SABADO, DISYEMBRE 2, 2023

SHARE THE TRUTH

 6,328 total views

Sabado ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Daniel 7, 15-27
Daniel 3, 82. 83. 84. 85. 86. 87

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Lucas 21, 34-36

Saturday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Daniel 7, 15-27

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Akong si Daniel ay nabagabag sa pangitaing yaon. Kaya’t nilapitan ko ang isang naroon at tinanong tungkol sa mga bagay na aking nasaksihan. At ipinaliwanag naman niya sa akin. Ang sabi niya, “Ang apat na hayop ay apat na haring lilitaw sa daigdig. Ngunit ang mga banal ng Kataas-taasang Diyos ang bibigyan ng karapatang mamahala magpakailanman.”

Sabik na sabik akong malaman ang kahulugan ng ikaapat na halimaw dahil sa malaking kaibahan nito sa tatlo at sa nakatatakot nitong anyo: bakal ang mga ngipin at tanso ang mga panga. Dinudurog nito saka nilululon ang lahat ng abutan at tinatapakan ang matira. Nananabik din akong malaman ang ibig sabihin ng sampung sungay at ang kahulugan noong isang sungay na tumubo at ikinabunot ng tatlo. Ibig ko ring malaman ang kahulugan ng mata nito at ng bibig na pawang kapalaluan ang sinasabi, at kung bakit ang sungay na ito’y mas malaki kaysa iba.

Samantalang ako’y nakatingin, nakita kong dinigma nito at nilupig ng sungay ang mga lingkod ng Diyos. Pagkatapos, dumating ang nabubuhay magpakailanman at nagbibigay ng hatol sa panig ng mga lingkod ng Diyos. Dumating ang araw para ibigay sa bayan ng Diyos ang pamamahala sa kaharian. Ganito ang sinabi niya sa akin: ‘Ang ikaapat na hayop ay ikaapat na kahariang babangon sa daigdig. Kaiba ito sa lahat ng kaharian pagkat masasakop nito ang sandaigdigan, yuyurakan at iiwang luray-luray. Ang sampung sungay ay kumakatawan sa sampung hari. Sa gitna nila’y mayroong isang sisilang. Iba ito sa karamihan at sa kanyang pagtayo, tatlong hari ang mabubuwal. Magsasalita siya laban sa Kataas-taasan at pahihirapan niya ang mga hirang ng Diyos. Kung maaari’y babaguhin ang kautusan at mga gawaing panrelihiyon. Ang mga hirang ay ipaiilalim sa kanyang kapangyarihan sa loob ng tatlong taon at kalahati. Ngunit siya’y hahatulan. Kukunin sa kanya ang kaharian at dudurugin siya nang lubusan. Ang kaharian, pati ang karangalan ay ibibigay sa mga hirang na Kataas-taasan. Sila ang maghahari magpakailanman, at maglilingkod sa kanila ang lahat ng kaharian.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 82. 83. 84. 85. 86. 87

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Lahat ng tao sa daigdig, purihin ninyo ang Panginoon;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, bansang Israel;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga saserdote ng Diyos;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, mga lingkod ng Panginoon;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga tapat;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga banal at mababang-loob;
awitan siya ng papuri at dakilain magpakailanman.

Dakilai’t papurihan
ang Poon magpakailanman.

ALELUYA
Lucas 21, 36

Aleluya! Aleluya!
Manalanging walang humpay
samantalang hinihintay
si Hesus na Poong mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 34-36

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo na huwag magumon sa katakawan at paglalasing at mabuhos ang inyong isip sa mga intindihin sa buhay na ito; baka abutan kayo ng Araw na yaon na hindi handa. Sapagkat darating iyon nang di inaasahan ng tao sa buong daigdig. Kaya’t maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng lakas upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa Diyos Ama para tulungan tayong maghanda sa pagdating ng ating Panginoon sa ating daigdig at sa ating buhay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, pangalagaan mo kami sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y huwag magkulang na paalalahanan ang mga sumasampalataya ukol sa pangangailangan sa pagiging aktibong pagbabantay at bilang paghahanda sa pagbabalik ng Panginoon na may pananalangin at paggawa ng kabutihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang pamayanan nawa’y hindi natin makaligtaang malaman ang pagdating ni Kristo sa pamamagitan ng mga taong nakakasalamuha natin sa araw-araw, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magpakita ng habag sa mga dumaranas ng pagdurusa sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, mga nalulumbay, at mga maysakit nawa’y madama ang mapagpagaling na presensya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y matagpuan si Kristo sa kanilang makalangit na paglalakbay, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, bigyan mo kami ng bagong pangarap habang aming hinihintay nang may masayang pag-asa ang pagdating ng iyong Anak na si Jesu-Kristo. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 1,109 total views

 1,109 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 25,425 total views

 25,425 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 61,215 total views

 61,215 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 103,091 total views

 103,091 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 156,374 total views

 156,374 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Mayo 1, 2026

 40 total views

 40 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa

Read More »

Huwebes, Abril 30, 2026

 2,711 total views

 2,711 total views Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 13, 13-25 Salmo 88, 2-3.

Read More »

Miyerkules, Abril 29, 2026

 4,117 total views

 4,117 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6

Read More »

Martes, Abril 28, 2026

 4,102 total views

 4,102 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis

Read More »

Lunes, Abril 27, 2026

 3,017 total views

 3,017 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (II) Mga Gawa 11, 1-18 Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4. Aking

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top