Miyerkules, Setyembre 17, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,068 total reads

Miyerkules ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Roberto Belarmino, obispo at pantas ng Simbahan
o kaya Paggunita kay Santa Hildegard of Bingen, dalaga at pantas ng Simbahan

1 Timoteo 3, 14-16
Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

Lucas 7, 31-35

Wednesday of the Twenty-fourth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Robert Bellarmine, Bishop and Doctor of the Church (White)

or Optional Memorial of St. Hildegard of Bingen, Virgin and Doctor of the Church (White)

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 3, 14-16

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, malaki ang pag-asa kong magkikita tayo sa lalong madaling panahon. Gayunma’y sinulat ko rin ang mga tagubiling ito upang hindi man ako makarating agad ay malaman mo rin ang dapat ugaliin sa sambahayan ng buhay na Diyos, sa simbahan na siyang haligi at saligan ng katotohonan. Napakahiwaga ng mga katotohanan ng ating relihiyon:
Siya’y nahayag nang maging tao,
at pinatotohanan ng Espiritu,
nakita ng mga anghel.
Ipinangaral sa sanlibutan,
pinaniwalaan ng lahat,
at sa langit ay tinanggap.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

o kaya: Aleluya.

Buong puso siyang pasasalamatan,
aking pupurihin sa gitna ng bayan
kasama ng mga lingkod na hinirang.
Napakadakila ang gawa ng Diyos,
pinananabikan ng lahat ng lingkod.

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

Lahat niyang gawa’y dakila at wagas,
bukod sa matuwid hindi magwawakas.
Hindi inaalis sa ating gunita,
na siya’y mabuti’t mahabaging lubha.

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

Sa may pagkatakot pagkai’y sagana;
pangako ng Poon ay hindi nasisira.
Ipinadama n’ya sa mga hinirang,
ang kapangyarihan niyang tinataglay,
nang ibigay niya lupa ng dayuhan.

Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.

ALELUYA
Juan 6, 63k. 68k

Aleluya! Aleluya!
Espiritung bumubuhay
ang Salita mo, Maykapal,
buhay mo ang tinataglay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 7, 31-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? At ano ang nakakatulad nila? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro:

‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw!
Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!

Sapagkat naparito si Juan Bautista na nag-aayuno at hindi umiinom ng alak, at sinasabi ninyo, ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ Naparito naman ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom tulad ng iba, at sinasabi ninyo, ‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at ng mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang matuwid sa pamamagitan ng kanyang mga anak.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Ipinahayag ng mga Propeta ang pagdating ng ating mananakop. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pagsisisi sa mga kasalanan, ipinahayag ni Juan Bautista ang kanyang pagdating. Sa diwa ng pagsisisi, manalangin tayo sa tulong ng Diyos.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Kaibigan ng mga makasalanan, tipunin mo kami sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y patuloy pang umunlad at higit pang humikayat sa mga sumasampalataya sa maluwalhating Hapag ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mayayaman at ang dukha nawa’y hindi umiwas sa hamon ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y tumugon nang may katapatan sa tawag ng pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Lahat tayo nawa’y tumugon nang may katapatan sa tawag ng pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mabuhay sa tahanan ng Panginoon at magbunyi sa Hapag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, inaanyayahan mo kami upang makapiling ka sa iyong Kaharian. Ngayong nananalangin kami para sa iba, tulungan mo kaming maisama sila sa Hapag na inihanda ng iyong Anak na si Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

THEIR LOSS IS OUR GAIN

 2,533 total reads

Gospel Reading for August 31, 2026 – Luke 4: 16-30

THEIR LOSS IS OUR GAIN

Jesus came to Nazareth, where he had grown up, and went according to his custom into the synagogue on the sabbath day. He stood up to read and was handed a scroll of the prophet Isaiah. He unrolled the scroll and found the passage where it was written:

The Spirit of the Lord is upon me,
because he has anointed me
to bring glad tidings to the poor.
He has sent me to proclaim liberty to captives
and recovery of sight to the blind,
to let the oppressed go free,
and to proclaim a year acceptable to the Lord.

Rolling up the scroll, he handed it back to the attendant and sat down, and the eyes of all in the synagogue looked intently at him. He said to them, “Today this Scripture passage is fulfilled in your hearing.” And all spoke highly of him and were amazed at the gracious words that came from his mouth.

