Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sabado, Abril 5, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,308 total views

Sabado sa Ika-4 na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Jeremias 11, 18-20
Salmo 7, 2-3. 9bk-10. 11-12

Panginoon, aking Diyos,
pag-asa ko sa ‘yo’y lubos.

Juan 7, 40-53

Saturday of the Fourth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Jeremias 11, 18-20

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Ipinabatid sa akin ng Panginoon ang masamang balak laban sa akin ng mga kaaway ko. Ako’y parang maamong tupang dinadala sa patayan at hindi ko nalalamang may masamang balak pala sila sa akin. Wika nila, “Putulin natin ang puno habang malusog; patayin natin siya nang wala nang makaalaala pa sa kanya.”

At dumalangin si Jeremias, “Panginoon, ikaw ay hukom na makatarungan. Nababatid mo ang isipan at damdamin ng bawat tao. Ikaw ang maghiganti sa mga taong ito; ipinauubaya ko po sa iyo ang aking gawain.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 7, 2-3. 9bk-10. 11-12

Panginoon, aking Diyos,
pag-asa ko sa ‘yo’y lubos.

Panginoon, aking Diyos, sa iyo ko natagpuan
yaong aking minimithi at hangad na kaligtasan;
iligtas mo sana ako, sa pag-usig ng kaaway,
tinutugis nila ako, hindi sila naglulubay.
Kapag ako ay inabot, sila’y leon ang katulad,
tatangayin nila ako, sa malayo itatakas;
at kung ito ang mangyari, pihong walang magliligtas,
dudurugin nila ako, luluraying walang habag.

Panginoon, aking Diyos,
pag-asa ko sa ‘yo’y lubos.

Humatol ka sa panig ko yamang ako’y di masama.
Pigilin ang di matuwid sa kanilang mga gawa,
yaon namang mabubuti ay bigyan ng gantimpala;
yamang ikaw, Panginoon, ay ang Diyos na dakila,
at sa iyo ay di lingid ang laman ng puso’t diwa.

Panginoon, aking Diyos,
pag-asa ko sa ‘yo’y lubos.

Ikaw rin po, Panginoon, ang sa aki’y nag-iingat,
ang lahat ng masunurin sa iyo ay naliligtas;
ikaw ang Diyos na matuwid, isang Hukom na matapat,
laging handang magparusa sa sinumang gawa’y linsad.

Panginoon, aking Diyos,
pag-asa ko sa ‘yo’y lubos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Lucas 8, 15

Mapalad ang nag-iingat
sa kanyang pusong matapat
sa Salitang nagbubuhat
sa Poong D’yos ng liwanag,
sa t’yaga’y aaning ganap.

MABUTING BALITA
Juan 7, 40-53

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, marami sa mga nakarinig kay Hesus ang nagsabi, “Tunay ngang ito ang Propetang hinihintay natin!” “Ito nga ang Mesias!” sabi ng iba. Ngunit sumagot naman ang iba pa, “Maaari bang magmula sa Galilea ang Mesias? Hindi ba sinabi ng Kasulatan na magmumula ang Mesias sa lipi ni David, at sa Betlehem na bayan ni David ipanganganak?” Magkakaiba ang palagay ng mga tao tungkol sa kanya. Ibig ng ilan na dakpin siya, ngunit wala namang nangahas humuli sa kanya.

Ang mga kawal na bantay sa templo ay nagbalik sa mga punong saserdote at sa mga Pariseo. “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?” tanong nila sa mga bantay. Sumagot sila, “Wala pa pong nagsalita nang gaya niya!” “Kayo man ba’y nalinlang din?” Tanong ng mga Pariseo. “Mayroon bang pinuno o Pariseong naniwala sa kanya? Wala! Mga tao lamang na walang nalalaman sa Kautusan ang naniniwala sa kanya – mga sinumpa!” Isa sa mga naroon ay si Nicodemo, na nagsadya kay Hesus noong una. Tinanong niya sila, “Labag sa ating Kautusan na hatulan ang isang tao nang di muna nililitis at inaalam kung ano ang kanyang ginawa, hindi ba?” Sumagot sila, “Ikaw ba’y taga-Galilea rin? Magsaliksik ka’t makikita mo na walang propetang magmumula sa Galilea.”

At umuwi na ang bawat isa.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Sabado

Habang inaalaala natin ang hindi pagtanggap sa Tagapaglitas na nagpakasakit para sa ating kapakanan, hilingin natin ang pananampalataya ng isang aba upang maihatid natin sa iba ang mensahe ni Kristo sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ikaw ang aming lakas, O Panginoon.

Ang mga maykapangyarihan nawa’y patnubayan ng espiritu ng pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagpapalaganap ng mensahe ng Ebanghelyo sa lahat ng dako nawa’y pagkalooban ng tapang, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mayayamang banasa nawa’y maging bukas-palad sa pagtulong sa mga mahihirap na bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga bilanggo, mga matatanda, at mga may kapansanan nawa’y palakasin ng mga nakapagpapaginhawang Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng ipinangakong kapayapaang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng lahat,
isinugo mo ang iyong bugtong na Anak upang kami ay higit na ilapit sa iyo. Patnubayan mo kami sa aming misyon na palaganapin ang aming pananampalataya sa buong mundo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 74,553 total views

 74,553 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 87,093 total views

 87,093 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 109,475 total views

 109,475 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 128,958 total views

 128,958 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 45,639 total views

 45,639 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 45,870 total views

 45,870 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 46,380 total views

 46,380 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 33,801 total views

 33,801 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 33,910 total views

 33,910 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top