Martes, Setyembre 16, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,530 total reads

San Cornelio, papa, at San Cipriano, obispo, mga martir

1 Timoteo 3, 1-13
Salmo 100, 1-2ab. 2kd-3ab. 5. 6

Malinis na pamumuhay
ang aking pagsisikapan.

Lucas 7, 11-17

Memorial of Sts. Cornelius, Pope and Cyprian, Bishop, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 3, 1-13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, totoo ang kasabihang ito: Ang nagnanais na maging tagapangasiwa sa simbahan ay naghahangad ng mabuting gawain. Kaya, kailangang wala siyang kapintasan, isa lamang ang asawa, marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, bukas ang tahanan, at mabuting tagapagturo. Kailangan ding siya’y hindi mahilig sa alak, hindi mapusok kundi mahinahon at maibigin sa kapayapaan, hindi gahaman sa salapi. Kailangang siya’y mahusay mamahala sa sariling sambahayan, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak. Paano makapangangasiwa nang maayos sa simbahan ng Diyos ang isang tao kung ang sambahayan lang niya’y hindi kayang pamahalaan? Kailangang siya’y matagal nang nananampalataya; kung hindi, baka siya’y maging palalo at tuloy mahatulan gaya ng diyablo. Kailangan ding siya’y iginagalang ng mga taong hindi kaanib sa simbahan at nang di siya mapulaan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo.

Kailangan namang ang mga magiging tagapaglingkod sa simbahan ay marangal, tapat mangusap, hindi sugapa sa alak at hindi sakim. Kailangang sila’y tapat sa pananampalataya na ating ipinahayag at walang dapat ikahiya. Kailangang subukin muna sila at makitang marapat bago gawing tagapaglingkod. Kailangang ang kanilang mga asawa ay matitino, at hindi mapanirang-puri kundi mabait, at tapat sa lahat ng bagay. Kailangan ding isa lang ang asawa ng isang tagapaglingkod sa simbahan, maayos siyang mamahala sa sariling sambahayan at mabuting magpasunod sa kanyang mga anak. Ang tagapaglingkod na tapat sa tungkulin ay igagalang ng lahat, at buong tapang nilang maipapahayag ang pananampalatayang napasaatin dahil sa ating pakikipagkaisa kay Kristo Hesus.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 100, 1-2ab. 2kd-3ab. 5. 6

Malinis na pamumuhay
ang aking pagsisikapan.

Ang aking awitin ay ang pagtatapat at ang katarungan;
ako’y umaawit patungkol sa iyo, O Poon kong mahal;
ang aking susunding tumpak na ugali’y walang kapintasan,
kailan ka kaya darating sa aki’t ako’y lalapitan?

Malinis na pamumuhay
ang aking pagsisikapan.

Malinis ang budhing mamumuhay ako sa aking tahanan,
sa buhay kong ito ang gawang masama’y di ko tutulutan.

Malinis na pamumuhay
ang aking pagsisikapan.

Siyang naninira ng kanyang kapwa’y aking wawasakin;
di ko papayagan ang mapagmalaking hambog kung tumingin.

Malinis na pamumuhay
ang aking pagsisikapan.

Ang lahat ng taong nagtatapat sa Diyos, ako ay kaisa,
sa aking palasyo ay papayagan ko na doon matira,
kung tunay na tapat ay tutulutan ko na maglingkod sila.

Malinis na pamumuhay
ang aking pagsisikapan.

ALELUYA
Lucas 7, 16

Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta,
sugo ng D’yos sa bayan n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 7, 11-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumunta si Hesus sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa kanya ang kanyang mga alagad at ang napakaraming tao. Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, nasalubong niya ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng isang babaing balo. Marami ang nakikipaglibing. Nahabag ang Panginoon nang makita ang ina ng namatay, at sinabi sa kanya, “Huwag kang tumangis.” Lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng patay at tumigil naman ang mga may dala nito. Sinabi niya, “Binata, bumangon ka!” Naupo ito at nagsalita; at siya’y ibinigay ni Hesus sa kanyang ina. Sinidlan ng takot ang lahat at sila’y nagpuri sa Diyos. Sabi nila, “Dumating sa atin ang isang dakilang propeta! Nilingap ng Diyos ang kanyang bayan!” At kumalat sa buong Judea at sa palibot na lupain ang balitang ito tungkol sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Gumawa ng mga himala si Jesus upang ipakita ang kanyang banal na habag at kapangyarihan. Puno ng pagkamangha sa ganitong mga kahanga-hangang bagay, manalangin tayo sa Ama na nagsugo sa ating tagapagligtas.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng buhay, mahabag kayo sa amin.