They also asked, “Is this not the son of Joseph?” He said to them, “Surely you will quote me this proverb, ‘Physician, cure yourself,’ and say, ‘Do here in your native place the things that we heard were done in Capernaum.’” And he said, “Amen, I say to you, no prophet is accepted in his own native place. Indeed, I tell you, there were many widows in Israel in the days of Elijah when the sky was closed for three and a half years and a severe famine spread over the entire land. It was to none of these that Elijah was sent, but only to a widow in Zarephath in the land of Sidon. Again, there were many lepers in Israel during the time of Elisha the prophet; yet not one of them was cleansed, but only Naaman the Syrian.” When the people in the synagogue heard this, they were all filled with fury. They rose up, drove him out of the town, and led him to the brow of the hill on which their town had been built, to hurl him down headlong. But he passed through the midst of them and went away.

————

Jesus’ homecoming to Nazareth, the town where he grew up, should have been a hero’s welcome—much like the celebration recently given to Alex Eala upon her return to the Philippines. By this time, news of Jesus had already spread throughout Galilee. The people had heard about his mighty works and extraordinary miracles in Capernaum. One would have expected his own town to be the first to rejoice and be proud of their “kababayan.”

Sadly, the opposite happened.

Instead of celebrating him, they questioned his credentials and looked down on his humble family background. “Is this not the son of Joseph?” they asked. Rather than seeing God at work in him, they allowed familiarity and prejudice to blind them to the truth.

What should have been a blessing became a tragedy. The very people who had the privilege of knowing Jesus from his childhood rejected him. As the Word of God is like a double-edged sword, it revealed the hardness of their hearts. In their anger, they drove Jesus out of town and even tried to hurl him headlong off a cliff.

Here we see the wisdom of God’s plan. God chose his Son to be born into a poor and ordinary family, not into the household of the elders, chief priests, scribes, or Pharisees. Because Jesus lived among ordinary people, he could speak to them in a language they understood, reveal the true meaning of God’s Word, correct distorted interpretations of the Law, and reach out with compassion to the poor, the sick, the sinners, and all those in need.

Their rejection did not stop God’s saving plan. In fact, THEIR LOSS BECAME OUR GAIN. Because Nazareth rejected Jesus, the Good News continued its journey beyond one town, beyond Israel, and eventually reached the ends of the earth—including us.

Lord Jesus, their loss is truly our gain. We praise and thank you for entrusting your disciples with the mission of bringing the Gospel to the ends of the earth, so that we, too, may come to know, love, and follow you. Amen.

Only Jesus, always Jesus

 1,971 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twenty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 31 August 2026
1 Corinthians 2:1-5     <*((((><  +  ><))))*>    Luke 4:16-30
Photo by author, St. Paul Spiritual & Renewal Center, Bgy. Tanyawak, Alfonso, Cavite, 19 August 2026.
Teach me Lord
to "know nothing except
Jesus Christ crucified" like St. Paul,
not just "looked intently at you"
like your folks in Nazareth 
when you preached in your synagogue;
it is not enough to just look
intently at you,
imitating you and your manners
and style but not your life,
your self-sacrifice on the Cross;
what a shame in this age of social media
we speak and preach about you
merely to chase clout for ourselves
using sublimity of words
or persuasive words of wisdom
used by demagogues and
influencers for followers
and shameful profits.
Help us realize,
Jesus, that our faith
rests on the power of God
best shown in your Crucifixion,
not in our personality
nor eloquence in speech
nor being savvy with new
technologies that blind us from
the realities of life
like love and sacrifice,
kindness and patience,
justice and truth.
Amen.
Photo by author, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 June 2026.

Bayan, hindi bayad

 21,802 total reads

Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani. 

Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay sina Dimasalang, Agapito Bagumbayan, Dimas-ilaw, at Siling Labuyo. 

Teka, sinu-sino ang mga binanggit kong pangalan? 

Ang mga ito ay ang ginamit na alyas ng ating mga bayani noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Si Dimasalang ay si Dr Jose Rizal. Si Agapito Bagumbayan ay si Andres Bonifacio. Si Dimas-ilaw ay si Emilio Jacinto, habang si Siling Labuyo ay si Marcelo del Pilar.

