Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biyernes, Abril 4, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,764 total views

Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Karunungan 2, 1a. 12-22
Salmo 33, 17-18. 19-20. 21 at 23

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

Juan 7, 1-2. 10. 25-30

Friday of the Fourth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Karunungan 2, 1a. 12-22

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Sinabi ng masasama:
“Tambangan natin ang taong matuwid,
pagkat hadlang sila sa ating mga balak;
ipinamumukha nila sa atin ang pagsuway sa kautusan,
at sinasabing tayo’y nagkasala laban sa ating kaugalian.
Ipinamamarali nilang nakikilala nila ang Diyos,
at sinasabing sila’y anak ng Panginoon.
Sila ang nagbibigay sa atin ng mga problema.
Makita lang natin sila’y balisa na tayo,
pagkat kaiba ang gawain nila’t pamumuhay.
Ang palagay nila sa atin ay mababang-mababa,
at nandidiri sila sa ating gawain;
sinasabi nilang kaligayahan ang wakas ng matuwid,
at ipinagmamagaling na sila’y anak ng Diyos.
Tingnan natin kung ang salita nila’y magkakatotoo,
kung ano ang mangyayari sa kanila pagkamatay nila.
Kung ang mga matuwid ay anak nga ng Diyos
sila ay tutulungan niya at ililigtas sa mga kaaway.
Subukin natin silang dustain at pahirapan,
upang malaman natin kung hanggang saan ang kanilang kagandahang-asal,
at kung hanggang kailan sila makatatagal.
Subukin nating ibingit sila sa kamatayan,
yamang ang sabi nila ay iingatan sila ng Diyos.”
Iyon ang usapan ng masasama, ngunit sila’y nagkakamali,
pagkat binubulag sila ng kanilang kasamaan.
Hindi nila natalos ang lihim na panukala ng Diyos,
hindi sila umasa sa gantimpala ng kabanalan,
hindi naisip ang magandang wakas ng malinis na pamumuhay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 17-18. 19-20. 21 at 23

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

Nililipol ng Diyos yaong masasama
hanggang sa mapawi sa isip ng madla.
Agad dinirinig daing ng matuwid
inililigtas sila sa mga panganib.

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

Tumutulong siya sa nasisiphayo
ang walang pag-asa’y hindi binibigo.
Ang taong matuwid, masuliranin man,
sa tulong Poon, agad maiibsan.

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

Kukupkupin siya nang lubus-lubusan,
kahit isang buto’y hindi magagalaw.
Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas,
sa napakukupkop, siyang mag-iingat!

Sa D’yos hindi mabibigo
ang mga nasisiphayo.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 4, 4b

Ang tao ay nabubuhay
hindi lamang sa tinapay
kundi sa Salitang mahal
mula sa bibig na banal
ng Ama nating Maykapal.

MABUTING BALITA
Juan 7, 1-2. 10. 25-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nilibot ni Hesus ang Galilea; iniwasan niya ang Judea, sapagkat ibig siyang patayin ng mga Judio roon. Nalalapit na ang Pista ng mga Tolda, isang pista ng mga Judio. Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Hesus ma’y pumunta rin sa pista, ngunit hindi hayagan. Sinabi ng ilang taga-Jerusalem, “Hindi ba ito ang taong gusto nilang patayin? Hayan! Lantaran siyang nagsasalita, ngunit wala silang sinasabi laban sa kanya! Baka naman kilala ng mga pinuno na siya nga ang Mesiyas! Walang makaaalam kung saan magmumula ang Mesiyas pagparito niya, ngunit alam naman natin kung saan nagmula ang taong ito!”

Kaya’t nang nasa templo si Hesus at nagtuturo, malakas niyang sinabi, “Ako ba’y nakikilala ninyo? Alam ba ninyo kung saan ako nagmula? Hindi ako naparito sa ganang akin lamang. Ang Totoo ang siyang nagsugo sa akin, ngunit hindi ninyo siya nakikilala. Nakikilala ko siya, sapagkat ako’y mula sa kanya, at siya ang nagsugo sa akin.” Tinangka nilang dakpin siya; ngunit walang nangahas, sapagkat hindi pa niya oras.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Sa ating paglalakbay sa buhay, idalangin natin na pagkalooban tayo ng tapang na magsalita at magsikap para sa katotohanan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, palakasin Mo kami sa Iyong katotohanan.

Ang mga kasapi ng Simbahan nawa’y magsikap na palaganapin ang Mabuting Balita ni Jesus sa buong mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng pagninilay sa pagpapakasakit ni Jesus sa krus, ang mga taong hindi sumasampalataya nawa’y manampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa ay magkaroon ng kapayapaan sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga dukha nawa’y maranasan ang nagpapagaling at mapagmahal na presensya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng kapayapaan ng kanilang tahanan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, isinugo mo ang iyong Anak upang magpakasakit para sa amin. Loobin mo na sa pamamagitan ng aming pananampalataya sa kanya, malabanan namin ang kawalan ng pananampalataya sa aming sarili at sa mundo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cyber terrorists?

 6,714 total views

 6,714 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 15,239 total views

 15,239 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 27,687 total views

 27,687 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 62,704 total views

 62,704 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 69,482 total views

 69,482 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Biyernes, Mayo 23, 2025

 578 total views

 578 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 22-31 Salmo 56, 8-9. 10-12 Sa gitna ng mga bansa sabihing “D’yos

Read More »

Huwebes, Mayo 22, 2025

 964 total views

 964 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay Santa Rita ng Cascia, namamanata sa Diyos Mga Gawa 15, 7-21 Salmo

Read More »

Miyerkules, Mayo 21, 2025

 1,434 total views

 1,434 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Kristofero Magallanes, pari at martir, at mga kasama, mga martir o

Read More »

Martes, Mayo 20, 2025

 1,886 total views

 1,886 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Bernardino ng Siena, pari Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11.

Read More »

Lunes, Mayo 19, 2025

 2,465 total views

 2,465 total views Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan

Read More »

LATEST NEWS

Scroll to Top