Sa pamamagitan ng paggabay at tulong ng mga apostol ng Simbahan nawa’y maipakita ang pag-ibig at kalinga ng Diyos sa sambayanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang gobyerno nawa’y maging daan ng mahabaging pag-ibig ng Diyos sa katangi-tanging pagkalinga at pagtulong na kanilang ibinabahagi sa mga dukha at mga maysakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nagdusa sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay nawa’y muling sumampalataya sa buhay sa tulong ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, katulad ng anak ng balo, nawa’y makadama ng mapagpagaling na kamay ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y muling ibangon sa kaganapan ng buhay sa presensya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, gabayan mo kami upang aming mahipo ang mga may pusong wasak at matulungan silang madama ang iyong Anak na dumito sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

THEIR LOSS IS OUR GAIN

 2,340 total reads

Gospel Reading for August 31, 2026 – Luke 4: 16-30

THEIR LOSS IS OUR GAIN

Jesus came to Nazareth, where he had grown up, and went according to his custom into the synagogue on the sabbath day. He stood up to read and was handed a scroll of the prophet Isaiah. He unrolled the scroll and found the passage where it was written:

The Spirit of the Lord is upon me,
because he has anointed me
to bring glad tidings to the poor.
He has sent me to proclaim liberty to captives
and recovery of sight to the blind,
to let the oppressed go free,
and to proclaim a year acceptable to the Lord.

Rolling up the scroll, he handed it back to the attendant and sat down, and the eyes of all in the synagogue looked intently at him. He said to them, “Today this Scripture passage is fulfilled in your hearing.” And all spoke highly of him and were amazed at the gracious words that came from his mouth.

They also asked, “Is this not the son of Joseph?” He said to them, “Surely you will quote me this proverb, ‘Physician, cure yourself,’ and say, ‘Do here in your native place the things that we heard were done in Capernaum.’” And he said, “Amen, I say to you, no prophet is accepted in his own native place. Indeed, I tell you, there were many widows in Israel in the days of Elijah when the sky was closed for three and a half years and a severe famine spread over the entire land. It was to none of these that Elijah was sent, but only to a widow in Zarephath in the land of Sidon. Again, there were many lepers in Israel during the time of Elisha the prophet; yet not one of them was cleansed, but only Naaman the Syrian.” When the people in the synagogue heard this, they were all filled with fury. They rose up, drove him out of the town, and led him to the brow of the hill on which their town had been built, to hurl him down headlong. But he passed through the midst of them and went away.

————

Jesus’ homecoming to Nazareth, the town where he grew up, should have been a hero’s welcome—much like the celebration recently given to Alex Eala upon her return to the Philippines. By this time, news of Jesus had already spread throughout Galilee. The people had heard about his mighty works and extraordinary miracles in Capernaum. One would have expected his own town to be the first to rejoice and be proud of their “kababayan.”

Sadly, the opposite happened.

Instead of celebrating him, they questioned his credentials and looked down on his humble family background. “Is this not the son of Joseph?” they asked. Rather than seeing God at work in him, they allowed familiarity and prejudice to blind them to the truth.

What should have been a blessing became a tragedy. The very people who had the privilege of knowing Jesus from his childhood rejected him. As the Word of God is like a double-edged sword, it revealed the hardness of their hearts. In their anger, they drove Jesus out of town and even tried to hurl him headlong off a cliff.

Here we see the wisdom of God’s plan. God chose his Son to be born into a poor and ordinary family, not into the household of the elders, chief priests, scribes, or Pharisees. Because Jesus lived among ordinary people, he could speak to them in a language they understood, reveal the true meaning of God’s Word, correct distorted interpretations of the Law, and reach out with compassion to the poor, the sick, the sinners, and all those in need.

Their rejection did not stop God’s saving plan. In fact, THEIR LOSS BECAME OUR GAIN. Because Nazareth rejected Jesus, the Good News continued its journey beyond one town, beyond Israel, and eventually reached the ends of the earth—including us.

Lord Jesus, their loss is truly our gain. We praise and thank you for entrusting your disciples with the mission of bringing the Gospel to the ends of the earth, so that we, too, may come to know, love, and follow you. Amen.

Only Jesus, always Jesus

 1,773 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twenty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 31 August 2026
1 Corinthians 2:1-5     <*((((><  +  ><))))*>    Luke 4:16-30
Photo by author, St. Paul Spiritual & Renewal Center, Bgy. Tanyawak, Alfonso, Cavite, 19 August 2026.
Teach me Lord
to "know nothing except
Jesus Christ crucified" like St. Paul,
not just "looked intently at you"
like your folks in Nazareth 
when you preached in your synagogue;
it is not enough to just look
intently at you,
imitating you and your manners
and style but not your life,
your self-sacrifice on the Cross;
what a shame in this age of social media
we speak and preach about you
merely to chase clout for ourselves
using sublimity of words
or persuasive words of wisdom
used by demagogues and
influencers for followers
and shameful profits.
Help us realize,
Jesus, that our faith
rests on the power of God
best shown in your Crucifixion,
not in our personality
nor eloquence in speech
nor being savvy with new
technologies that blind us from
the realities of life
like love and sacrifice,
kindness and patience,
justice and truth.
Amen.
Photo by author, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 June 2026.

Bayan, hindi bayad

 20,425 total reads

Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani. 

Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay sina Dimasalang, Agapito Bagumbayan, Dimas-ilaw, at Siling Labuyo. 

