Miyerkules, Setyembre 17, 2025

SHARE THE TRUTH

 2,955 total views

Miyerkules ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Roberto Belarmino, obispo at pantas ng Simbahan
o kaya Paggunita kay Santa Hildegard of Bingen, dalaga at pantas ng Simbahan

1 Timoteo 3, 14-16
Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

Lucas 7, 31-35

Wednesday of the Twenty-fourth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Robert Bellarmine, Bishop and Doctor of the Church (White)

or Optional Memorial of St. Hildegard of Bingen, Virgin and Doctor of the Church (White)

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 3, 14-16

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, malaki ang pag-asa kong magkikita tayo sa lalong madaling panahon. Gayunma’y sinulat ko rin ang mga tagubiling ito upang hindi man ako makarating agad ay malaman mo rin ang dapat ugaliin sa sambahayan ng buhay na Diyos, sa simbahan na siyang haligi at saligan ng katotohonan. Napakahiwaga ng mga katotohanan ng ating relihiyon:
Siya’y nahayag nang maging tao,
at pinatotohanan ng Espiritu,
nakita ng mga anghel.
Ipinangaral sa sanlibutan,
pinaniwalaan ng lahat,
at sa langit ay tinanggap.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

o kaya: Aleluya.

Buong puso siyang pasasalamatan,
aking pupurihin sa gitna ng bayan
kasama ng mga lingkod na hinirang.
Napakadakila ang gawa ng Diyos,
pinananabikan ng lahat ng lingkod.

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

Lahat niyang gawa’y dakila at wagas,
bukod sa matuwid hindi magwawakas.
Hindi inaalis sa ating gunita,
na siya’y mabuti’t mahabaging lubha.

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

Sa may pagkatakot pagkai’y sagana;
pangako ng Poon ay hindi nasisira.
Ipinadama n’ya sa mga hinirang,
ang kapangyarihan niyang tinataglay,
nang ibigay niya lupa ng dayuhan.

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

ALELUYA
Juan 6, 63k. 68k

Aleluya! Aleluya!
Espiritung bumubuhay
ang Salita mo, Maykapal,
buhay mo ang tinataglay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 7, 31-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? At ano ang nakakatulad nila? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro:

‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw!
Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!

Sapagkat naparito si Juan Bautista na nag-aayuno at hindi umiinom ng alak, at sinasabi ninyo, ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ Naparito naman ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom tulad ng iba, at sinasabi ninyo, ‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at ng mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang matuwid sa pamamagitan ng kanyang mga anak.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Ipinahayag ng mga Propeta ang pagdating ng ating mananakop. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pagsisisi sa mga kasalanan, ipinahayag ni Juan Bautista ang kanyang pagdating. Sa diwa ng pagsisisi, manalangin tayo sa tulong ng Diyos.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Kaibigan ng mga makasalanan, tipunin mo kami sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y patuloy pang umunlad at higit pang humikayat sa mga sumasampalataya sa maluwalhating Hapag ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mayayaman at ang dukha nawa’y hindi umiwas sa hamon ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y tumugon nang may katapatan sa tawag ng pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Lahat tayo nawa’y tumugon nang may katapatan sa tawag ng pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mabuhay sa tahanan ng Panginoon at magbunyi sa Hapag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, inaanyayahan mo kami upang makapiling ka sa iyong Kaharian. Ngayong nananalangin kami para sa iba, tulungan mo kaming maisama sila sa Hapag na inihanda ng iyong Anak na si Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 68,528 total views

 68,528 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 68,528 total views

 68,528 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 68,528 total views

 68,528 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 66,412 total views

 66,412 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 60,691 total views

 60,691 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Marso 7, 2026

 3,885 total views

 3,885 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 6, 2026

 3,885 total views

 3,885 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 5, 2026

 3,885 total views

 3,885 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 4, 2026

 1,768 total views

 1,768 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y

Read More »

Martes, Marso 3, 2026

 1,768 total views

 1,768 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top