,171 total views

 4,171 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng

Read More »

Miyerkules, Mayo 6, 2026

 3,453 total views

 3,453 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 1-6 Salmo 122, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top