Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sabado, Agosto 2, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,238 total views

Sabado ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Eusebio ng Vercelli, obispo
o kaya Paggunita kay San Pedro Julian Eymard, pari
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Levitico 25, 1. 8-17
Salmo 67, 2-3. 5. 7-8

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Mateo 14, 1-12

Saturday of the Seventeenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Eusebius of Vercelli, Bishop (White)
or Optional Memorial of St. Peter Julian Eymard, Priest (White)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Levitico 25, 1. 8-7

Pagbasa mula sa aklat ng Levitico

Sinabi ng Panginoon kay Moises nang sila’y nasa Bundok ng Sinai, “Bibilang kayo ng pitong Taon ng Pamamahinga, pitong tigpipito – apatnapu’t siyam na lahat. Pagkalipas nito, sa ikasampung araw ng ikapitong buwan – Araw ng Pagtubos – hihipan nang malakas ang mga trumpeta sa buong lupain. Sa ganitong paraan, itatangi ninyo ang ikalimampung taon; ipahahayag ninyong malaya ang lahat sa buong lupain. Ito’y taon ng inyong paglaya; ang alipin ay babalik sa kanyang sariling tahanan at ang lupaing naipagbili ay isasauli sa dating may-ari. Sa taong iyon, huwag kayong magtatanim sa inyong bukirin. Huwag din ninyong aanihin ang bunga ng mga halaman na kusang tumubo. Sapagkat ito’y taon ng pagdiriwang at itinalaga para sa akin. Ang inyong kakanin ay ang bunga na tuwirang pinitas sa bukid.

Sa taong iyon, bawat isa sa inyo’y babalik sa kanyang ari-arian. Kung magbibili kayo o bibili sa inyong kapwa, huwag kayong mandadaya. Magbabayad kayo ayon sa dami ng taon mula sa huling taon ng paglaya, at magbibili naman ayon sa dami ng taon ng pamumunga bago dumating ang sunod na taon ng paglaya. Pagdami ng taong natitira pa, mataas ang halaga; kung iilang taon na ang natitira, mas maliit ang halaga sapagkat ang batayan ay ang dami ng pag-aani. Maging tapat kayo sa isa’t isa at matakot sa akin. Ako ang Panginoon, ang inyong Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 2-3. 5. 7-8

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Nag-aning mabuti ang mga lupain
pinagpala kami ng Poon, Diyos namin!
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

ALELUYA
Mateo 5, 10

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang inuusig
sa gawang puspos ng bait,
pagkat may kakamting langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 14, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayan kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makarating kay Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Hesus, sinabi niya sa kanyang mga lingkod, “Siya’y si Juan Bautista na muling nabuhay, kaya siya nakagagawa ng mga himala!”

Si Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan. Ang dahilan ay si Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe. Laging sinasabi ni Juan kay Herodes, “Hindi matuwid na magsama kayo ng asawa ng inyong kapatid.” Ibig ni Herodes na ipapatay si Juan ngunit natatakot siya sa mga Judio, sapagkat kinikilala nilang propeta si Juan Bautista.

Nang dumating ang kaarawan ni Herodes, sumayaw sa harapan ng mga panauhin ang anak ni Herodias. Labis na nasiyahan si Herodes, kaya’t isinumpa niyang ibibigay sa dalaga ang anumang hingin nito. Sa udyok ng kanyang ina ay sinabi ng dalaga, “Ibigay po ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan Bautista.” Nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang pangakong narinig ng mga panauhin, iniutos niyang ibigay iyon sa dalaga. Kaya’t pinapugutan niya si Juan sa bilangguan. Inilagay ang ulo sa isang pinggan at ibinigay sa dalaga; dinala naman ito ng dalaga sa kanyang ina. Dumating ang mga alagad ni Juan, kinuha ang kanyang bangkay at inilibing. Pagkatapos, ibinalita nila ito kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Natitipon tayo kay Kristo na nagwagi laban sa lahat ng kasamaan. Lakas-loob tayong lumapit sa Ama kasabay ng ating mga pananalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Ama,
gawin mo kaming mapagwagi sa iyong pamamaraan.

Ang Simbahan nawa’y mapanibago at magbigay saksi sa mga tamang pinahahalagahan sa buhay upang makatulong na maitindig ang mundong nasadlak sa pagkakasala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdirigmang mga bansa nawa’y matutong mamuhay sa pagkakasundo at pagtutulungan para sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang itaguyod nang buong puso ang katotohanan at labanan ang pagtago at pailalim na impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y tumanggap ng kasiyahan ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga taong kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makarating sa pangakong walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos at Ama, habang itinataas namin sa iyo ang aming mga panalangin, nagpapasalamat kami sa iyong Anak na siyang lumupig sa kasalanan at kamatayan; siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 172,989 total views

 172,989 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 194,765 total views

 194,765 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 218,666 total views

 218,666 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 325,523 total views

 325,523 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 349,206 total views

 349,206 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 86,220 total views

 86,220 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 86,451 total views

 86,451 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 87,028 total views

 87,028 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 66,404 total views

 66,404 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 66,513 total views

 66,513 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top