Teka, sinu-sino ang mga binanggit kong pangalan? 

Ang mga ito ay ang ginamit na alyas ng ating mga bayani noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Si Dimasalang ay si Dr Jose Rizal. Si Agapito Bagumbayan ay si Andres Bonifacio. Si Dimas-ilaw ay si Emilio Jacinto, habang si Siling Labuyo ay si Marcelo del Pilar.

Sa ika-19 na araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ginamit ni Senator-judge Robin Padilla ang ilan sa mga alyas ng mga bayani para sabihing wala namang mali sa pagtatago sa likod ng gawa-gawang pangalan. Kaya bakit daw kinukuwestyon ang paggamit ng alyas ng mga tumanggap ng kabayaran mula sa Office of the Vice President? Bakit daw ginagawa pang katatawanan ang mga pangalang makikita sa mga acknowledgment receipts na isinumite ng OVP bilang patunay na may kinapuntahan ang confidential funds? Mukhang hindi na importante kay Senador Padilla na malaman pa kung totoong tao ba sina Mary Grace Piattos, Antonio Pagong, Shane Ngitngit, at Andy Lim?

Napakalinaw na magkaiba ang layunin ng ating mga bayani sa paggamit ng alyas at ng mga tumanggap umano ng confidential funds ng OVP. Noong nasa ilalim tayo ng pananakop ng España, ang mga bayani natin ay kinailangang gumamit ng alyas dahil lubhang mapanganib ang lantarang paglaban sa pamamahala ng mga dayuhan. Wala pang social media noon kaya mga alyas lamang ang magagamit nila para malayang makapagpahayag ng mga ideyang rebolusyonaryo nang hindi nalalagay sa alanganin ang kanilang sarili at pamilya. 

Sa kaso naman ng paggamit ng confidential funds, ang pagtatago sa mga alyas ay iniuugnay sa pag-uulat kung paano ginamit ang milyun-milyon pisong pera ng bayan. Hindi naman kailangang isapubliko kung sinu-sino talaga ang mga nakatanggap ng kabayaran mula sa OVP para sa sensitibong impormasyon, pero dapat pa ring may record na nakatago sa ligtas na lalagyan na susuriin naman ng Commission on Audit. 

Kung para sa pampublikong kaligtasan ang impormasyong kapalit ng pera, dapat iulat din ng OVP kung ano ang kinahinatnan ng paggamit ng confidential funds. Nakamit ba ang layunin? Nangyari ba ang pagbabagong inaasahan sa tulong ng ibinigay na imnpormasyon? Hindi naman siguro mahirap ipaliwanag ang pinaggamitan ng confidential funds kung nagamit ito sa tamang paraan. Abangan natin kung paano ipaliliwanag ng kampo ni VP Sara ang bagay na ito kapag pagkakataon na ng depensa na magharap ng ebidensya para pasinungalingan ang paratang na misuse of public funds na may kaugnayan sa impeachment article na graft and corruption at betrayal of public trust.

Ang pondo ng bayan ay ipinagkakatiwala sa mga lingkod-bayan para sa kabutihang panlahat (o common good). Kung may kinakailangang gawing kumpidensiyal—gaya ng pagkakakilanlan ng mga binayaran kapalit ng sensitibong impormasyon—hindi nito maaaring burahin ang pananagutan, katotohanan, at wastong pag-uulat sa paggamit ng pera ng mamamayan. Sa Roma 3:8, sinabi ni San Pablo na labag sa kalooban ng Diyos ang pangatwiranan ang paggawa ng mali o masama kung mabuti naman ang magiging bunga nito. Mas malaking problema kung wala namang maipakitang naging bunga ang pagtatago sa likod ng mga kakaibang alyas. 

Mga Kapanalig, ang ating mga bayani ay hindi gumamit ng mga alyas para makatanggap ng confidential funds. Buhay pa nga nila ang naging kapalit ng kanilang kagustuhang palayain ang ating bayan mula sa mapang-aping pamumuno ng mga dayuhan. Bayan, hindi bayad. Nakaiinsultong ihambing ang ating mga bayani sa mga taong nagiging instrumento ng katiwalian at umiiwas sa pananagutan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 20,426 total reads

 20,426 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,023 total reads

 58,023 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,234 total reads

 76,234 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 160,562 total reads

 160,562 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,965 total reads

 196,965 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Setyembre 2, 2026

 1,400 total reads

 1,400 total reads Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang

Read More »

Martes, Setyembre 1, 2026

 2,827 total reads

 2,827 total reads Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa

Read More »

Lunes, Agosto 31, 2026

 4,298 total reads

 4,298 total reads Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang

Read More »

Linggo, Agosto 30, 2026

 5,210 total reads

 5,210 total reads Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Jeremias 20, 7-9 Salmo 62, 2. 3-4. 5-6. 8-9 Aking kinasasabikan, Panginoon, Ikaw lamang. Roma 12, 1-2

Read More »

Sabado, Agosto 29, 2026

 5,873 total reads

 5,873 total reads Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, Martir Jeremias 1, 17-19 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top