SABADO, DISYEMBRE 16, 2023

SHARE THE TRUTH

 8,193 total views

Sabado ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Sirak 48, 1-4. 9-11
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16. 18-19

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

Mateo 17, 10-13

Saturday of the Second Week of Advent (Violet)

UNANG PAGBASA
Sirak 48, 1-4. 9-11

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Noong mga araw na iyon, lumitaw si Elias na parang apoy,
parang sulong nagliliyab ang kanyang mga salita.
Dahil sa alab ng kanyang galit sa kanilang kasamaan,
pinadalhan niya sila ng taggutom, at marami sa kanila ang nangamatay.
Sa pangalan ng Diyos, pinigil niya ang ulan,
at tatlong ulit siyang nagpaulan ng apoy.
Kagila-gilalas ang iyong mga kababalaghan, Elias!
Sino ang makatutulad sa mga ginawa mo?
Sa wakas, iniakyat ka sa langit ng isang ipo-ipo,
lulan ng isang karwaheng hila ng mga kabayong nag-aapoy.
Nasusulat na ikaw ay babalik sa takdang panahon,
upang paglubagin ang galit ng Diyos bago sumapit ang takdang araw;
para pagsunduin ang mga magulang at mga anak,
at muling tipunin ang mga lipi ng Israel.
Mapapalad ang mga makakakita sa iyo
at yaong mga namatay na umiibig sa Diyos,
sapagkat kami rin ay mabubuhay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16. 18-19

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

Pastol ng Israel, kami ay pakinggan;
mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan.
Sa taglay mong lakas, kami ay iligtas, at tubusin sa hirap!

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

Ika’y manumbalik,
O Diyos na Dakila!
Pagmasdan mo kami mula sa itaas,
at ang punong ito’y muling pagyamanin, at iyong iligtas.
Lumapit ka sana,
ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,
yaong punong iyon na pinalago mo’t iyong pinalakas!

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

Ang lingkod mong mahal
ay iyong ingatan, yamang hinirang mo ay iyong ipagsanggalang,
iyong palakasin bilang isang bansang makapangyarihan!
At kung magkagayon,
magbabalik kami’t di na magtataksil sa ‘yo kailanman,
kami’y pasiglahi’t aming pupurihin ang iyong pangalan.

Akitin mo, Poong mahal,
iligtas kami’t tanglawan.

ALELUYA
Lucas 3, 4. 6

Aleluya! Aleluya!
Daan ng Poong nar’yan na
t’wiri’t ihanda sa kanya
Pagtubos n’ya’y makikita.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 17, 10-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Habang bumababa sila sa bundok, tinanong si Hesus ng mga alagad, “Bakit po sinasabi ng mga eskriba na dapat munang pumarito si Elias?” Sumagot siya, “Paririto nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. Sinasabi ko sa inyo na pumarito na si Elias, ngunit hindi siya nakilala ng mga tao. At kanilang ginawa sa kanya ang gusto nila. Gayon din naman, pahihirapan nila ang Anak ng Tao.” At naunawaan ng mga alagad na si Juan Bautista ang tinutukoy niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Sabado

Isinugo ng Diyos sina Elias at Juan Bautista upang paalalahanan ang mga tao na nararapat nilang baguhin ang kanilang pamumuhay. Idalangin natin sa Diyos Ama na tulungan tayong magkamit ng tunay na pagbabagong-loob.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Emmanuel, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang Santo Papa at mga obispo ng Simbahan nawa’y maging inspirasyon ng mga tao upang patuloy na manalig sa Diyos sa kabila ng mga dinaranas na mga paghihirap sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nagsisikap manampalataya nawa’y makita at madama ang Diyos na kumikilos sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at guro nawa’y maipamana sa mga kabataan ang pananampalataya na ating kinagisnan sa pamamagitan ng kanilang pagpapatotoo at magagandang halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makabahagi sa pag-asa at kagalakang hatid ng panahon ng Adbiyento, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamasa ng walang hanggang gantimpala sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, tulungan mo kaming ituwid ang aming mga daan sa panahong ito ng Adbiyento upang kami ay maging handa sa pagdating ni Kristo na aming Panginoon magpasawalang hanggan. Amen.


Ika-16 ng Disyembre
(Simbang Gabi)

Isaias 56, 1-3a. 6-8
Salmo 66, 2-3. 5. 7-8.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Juan 5, 33-36

16th of December (Aguinaldo Mass) (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 56, 1-3a. 6-8

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ang sabi ng Panginoon sa kanyang bayan:
“Ayon sa katarungan
at laging matuwid ang inyong gagawin.
Ang pagliligtas ko’y
di na magluluwat, ito ay darating,
ito’y mahahayag sa inyong paningin.
Mapalad ang taong gumagawa nito,
ang anak ng taong ang tuntuni’y ito.
Ginaganap niya ang marapat gawin sa Araw ng Pamamahinga,
sa gawang masama, ang kanyang sarili’y iniiwas.”
Di dapat sabihin ng isang dayuhang nakipagkaisa sa bayan ng Diyos,
na siya’y hindi papayagan ng Panginoon
na makisama sa pagsamba ng kanyang bayan.”
Ito naman ang sabi ng Panginoon
sa mga dating dayuhan na ngayo’y
kabilang sa kanyang bayan,
buong pusong naglilingkod sa kanya,
nangingilin sa Araw ng Pamamahinga;
at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan:
“Dadalhin ko kayo sa Sion, sa aking banal na bundok.
Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo.
Tatanggapin ko ang inyong mga handog,
at ang Templo ko’y tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”
Ipinangako pa ng Panginoon,
sa mga Israelitang ibinalik niya mula sa pagkatapon,
na marami pa siyang isasama sa kanila
para mapabilang sa kanyang bayan.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 7-8

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Nag-aning mabuti ang mga lupain,
pinagpala kami ng Poon, Diyos namin!
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Halina’t kami’y dalawin.
Kapayapaan mo’y dalhin
upang umiral sa amin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 5, 33-36

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio, “Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
SIMBANG GABI ?- Unang Araw

Sa pagsisimula ng Simbang Gabi, idulog natin ang ating mga kahilingan sa Panginoon nang may mga pusong puspos ng pag-asa at pagtitiwala:

Halina, Panginoon kailangan ka namin!

