Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, AGOSTO 3, 2024

SHARE THE TRUTH

 6,288 total views

Sabado ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Jeremias 26, 11-16. 24
Salmo 69, 15-16. 30-31. 33-34

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Mateo 14, 1-12

Thursday of the Seventeenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Jeremias 26, 11-16. 24

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Noong mga araw na iyon, sinabi ng mga saserdote at mga propeta sa mga pinuno at sa buong bayan, “Dapat patayin ang taong ito pagkat nagpahayag siya laban sa lungsod gaya ng narinig ninyo.”

Sinabi naman ni Jeremias sa mga pinuno at mga taong naroon, “Sinugo ako ng Panginoon upang magpahayag laban sa Templong ito at laban sa lungsod, gaya ng narinig na ninyo. Kaya nga, magbago kayo ng inyong pamumuhay at mga gawain, at sundin ninyo ang utos ng Panginoon na inyong Diyos. Sa gayun, mahahabag ang Panginoon at hindi niya itutuloy ang parusang inilalaan sa inyo. Ako ay nasa ilalim ng kapangyarihan ninyo; maaari ninyong gawin ang anumang iniisip ninyong matuwid at makatarungan. Ngunit ito ang inyong tandaan: pag ako’y pinatay ninyo, pumatay kayo ng taong walang kasalanan; ito’y magiging sumpa sa inyo at sa lungsod na ito, pati sa lahat ng naninirahan dito, pagkat alam ninyong sinugo ako ng Panginoon upang sabihin sa inyo ang mga bagay na ito.”

Nang makapagsalita si Jeremias, sinabi ng mga pinuno at lahat ng tao sa mga saserdote at mga propeta, “Hindi dapat hatulan ng kamatayan ang taong ito sapagkat ipinahayag niya sa atin ang ipinasasabi ng Panginoon.”

Subalit si Jeremias ay binabantayan ni Ahicam, anak ni Safan, kaya’t hindi siya napatay ng mga tao.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 69, 15-16. 30-31. 33-34

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Iligtas mo ako, ako ay sagipin,
sa putik na ito’t tubig na malalim;
sa mga kaaway, ako’y iligtas din.
H’wag mong tulutang ako ay maanod,
dalhin sa malalim at baka malunod;
hahantong sa libing ako pagkatapos.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Naghihirap ako’t mahapdi ang sugat,
O Diyos, itayo mo, ako ay iligtas.
Pupurihin ang Diyos, aking aawitan,
dadakilain ko’t pasasalamatan.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
lingkod na bilanggo’y di nalilimutan.

Poon, ako’y iyong dinggin
sa panahong ‘yong ibigin.

ALELUYA
Mateo 5, 10

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang inuusig
sa gawang puspos ng bait,
pagkat may kakamting langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 14, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayan kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makarating kay Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Hesus, sinabi niya sa kanyang mga lingkod, “Siya’y si Juan Bautista na muling nabuhay, kaya siya nakagagawa ng mga himala!”

Si Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan. Ang dahilan ay si Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe. Laging sinasabi ni Juan kay Herodes, “Hindi matuwid na magsama kayo ng asawa ng inyong kapatid.” Ibig ni Herodes na ipapatay si Juan ngunit natatakot siya sa mga Judio, sapagkat kinikilala nilang propeta si Juan Bautista.

Nang dumating ang kaarawan ni Herodes, sumayaw sa harapan ng mga panauhin ang anak ni Herodias. Labis na nasiyahan si Herodes, kaya’t isinumpa niyang ibibigay sa dalaga ang anumang hingin nito. Sa udyok ng kanyang ina ay sinabi ng dalaga, “Ibigay po ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan Bautista.” Nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang pangakong narinig ng mga panauhin, iniutos niyang ibigay iyon sa dalaga. Kaya’t pinapugutan niya si Juan sa bilangguan. Inilagay ang ulo sa isang pinggan at ibinigay sa dalaga; dinala naman ito ng dalaga sa kanyang ina. Dumating ang mga alagad ni Juan, kinuha ang kanyang bangkay at inilibing. Pagkatapos, ibinalita nila ito kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Natitipon tayo kay Kristo na nagwagi laban sa lahat ng kasamaan. Lakas-loob tayong lumapit sa Ama kasabay ng ating mga pananalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Ama,
gawin Mo kaming mapagwagi sa iyong pamamaraan.

Ang Simbahan nawa’y mapanibago at magbigay saksi sa mga tamang pinahahalagahan sa buhay upang makatulong na maitindig ang mundong nasadlak sa pagkakasala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdirigmang mga bansa nawa’y matutong mamuhay sa pagkakasundo at pagtutulungan para sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang itaguyod nang buong puso ang katotohanan at labanan ang pagtago at pailalim na impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y tumanggap ng kasiyahan ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga taong kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makarating sa pangakong walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos at Ama, habang itinataas namin sa iyo ang aming mga panalangin, nagpapasalamat kami sa iyong Anak na siyang lumupig sa kasalanan at kamatayan; siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 61,454 total views

 61,454 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 84,286 total views

 84,286 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 108,686 total views

 108,686 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 127,463 total views

 127,463 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 147,206 total views

 147,206 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 34,805 total views

 34,805 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 35,036 total views

 35,036 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 35,531 total views

 35,531 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 25,812 total views

 25,812 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 25,921 total views

 25,921 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top