Sa ika-19 na araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ginamit ni Senator-judge Robin Padilla ang ilan sa mga alyas ng mga bayani para sabihing wala namang mali sa pagtatago sa likod ng gawa-gawang pangalan. Kaya bakit daw kinukuwestyon ang paggamit ng alyas ng mga tumanggap ng kabayaran mula sa Office of the Vice President? Bakit daw ginagawa pang katatawanan ang mga pangalang makikita sa mga acknowledgment receipts na isinumite ng OVP bilang patunay na may kinapuntahan ang confidential funds? Mukhang hindi na importante kay Senador Padilla na malaman pa kung totoong tao ba sina Mary Grace Piattos, Antonio Pagong, Shane Ngitngit, at Andy Lim?

Napakalinaw na magkaiba ang layunin ng ating mga bayani sa paggamit ng alyas at ng mga tumanggap umano ng confidential funds ng OVP. Noong nasa ilalim tayo ng pananakop ng España, ang mga bayani natin ay kinailangang gumamit ng alyas dahil lubhang mapanganib ang lantarang paglaban sa pamamahala ng mga dayuhan. Wala pang social media noon kaya mga alyas lamang ang magagamit nila para malayang makapagpahayag ng mga ideyang rebolusyonaryo nang hindi nalalagay sa alanganin ang kanilang sarili at pamilya. 

Sa kaso naman ng paggamit ng confidential funds, ang pagtatago sa mga alyas ay iniuugnay sa pag-uulat kung paano ginamit ang milyun-milyon pisong pera ng bayan. Hindi naman kailangang isapubliko kung sinu-sino talaga ang mga nakatanggap ng kabayaran mula sa OVP para sa sensitibong impormasyon, pero dapat pa ring may record na nakatago sa ligtas na lalagyan na susuriin naman ng Commission on Audit. 

Kung para sa pampublikong kaligtasan ang impormasyong kapalit ng pera, dapat iulat din ng OVP kung ano ang kinahinatnan ng paggamit ng confidential funds. Nakamit ba ang layunin? Nangyari ba ang pagbabagong inaasahan sa tulong ng ibinigay na imnpormasyon? Hindi naman siguro mahirap ipaliwanag ang pinaggamitan ng confidential funds kung nagamit ito sa tamang paraan. Abangan natin kung paano ipaliliwanag ng kampo ni VP Sara ang bagay na ito kapag pagkakataon na ng depensa na magharap ng ebidensya para pasinungalingan ang paratang na misuse of public funds na may kaugnayan sa impeachment article na graft and corruption at betrayal of public trust.

Ang pondo ng bayan ay ipinagkakatiwala sa mga lingkod-bayan para sa kabutihang panlahat (o common good). Kung may kinakailangang gawing kumpidensiyal—gaya ng pagkakakilanlan ng mga binayaran kapalit ng sensitibong impormasyon—hindi nito maaaring burahin ang pananagutan, katotohanan, at wastong pag-uulat sa paggamit ng pera ng mamamayan. Sa Roma 3:8, sinabi ni San Pablo na labag sa kalooban ng Diyos ang pangatwiranan ang paggawa ng mali o masama kung mabuti naman ang magiging bunga nito. Mas malaking problema kung wala namang maipakitang naging bunga ang pagtatago sa likod ng mga kakaibang alyas. 

Mga Kapanalig, ang ating mga bayani ay hindi gumamit ng mga alyas para makatanggap ng confidential funds. Buhay pa nga nila ang naging kapalit ng kanilang kagustuhang palayain ang ating bayan mula sa mapang-aping pamumuno ng mga dayuhan. Bayan, hindi bayad. Nakaiinsultong ihambing ang ating mga bayani sa mga taong nagiging instrumento ng katiwalian at umiiwas sa pananagutan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,803 total reads

 21,803 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,257 total reads

 59,257 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 77,468 total reads

 77,468 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,796 total reads

 161,796 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,143 total reads

 198,143 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Setyembre 2, 2026

 1,458 total reads

 1,458 total reads Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang

Read More »

Martes, Setyembre 1, 2026

 2,885 total reads

 2,885 total reads Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa

Read More »

Lunes, Agosto 31, 2026

 4,356 total reads

 4,356 total reads Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang

Read More »

Linggo, Agosto 30, 2026

 5,248 total reads

 5,248 total reads Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Jeremias 20, 7-9 Salmo 62, 2. 3-4. 5-6. 8-9 Aking kinasasabikan, Panginoon, Ikaw lamang. Roma 12, 1-2

Read More »

Sabado, Agosto 29, 2026

 5,911 total reads

 5,911 total reads Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, Martir Jeremias 1, 17-19 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top