Para sa Inang Simbahan: Nawa’y matugunan niya ang panawagan ng Panginoon para sa pagbabago alinsunod sa ilaw ng Ebanghelyo upang maging inspirasyon sa sangkatauhan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, at lahat ng mga pari: Nawa’y, tulad ng mga propeta noong una, maipaalaala nila sa atin ang mga tunay na dapat pahalagahan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng Pilipinong nasa ibang bansa: Nawa’y ipagdiwang nila ang ganitong Nobena nang kasintaimtim ng kung sila’y narito sa sariling bayan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng walang trabaho, walang tirahan, maysakit o nagdurusa: Nawa’y pukawin sa kanilang pagsisimula ng Simbang Gabi ang matibay na pag-asa para sa magandang pagbabago. Manalangin tayo!

Para sa mga Pilipinong mag-anak, lalo na ang nahaharap sa iba’t ibang pagsubok: Nawa’y ang Nobenang Pamaskong ito’y maging bukal ng paggaling at pagpapalakas. Manalangin tayo!

Para sa ating mga kabataan: Nawa’y hindi sila maakit ng mga bagay na makamundo, sa halip ay pagsikapan nilang hanapin ang Panginoon ng buong puso upang sa bawat gawain sila ay gabayan ng katanungang: “Kung si Hesus ang nasa kalagayan ko, ano ang kanyang gagawin?” Manalangin tayo!

Para sa ating pamayanan: Nawa ang Nobenang ito’y maging isang pagkakataong lalong mapalapit sa Panginoon at muling magpahalaga sa ating pananampalataya. Manalangin tayo!

Para sa mga may malubha at permanenteng kapansanan: maging tampulan nawa sila ng atensyon at kalinga ng lipunan, manalangin tayo.

Panginoong Hesus, itulot mong ang Simbang Gabing ito’y maging panahon ng taimtim na pagbabagong espirituwal. Nawa’y makapaghanda kami para sa pagdiriwang ng iyong kaarawan. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 31,662 total views

 31,662 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 43,308 total views

 43,308 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 52,555 total views

 52,555 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 58,352 total views

 58,352 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 70,740 total views

 70,740 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

Related Story

MIYERKULES, PEBRERO 28, 2024

 621 total views

 621 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y ‘yong sagipin. Mateo 20, 17-28 Wednesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 18, 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ang sabi ng mga tao: “Iligpit

Read More »

MARTES, PEBRERO 27, 2024

 1,395 total views

 1,395 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 23, 1-12 Tuesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 1, 10. 16-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Mga pinuno

Read More »

LUNES, PEBRERO 26, 2024

 2,258 total views

 2,258 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Lucas 6, 36-38 Monday of the Second Week in Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 9, 4b-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Panginoon, dakila at Makapangyarihang Diyos

Read More »

LINGGO, PEBRERO 25, 2024

 3,062 total views

 3,062 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Salmo 115, 10 at 15. 16-17. 18-19 Sa piling ng Poong mahal ako’y laging namumuhay. Roma 8, 31b-34 Marcos 9, 2-10 Second Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Pagbasa

Read More »

SABADO, PEBRERO 24, 2024

 3,922 total views

 3,922 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 23, 2024

 4,452 total views

 4,452 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

 4,231 total views

 4,231 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 21, 2024

 3,627 total views

 3,627 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Lucas 11, 29-32 Wednesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jonas 3, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas Sinabi uli ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta

Read More »

MARTES, PEBRERO 20, 2024

 3,096 total views

 3,096 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan. Mateo 6, 7-15 Tuesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 55, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Ang ulan at

Read More »

LUNES, PEBRERO 19, 2024

 2,506 total views

 2,506 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Mateo 25, 31-46 Monday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Levitico 19, 1-2. 11-18 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin

Read More »

LINGGO, PEBRERO 18, 2024

 1,906 total views

 1,906 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 9, 8-15 Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, iyong minamahal ang tapat sa iyong tipan. 1 Pedro 3, 18-22 Marcos 1, 12-15 First Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 9, 8-15 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Ito ang

Read More »

SABADO, PEBRERO 17, 2024

 1,693 total views

 1,693 total views Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 9b-14 Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6 Ituro mo ang ‘yong loob nang matapat kong masunod. Lucas 5, 27-32 Saturday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 9b-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Kung titigilan ninyo ang pang-aalipin at pagsuway sa

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 16, 2024

 1,680 total views

 1,680 total views Biyernes kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 1-9a Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Mateo 9, 14-15 Friday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 1-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas, ang sala ng

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 15, 2024

 8,454 total views

 8,454 total views Huwebes kasunod ng Miyerkules ng Abo Deuteronomio 30, 15-20 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 9, 22-25 Thursday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 30, 15-20 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao, “Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 14, 2024

 8,956 total views

 8,956 total views Miyerkules ng Abo Joel 2, 12-18 Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17 Poon, iyong kaawaan kaming sa ‘yo’y nagsisuway. 2 Corinto 5, 20 – 6, 2 Mateo 6, 1-6. 16-18 Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Joel 2, 12-18 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel Sinasabi ngayon ng Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi

Read More »
Scroll to Top